galing sa librong RETORIKA
(ang sining ng pagpapahayag)
HOPE YOU LIKE
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.
Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon.Narinig kong kumakatok si Itay sa pinto ng aking kwarto.Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.
May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid, laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako."Itay……huwag po! Huwag po ! Akoy inyong anak! Utang na boob, Itay !"
Ngunit parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking
mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ang aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Mariin ang aking pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang naghuhumiyaw niyang tinig.
"Hayop ka ! Hayop ka ! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak ! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan !"
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamammg ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay .
Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapay labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon .
Niyakap ko si Itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
Haaaaaaaaaaayyyy Natapos din .
natapos ko lang ngayong gabi !.
an saya saya . .
Basahin niyo din po yung story ko na
My Amnesia BOYTHANK YOU . . .
#chenchancho