MICHA'S POV
Nagpapasalamat ako na sumama si Jera sa simbahan. Syempre big deal yun sa akin dahil gusto ko siyang magbago at yung message, bagay sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero nakita ko siyang nakangiti so hindi siya siguro nabore sa loob. Medyo umiba rin ang aura niya, hindi na yung madilim na mukha na parang kumain ng maasim na sampalok.
"Uy Jera, kumain muna tayo diyan sa tabi tabi." yaya ko sa kanya since wala naman kaming importanteng lakad.
"Okay, saan mo gusto?" tanong nito at kinuha yung bag sa akin.
Tinuro ko yung typical na restaurant, yung hindi pang exclusive na tao pero malinis at isa sa mga pinagkakatiwalaang resto sa Marikina. Hindi ito yung tipo ng restaurant na class, yung puro mayayaman lang ang pumapasok dahil nakakalula yung presyo pero pag tiningnan mo sa labas ng restaurant, ang ganda niya at parang masyadong mahal ang presyo pero hindi pala, medyo lang.
"Hey! Their prices are cheap! Are you sure the food is good." bulong niya sa akin.. Grabe cheap daw yung 200, mahal kaya sa akin yun..
"Ano ka ba, sure ako. Masarap kaya ang food nila dito. Dito kami madalas pumunta ng mga co-teachers ko."
Dumating na yung order namin then I said a silent prayer bago kumain. Siya yung unang tumikim. (sorry wala akong ibang alam na menu kaya pasensiya. Kinakain ko lang kung ano yung pag kain na gusto kong kain pero di ko na inaalam kung anong pangalan ng putahe.)
"Hmm. Not that bad." sabi nito habang nginunguya yung pagkain.
"Masarap kamo. Not that bad. Tsk tsk. Tipid mo talagang magbigay ng compliment. Bakit ba hindi mo diretsuhin kung masarap or hindi. Di ba?"
"You know what? You talk too much." napailing pa ito at itinuloy ang pagsubo.
Sinulyapan ko si baby sa baby basket bago kumain. Mahimbing itong natutulog.
"Bakit pa pala nag lasing nung nakaraang araw. Alam mo muntikan na talaga kitang ipagtabuyan sa pamamahay ko pero na awa ako kaya nagbago ang isip ko."
JERA'S POV
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Micha na na aawa siya sa akin. Damn it! I want people pitying me.
"Wow! Ka awa-awa pala ako ngayon!" hindi ko maiwasang hindi magalit. Ako! Kinaka awaan.
"Oo, tignan mo nga, walang direksiyon ang buhay mo. Why don't you share me your problem. I might help."
"Are you sure? Because you're not helping at all. You only make it worst."
"Wow, worst talaga ha. I bet you don't see my point because you are too proud to admit that you really needed my help. Minsan, lunukin mo rin ang pride mo na kailangan mo ng masasandalan, andito naman ako bilang kaibigan."
"Damn it! Micha. Not now!" I hissed. At pinagpatuloy ang pag nguya. Ngayon lang kami kumain sa labas tapos she's ruining our date. I'm pissed off knowing that she's only doing this because naaawa lang siya sa akin.
"Ayaw mong sabihin? Mas gagaan ang feelings mo pag nailabas mo yang mga hinanakit mo. Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo?" kulit na tanong niya. Manhid ba siya na ayokong pag usapan ang buhay ko o talagang sadyang makulit talaga siya.
Inis na tumayo ako at inilapag sa table ang pambayad niya.
"Teka saan ka pupunta.?" takang tanong nito. Pssh! So naive.
"Where no one could upset me, because right now, you're getting into my nerves." nagtitimping wika ko at iniwan sila. Sinulyapan ko muna si baby na mahimbing na natutulog bago tuluyang lumabas.
BINABASA MO ANG
Surrogate Child ( Completed )
HumorWho would expect that one single move can change a happy-go-lucky young man's life??? Ang akala niyang katuwaan ay siya pala ang magdudulot ng isang malaking disaster sa kanyang buhay??? Ang hindi niya inaasahang pangyayari ay ang pagkakaroon ng ana...