Kaligirang Pangkasaysayan
ng Dula
Ang Drama o Dula ay nag-ugat sa salitang griyego na ayon sa diksyunaryo, ang ibig sabihin ay akdang pampanitikan na inilalahad sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga tauhang gumaganap.
Ang Drama o Dula ay nagsisimulang lumaganap sa Pilipinas noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano.
Matutunghayan ang mga sumusunod bilang sangkap ng isang dulang pangtanghalan:
• Tagpuan- Panahon at pook kung saan nagaganap ang mga pangyayaring isinasaad sa dula.
• Tauhan- ang mga kumikilos at nabibigay-buhay sa dula, sa tauhan umiikot ang mga pangyayari.
• Tunggalian- maaaring sa pagitan ng mga tauhan o tauhan laban sa kanyang paligid o tauhan laban sa kanyang sariling kahinaan.
• Kasukdulan- sa bahaging ito nasusubok ang kakayahan at katatagan ng tauhan, sa bahaging rin ito pinakamasidhi o pinakamabugso ang damdamin ng mga tauhan o kaya ay nasa sukdulan ang tunggalian.
• Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan ng mga suliranin at pag-aayos sa tunggalian.
• Kalutasan- sa bahaging ito nalulutas at nawawakasan ang mga suliranin.
Ang Kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga katutubo’y likas sa mga awit, sayaw at tula. Gayundin, sila ay mayaman sa epikong bayan na kalimata’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit,sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli; ligawan, kasalan, kamatayan; pakikipagdigmaan, kasawian,pananagumpay; pagtatanim, pag-aani, pangingisda at iba pa.
Mga uri ng dulang pilipino
Mga Katutubong Dula
Dula sa panahon ng kastila
Dula sa panahon ng amerikano
Bikal at Balak
Karilyo
Bayok at Embayoka
Kasayatan
Dallot
Pamanhikan
Dung-aw
Hugas Kalawang
Daling-Daling
Dula sa panahon ng kastila
Moro-moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong