SEVEN
Sinundo ko si Shina sa apartment niya. Ala-una pa dapat kami pupunta sa Batangas pero excited si Mama at ipinagluto na si Shina ng lunch. Kaya ayun, 9am pa lang, nandito na ako sa tapat ng apartment niya.
Nung sinabi ko kay Shina na napaaga yung pag-alis namin sa Batangas medyo nalungkot siya. Sayang din daw kasi yung kikitain niya sa mga araw na yun pero ngumiti siya tapos sinabi niyang basta kasama niya ako, okay lang. Ang korni na talaga nun. Hahaha. Syempre, kinikilig ako.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong sa akin ni Shina pagkasakay niya sa kotse. “Sorry Honey. Hindi ko kasi alam yung isusuot ko. Hinalungkat ko pa lahat ng mga damit ko.”
“You look beautiful kahit anong damit pa ang isuot mo,” hinawakan ko yung kamay niya, alam kong kinakabahan na naman siya. Napansin ko yung mukha. “Naka-make up ka ba?”
“Ha?” namula yung tenga niya. “Eh kasi---“
“Ang ganda mo talaga,” I kissed her hand then drove to our house.
My family welcomed us. Niyakap siya ni Mama. Si Papa naman, he tapped her in her shoulder tapos sinabihan siyang mas maganda siya sa personal. Si Jianna naman, nakipagkwentuhan agad sa kanya. Nung napatingin si Shina sa akin, nagngitian kami.
Hanggang sa lunch, tuloy pa din ang kwentuhan na most of their topic ay tungkol sa akin. Ipinakita ni Mama yung mga baby pictures ko kay Shina tapos nagtatawanan sila. Hayyy. >.<
Sila Papa at Mama sa kotse, ipinagmaneho sila ng driver. Matutulog daw si Papa eh, ayaw niyang magmaneho. Dapat sana yung van ang gagamitin namin kaso gustong magmaneho ni Jianna kaya ayun, sa kanya kami nakaisakay. Gusto ko sanang masolo si Shina pero hindi na ako pinagkotse ni Mama dahil baka mawala daw kami. >.<
Buti na lang naidala namin yung gitara ni Shina na ibinigay niya sa akin, nagkantahan na lang kami sa byahe kaya hindi boring. Si Jianna kahit mas pangit yung boses niya sa akin, nakipagsabayan sa amin. Sana hindi umulan. Hahaha.
Tapos biglang tumawag si Kester, hahabol daw siya baka bukas o sa susunod na araw. Syempre, masaya si sis, kumpleto ang pasko niya. Tsss, hindi talaga siya matiis ni Kester.
Medyo madilim na pagdating namin sa rest house. Nakailaw na yung mga Christmas lights sa labas ng bahay. Hindi naman gaanong malaki itong bahay, mas malaki yung family house namin. Hindi masyadong moderno kasi more on sa kahoy gawa pati yung mga furnitures sa loob. Parang kalumaan nga ang style pero hindi naman pang-haunted house ang dating.
Hawak-kamay kaming pumasok ni Shina.
“So you two will be in your room,” sabi sa akin ni Papa. “Do whatever you want basta wag lang kayong maingay.” Tapos itinawa niya. Medyo loko-loko rin talag itong pinagmanahan ko. >.<
Nalilitong tinignan ako ni Shina nung naglalakad na kami papunta sa kwarto.
“Ano kasi, tatlong room lang ang nandito kasi rest house namin ito, wala kaming guest room. We don’t invite guests here,” inakbayan ko siya. “Kay Jianna yung isa, eh darating si Kester. Kina Papa yung isa. Sa akin yung isa. Ahhh... ano, doon tayo.”
“What?” gulat na nasabi niya.
Sabi ko na nga ba ganun ang reaksyon niya. First time din kasi naming iisa ang tutulugan naming kwarto. Medyo awkward ito. “Don’t worry, may sofa naman dun eh. Doon na lang ako, doon ka sa kama.”
Narinig kong bumuntong-hininga siya. “Okay lang. Dalawa na lang tayo sa kama.”
Inayos niya yung mga gamit niya sa closet. Maluwang pa naman yung closet kasi kakaunti lang yung damit kong nandoon. Nauna na din siyang nagshower nung tinawag kami ng caretaker dun na kakain na daw. After niya, syempre nagshower na din ako. Sabay na kaming bumaba sa dining area.
BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
NouvellesAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))