VOICE

153 7 3
                                    

CHAPTER 7

-VOICE-

“ANO?? Wala akong alam sa pinagsasasabi mo!” sumigaw na din ako. Kelangan yun para balance di ba. 

“And you’re denying huh? Hindi ba’t ikaw ang bagong girlfriend ni Thorn?!”

Bigla akong nakarinig ng mga bulungan. Hindi ko alam kung bulungan talaga kase narinig ko eh. Di ba dapat pag bulungan, hindi mo maririnig? Aishhh…

“WHATTT??!”

“O.M.G.!”

“I can’t believe this!!”

“Pumatol siya jan??!”

“Napaka-assumerang babae naman nito!”

“TOTOO?!”

Nag-iinit na ang ulo ko.  Ano bang problema nila? Wala nga akong kilalang Thorn! Teka teka, tao ba yun?? Itatanong ko na sana ng magsalita na naman ang bruhillda.

“You heard it right. Ang malanding babaeng ‘to ay mang-aagaw ng boyfriend! She just flirted with my boyfriend. I mean, ex-boyfriend Thorn Bryce Wilson!” tinuro niya ko..

Wilson. Wilson. Wilson.

Shems! Si Blaize, Wilson yun di ba? Pero Thorn daw eh..Di kaya yung kapatid nun?? So it means, TAO nga!

“Pero okay lang, marami pa jan. It’s just an insult that his standard is lower than the I.Q of this girl.” Saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa saka tumawa ng pagkalakas-lakas. Yung ibang estudyante naman eh nakitawa din.

P*nyeta! LOWER THAN THE I.Q?! ANO BA G.W.A. NETO??!

(A/N: GWA – General Weighted Average)

Easy ka lang Kirstein..easy..Wag mo siyang papatulan. Hinga ng malalim… baka ma-DSA ka pa, sayang ang honor. Breath in…Breath out..

(A/N: DSA- Department of Student Affairs)

 

Another.  Inhale…ex----

“Oh, sorry! Di mo ba naintindihan ang mga sinabi ko? Oh sige, I’ll just reiterate para maintindihan mo. Sabi ko, napakababa ng standard ni Thorn dahil sayo lang siya bumagsak na isa ring may low I.Q. ! hahaha” tawa niya pa.

---hale. Shet! L*ntek lang ang walang ganti. Biglang nawala ang takot ko at napalitan ng…galit..

Ano ko, papatalo nalang? Wala sa bokabularyo ko yan. Hindi na ko natatakot. Tinitigan ko siya. Humanda ka *insert nanlilisik ang mata with matching evil smile here* Bwahaha

1 2 3 Attack!

 “Ouch! Stop it!” hiyaw nung babae.

Sinugod ko siya saka pinagsasabunutan. Para ma-feel niya din ang na-feel ko. Ang unfair ko naman nun. Ako nakaranas, tapos siya hindi?? Ipapatikim ko din sa kanya para masaya! :D

“Ang kapal ng mukha mo! Wag mo akong lalait-laitin! No one had insulted me in my whole life! Ikaw lang!” saka pinagsasampal siya. Wala na akong pakialam sa DSA, sa honor at kung saan pa. Ang mahalaga ngayon, maturuan tong lesheng babaeng to.

Wala pang umaawat samen kaya sige parin kami sa sabunutan ng may biglang humawak saken...i mean samen.

“Hey, stop it!” pero di pa rin kami tumitigil. Nakahawak pa rin sa buhok ko si bruhilda.

“No!” sigaw nito. At nagpapalag habang inaawat nung isang lalake. Wala akong oras para sa pag-angat pero nakita ko ang pamilyar na mukha.

“Corrine, stop it!” saka binuhat ito paalis saken. Natanggal din sa wakas ang galamay niya sa  buhok ko. Ano na kayang hitsura ko? Huhu..Pano nalang pag nakita ako ni Blaize na ganito? Turn-off ulit? Aissshhhh naman ehhhhhh...T_T

Pero yung lalake, SIYA YUNG MAKAKASAGASA SAKIN AH! Yung nasa restaurant! Tadhana nga naman! Hahabulin ko pa sana kaso masakit ng katawan ko. Aist..

Pero di nakaligtas sa paningin ko ang mukha niya…..

Puuhhleesss…Kiligness to the max overload na itey!

Coco Martin, ikaw ba yan? YUMMY! Haha… Lihim akong natawa sa isiping yun ah. Di alintana yung sakit na nararamdaman ko saka yung mga estudyanteng nakikiusyuso.

Ba’t ganon, pag gwapo, di nakakaligtas sa paningin ko? Ang astig ng mata ko noh? xD

“Ok ka lang?” saka naman ako biglang nagising sa nagsalita. Oo nga pala, eto yung lalaking tumulong hatakin ako sa bruhang Corrine na yun. Oo, alam ko ng pangalan niya, narinig ko eh. Ang ganda nung pangalan niya infairness ha? Pero mas bagay sa kanya ang Lukring. May kuliling ata yun eh. haha..BAD Kirstein.

“Hey Miss, ok ka lang?” ulit nito. Amp! Teka, yung boses na yun.

Yung boses na yun.

YUNG BOSES NA YUN!

Sakto paglingon ko, nakita ko ang mukha niya!

He’s face struck me and all I could sense is everything went black.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon