Seven Twenty 8

7 1 1
                                    

Ang tagal naman nila.

Nakakunot ang noo ko ngayon dahil gustong gusto ko na talagang kumain pero, grabeng Filipino time ang ginamit ng dalawang bruha kong kaibigan.

'Asan na ba talaga kayo?! Akala ko ba on the way na?'

Sinend ko sa kanilang dalawa ang message ko. May on the way bang isa't kalahating oras? Ano, traffic? Eh nasa kabilang street lang ng mall na ito ang apartment na tinutuluyan nila.

'Sasapakin ko talaga kayo!'

Sinend ko ulit at tsaka pinasok sa bulsa ang phone ko. God. Gutom na talaga ako. 7:04 pm na hindi pa ako nagdinner. Dalawang oras na akong nakaupo dito. Exaggerated masyado noh? Eh yun talaga ang totoo. Ang usapan ay alas singko. Shet. Feel ko iitim ang pwet ko sa tagal kong nakaupo sa bench dito. Tiningnan ko ang paligid, nagbabakasakaling may black magic at portal na lilitaw at lalabas yung dalawang bruha. Pero wala talaga. I swear magpapalibre ako sa kanila, magbubuffet ako hanggang sa mabutas ang bulsa at bra nila.

Sinandal ko ang likod ko, pumikit at nagbuntong hininga. Umuwi na lang kaya ako? Pero, sayang naman ang effort ng paghihintay ko.

Gumalaw ako at kung maaari ay mag rolling sa tiles ng mall dahil sa bagot. I yawned and stretched my arms but there's something, well someone rather who I hit.

"Oww, sorry." Nagsorry ako sa katabi ko at hmm. Ngayon ko lang napansin, kanina pa din pala tong isang to dito. Naka earphones at kanina pa nakatutok sa phone niya. Ang tangos niya. May glasses siyang suot at naka bonnet. May bangs siya na parang isang...pfft...lampaso? Seriously? Okay na sana eh, panira yang pang nerd niyang hairstyle.

Lumingon siya sa akin tsaka namula. Hmm? Ba't naman? Tinanggal niya ang kanyang earphones.

"Uh, it's okay."

Woah woah woah. Shet ang ganda ng accent niya.

I blinked and suddenly got star struck. Parang familiar yung boses niya ah.

*arf arf* Biglang tumunog yung ringtone ko.

Hala. Nagtitigan pala kami? Naramdaman kong uminit yung mukha ko kaya iniwas ko yung tingin ko.

Kinuha ko yung phone ko at binasa ang message. Tsk. Balik bad mood. Nag text yung mga bruha.

'Nandito na talaga kami sa entrance ng mall.'

'Punta ka na lang dito sa entrance, nandito yung restaurant na kakainan natin.'

Wow. Wow ha. Sumigaw ako ng potek at tumayo para tumambling pababa ng escalator. Pero syempre di ko ginawa yun. Pero gusto ko talaga eh!

Tumayo na ako, for real. Maglalakad na sana ako ng may biglang humila sa akin at pinaupo ako ulit. What's his problem? Pilit kong hilain ang kamay ko pero mas lalo niyang hinigpitan. Sa sahig siya nakatingin at kitang kita ang pamumula ng mukha niya dahil maputi siya.

"What?" Tanong ko sa kanya. Wala ata siyang planong pakawalan ako noh?

"Uhm-"

"Can you please let go of my hand?"

Na realize niya atang nakahawak pa siya sa kamay ko kaya para siyang napaso nang bitawan niya ako.

"Sorry-- hey wait!"

Naglakad ako palayo sa kanya. Gutom na talaga ako.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nabigla ako sa malakas niyang paghila kaya hindi ako nakapalag nang sinandal niya ako sa isang saradong tindahan.

Seven Twenty 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon