Sunshine POV
Nakauwi na kami ng pinsan ko, nandito na kami sa mansion NAMIN. Yws mansion namin. Niregalo sa amin ito ng Mother ni Christina at ng Father ko.
Kukwento ko nalang sa inyo kung bakit masungit si Christina.
Yung mother nya ay palaging busy, kahit b-day nya hindi man lang dinadalaw. Nireregaluhan lang. Pero sa akin minsan lang sya nagsusungit. Lahat ng gustuhin ni christina ay nasusunod, pero bawal lang syang magpatalsik sa school kahit anak pa sya ng may-ari ang school. Kinakalimutan nya nalang lahat ng lungkot dahil sa mama nya, napupunta lahat sa pag-aaral at sa amin.
Ako naman ay hindi ko close yung papa ko, pero binibigay nya lahat ng gusto ko. Pero hindi naman lahat ng gusto ko ay hinihiling ko. Mahiyain kasi ako.
Si Patricia naman ayon puro pagkain ang nasa isip.
"Sunshine,ano nanaman ang inisip mo? Tulala ka nanaman dyan."-christina
Ito talaga panira ng moment,nagkukwento pa ako eh.
"Wala"-ako
"Magreview nalang tayo"-Christina
Nagrereview kasi kami ngayon. Wednesday na kasi ngayon eh friday yung laban.
"Okay"-ako
"Nasan na ba yung si Patricia?" tanong nya.
"Bakit mo sakin tinatanong? Tawagan mo nalang"sabi ko.
"Okay fine" sagot nya.
Christina POV
Tinatawagan ko ngayon si PAtricia antagal dumating. Dapat sabay sabay kaming magrereview. Antagal dumating kaya nauna na kami.
["Hello?"]
"Bakit ba antagal mo,nasan ka na ba?" tanong ko.
["Nandito na ako sa labas"] sabi nya sabay baba ng phone.
Maya maya ay dumating na sya dito sa library.
"Antagal mo" sabi ko.
"Sorry naman antraffic eh. Tapos nagutom pa ako kaya huminto muna ako pa...."
Pinutol ko ang sasabihin nya. "Kumain ka nanaman, bakit ba kasi ang takaw takaw mo?" tanong ko ng pasigaw.
"Ewan ko kung bakit ako matakaw. Eh nagugutom ako eh, saka hindi ako makaka concentrate kapag gutom ako. Sorry na." sabi nya.
"Palagi ka namang gutom" sabi ko.
"Minsan lang kaya" sabi nya.
"Palagi" sabi ko.
"Min...."
"TUmigil na kayo sa pagtatalo nyo,kailangan nating manalo" sabi ni Sunshine.
"Basta pagkatapos pakain" sabi ni patricia.
"Tumigil ka na nga" sabi ko.
"K" sabi nya.
"Ang ikli ng sagot ah" sabi ko.
"Pakialam mo ba..?" sabi nya.
Hindi na ako sumagot bagkus ay tumingin nalang ako sa binabasa kong libro.
_____
YOU ARE READING
The Bestfriends
Cerita PendekBook 1 Magkalaban sa competition Walang nananalo at wala din namang natatalo. Nagkasundo ang mga teachers na maging partner nalang silang lahat tutal ay parehas lang ang galing nila. Maging friends kaya sila sa huli? A/n: This story is a work of fic...