17

2.6K 54 1
                                    

Mysterious Guy



Sowee's POV


"Mommy, let's go!"

Hila-hila ako ni Cloud palabas ng bahay. Excited kasi syang pumasok eh. Mas lalo pa syang na-excite nang malamang araw-araw na nila akong makakasabay pagpasok ng Daddy Idol nya. Anong exciting dun? Hassle nga eh.  (  = ~ =  )

Paglabas namin ng bahay, medyo disappointed si Cloud kasi wala ang Daddy Idol nya. Wala kasi yung kotse ni Patrick sa labas. Psss! Baka umuwi na. Hindi na siguro nakatagal dito.

"Where's Dad?"

Nasanay na talaga si Cloud na parati nyang nakikita si Patrick. Kung bakit ba naman kasi pinagkita pa sila ng tadhana. Yun na nga yung iniiwasan ko. Kaso wala na eh. Nagkita na sila. Naging artista pa sya. Naging mundo na din ni Cloud ang mundo ng tatay nya. Tapos ngayon, Daddy pa ang tawag nya dito. Kung hindi ka ba naman maloka. Lahat ng iniiwasan ko, nangyayari. Nananadya ba talaga ang tadhana?

Sa paghihintay namin, isang kotse ang papadaan samin. Hindi namin pinansin yun pero sabay-sabay kaming napalingon dito nang huminto ito sa harapan namin. Teka, kanino 'to?

Sinisilip-silip namin yung loob tapos dahan-dahang bumukas yung bintana. "Sakay na." Nakita namin si Patrick. Shete! Naka-salamin pa, lalo syang naging gwapo. "Baka matunaw ako nan, sumakay na kayo."

Iniwas ko yung tingin ko. For sure mang-aasar nanaman yan eh. Nauna nang sumakay sakin sina Yanna at Cloud. As usual, sa likod sila, ako sa harap. Sa katabi nya mismo. Ngayon palang pinagsisisihan ko na na nagpadala ako sa iyak ni Cloud.

"Nasan yung kotse mo?" Hindi kasi namin agad ito napansin dahil sa bago ito. Kung dati black, ngayon naman dark blue.

"Dinispatsa ko na." Tipid nyang sagot.

Iba talaga pag mayaman. Okay lang kahit magtapon sila ng pera at mamahaling bagay nila. Sabagay, barya lang naman para sa kanya yung kotse.

Tahimik kami sa buong biyahe. Naunang bumaba samin si Cloud. Una kasing madadaanan yung school nila kesa sa school namin.

"Bye Mommy!" Paalam nya sakin then he kissed me.

Nagsuot ng jacket si Patrick para hindi sya makilala ng mga tao. Hinatid nya si Cloud hanggang sa may gate. Pinagmasdan ko silang dalawa. Umupo si Patrick para makapantay nya si Cloud. Maya-maya pa'y hinalikan sya ni Cloud sa pisngi. Bigla tuloy akong namula. Kanina lang kasi hinalikan ko din si Cloud tapos sya naman. Para tuloy indirect kiss yung nangyari. Kapansin-pansin ang tingin ng mga tao sa kanya. Artista na nga talaga sya.

Kinausap ni Patrick yung guard na pwedeng maghatid kay Cloud papunta sa classroom nya. Ina-aassure parin talaga nya yung safety ni Cloud. Nakita ko namang tumango yung guwardiya kaya madali na syang nakaalis. Hindi ko parin maiwasang mag-alala sa kanya. Mamaya dumugin pa yun sa loob.

Pagbalik na pagbalik ni Patrick sa kotse, dumiretso na kami sa school. Isang kanto mula sa campus ang binabaan namin. Mahirap na, baka may makakita pa samin.

"Thanks."

"Thank you, Patrick." Sabi ni Yanna. "Sis, mauna na ako ha?" Paalam nya sakin, tumango lang ako. Paalis na rin naman ako eh.

"Salamat ulit." Sambit ko.

"Kagaya ng pinagkasunduan natin sa kontrata." May pagkindat pang sabi nito. "I'll see you later." Ngumiti muna ito bago sya umalis.

Pag-alis nya, naiwan akong nakatulala dun sa sidewalk. Tinamaan ba ako dun sa kindat nyang yun? Sus, hindi naman siguro. Hindi ko nalang pinansin yung naramdaman ko kanina. Mas maganda pa siguro kung pumasok na ako.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon