Book 1
Magkalaban sa competition
Walang nananalo at wala din namang natatalo.
Nagkasundo ang mga teachers na maging partner nalang silang lahat tutal ay parehas lang ang galing nila.
Maging friends kaya sila sa huli?
A/n: This story is a work of fic...
"Bella aalis na ako, baka hinahanap na ako ni papa." sabi ni Ashley.
"Dito ka na magdinner, sigurado ako gutom ka na" sabi ko.
"Naku ano kaba, busog pa ako" sabi nya.
"Sa gusto mo at ayaw mo dito ka kakain" sabi ko sabay punta sa pintuan at binuksan yun.
"O-kay, may magagawa pa ba ako" rinig kong sabi nya.
Pagbaba ko nakita ko na si mommy na nakaupo at yung mga pagkain inihahanda na ng maids. Kasunod ko na rin si Ashley.
"Ija dito ka na magdinner, napagod kayo ng husto sa pagrereview kaya wag ka ng tumanggi" sabi ni mommy.
"Sige po" sabi naman ni Ashley.
Ako nga pala si Isabelle De leon, 17 years old and study in Huera University. 1st year college na ako ngayon. Ako ay maganda, mayaman, matalino at mabait,maalaga.
Naging friend ko lang si AShley nung 1st day of class. Mahirap lang sya pero mabait din at palaban.
Si mommy lang ang kasama ko dito, si daddy ay nasa Canada for buseness trip. Next month na yung uwi nya.
At dahil matalino kami ni Ashley ay palagi kami nasali ng mga contest o sinasali ng mga teachers.
Pero meron kaming hindi matalo at hindi rin namin sila matalo. Gustong gusto kong matalo sila.
Maya-maya ay natapos na rin kami sa pagkain at lumabas na kami ni mommy para ihatid si Ashley
"Thank you po sa dinner" sabi ni ash.
"Ano ka ba iha walang anuman" sabi naman ni mommy.
"Ipapahatid nalang kita kay kuya" sabi ko. Yung sinasabi kong kuya ay yung driver namin.
"Ah hindi na kaya ko naman magtaxi" sabi nya.
"No ipapahatid kita, Baka mapano ka pa, ayoko mawalan ng bestfriend" sabi ko ng medyo pabiro.
"Okay, fine" sabi nya.
Wala talaga syang kaya sa akin. Palagi ako ang nasusunod. Pero para sa kanya naman lahat yun.
Ashley POV
Andito ako ngayon sa kotse. Malapit narin ako sa bahay namin.
Ako nga pala si Ashley Caballero,17 years old. Matalino ako, pero mahirap lang pero kahit mahirap ako mahal na mahal naman ako ng papa ko, schollar ako sa huera university.
Palagi kaming nagrereview para matalo namin sina Sunshine, Christina at Patricia. hindi kasi namin sila matalo.
Mayaman din sila. Ang balita ko kay Bella, (nickname ni Isabelle) si Christina daw ang anak ng may-ari ng school. Masungit sya sa mga tao. Sa pinsan nya at kaibigan nalang nya binubuhos ang atensyon nya at syempre sa pag-aaral.
Si sunshine naman balita ko sya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. Pinsan sya ni christina. Mayaman din at maganda. Lahat naman sila magaganda. Hindi sila mahilig magmake-up. kami rin naman ni Bella.
si Patricia naman ay Matakaw pero matalino.mayaman. Medyo may pagkamabait din naman.
Medyo chismosa lang ako hah.
"Ma'am nadito na po tayo" sabi ni kuya. Alam na nya kasi kung saan yung bahay ko.
"Okay po. Thank you po" sabi ko saka pumasok sa bahay namin.
Si papa lang ang kasama ko dito sa bahay. Si mama kasi may iba ng pamilya.
Mabait si papa,maalaga,masipag.
"Papa nandito na po ako" sabi ko.
"Oh, anak nandyan ka na pala nagluto ako. Halika kumain na tayo" sabi nya.
"Eh papa kumain na po ako kila Roshelle. Bukas nalang po. Isasangag ko yan." sabi ko.
"O sige. Umakyat ka na at magpahinga" sabi nya.
"Okay po. kayo din po" sabi ko sabay akyat at pumunta sa kwarto ko.
Ako nga pala ay working student. Nasideline ako para matulungan ko si papa.
Bukas na nga lang ako magkukwento. Inaantok na ako eh.
Zzzzzzzzzz...........
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.