Nang Dahil sa Krim Stix

69 2 4
                                    

Leandrea's POV

Tinamaan na talaga ako sa lalaking yun. Taeng puso ito. Mamimili nalang ng mamahalin yung 'cannot be reached' pa. Ang gwapo niya talaga. Deym that eyes, that nose, that *gulp (toot). Joke laaaannnggg!!!

Kasalukuyan ko nga palang
pinagpapantasyahan si Xiandre. Ang boylet na trip na trip ko.

"Lean!! Tulungan mo naman ako sa assignment ko! Pleeaaaasshh" sigaw ng lokaret kong kaibigan na si Charcinne.

"At anong gantimpala ang mapapala ko sayo!?" Pagtataray ko sa kanya. Pero joke lang naman yun. Kasi mas maganda yung tumutulong ka na walang hinihintay na kapalit.

"Ilalakad kita kay Xiandre!" sabi niya.

Parang gusto kong bawiin yung iniisip ko kanina. Grabe instant friends kami nun ni Xiandre pag nagkataon. Pinsan pa naman ni Charcinne si Xiandre.

Mabilis akong lumingon kay Charcinne at nag-beautiful eyes.

"Asa ka bes! As if ipapakilala kita dun! Hahaha"

Biglang bumusangot ang pagmumukha ko dahil sa sinabi niya.
"Heh! Bahala ka dyan sa takdang aralin mo! Mukha kang puwet ng manok!"

Tinawag pa niya ako ulit pero hindi ko na siya pinansin. Bwisit. Panira ng moment kung kailan ang saya-saya ko na. Kung ayaw niya akong tulungan, ako nalang ang gagawa ng paraan.

Aha! May naisip na ako!

Xiandre's POV

Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng extrang damit. Nagulat ako sa nakita ko after kong buksan ang locker ko.

Dear Xiandre,
     Chocolates for you! Thank me one day kapag naging tayo na. Charchar.
  P.S.   I'm Madly Inlove With You
                                                Love...L

L!? Sino naman ito. Probably one of my admirers. Tsaka ang cheap naman ng chocolates na ito. Seriously? Krim Stix?

Tinago ko na yung chocolates at letter at kinuha ko na rin ang pamalit ko.

Leandrea's POV

Inaraw-araw ko na ang 'panliligaw' ko kay Xiandre. Araw-araw ko siyang binibigyan ng 5 Krim Stix. Bakit lima? Well it stands for I'm Madly Inlove With You. Dahil totoo naman. Hehehe.

Buti nalang isa akong dakilang hokage. Dahil bago pa siya makarating sa locker niya ay matagumpay kong nailalagay ang mga Krim Stix doon.

Dahil nga hokage ako, nabubuksan ko yung locker niya sa pamamagitan ng aking hairpin. Oh diba Beauty & Brains? Saan ka pa? Kay Leandrea na!

Malaman kaya niya na ako yung nanliligaw sa kanya? Mapapansin kaya niya ako?

Naglakad-lakad nalang muna ako. Matagal pa naman kasi bago magsimula ang classes ko.

Yun oh! Bibili nalang muna ako ng krim stix. Para naman may maibigay ulit ako kay Xiandre bukas. Dumiretso na ako sa canteen namin.

"Ate pabili po ng limang Krim Stix."

"Oh. Ito na Ineng."

Binayaran ko na yung Krim Stix habang nakangiti ng pagkalaki-laki. Naintriga pa tuloy yung tindera.

"Ang saya mo yata ngayon ah?" sabi ng tindera.

"Talaga naman po. Hindi po ba obvious? Sige ate alis na ako. Salamat po sa Krim Stix!"

Nagmartsa na ako pabalik nang--

"Ayy sorry. Pasensya na."

Unti-unti kong tiningnan ang nakabanggaan ko. Shit. Boses pa lang niya alam kong siya na yun.

"Miss? Okay ka lang?"

"A-ah ako? E-eh oo okay lang a-ako."

Shete. Bakit ba nauutal ako? Tapos di pa ako makatinigin sa kanya ng diretso. Lakas talaga ng impact ng lalaking ito sa akin. Huminga ako ng malalim at nilingon siya ulit.

"Sige alis na ako. Salamat."

"Wait Miss! Na-nahulog mo."

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Fudge. Yung Krim Stix!!!!!

Shet. Alam na kaya niya na ako yung secret admirer niya? Huwag naman sana.

"Eto na oh. I'm Xiandre by the way."

Oo alam ko. Alam na alam ko. Magpapakilala ba ako?

"I-im L-leandrea."

Nakipagshake-hands ako sa kanya.

May binigay siya sa akin..isang papel? Binuksan ko iyon.


Dear Leandrea,

         Gusto ko sanang malaman mo na ikaw ang tinitibok ng puso ko. Lagi kang kinu-kwento ni Charcinne sa akin dahil alam niya na may gusto ako sayo. Matagal na akong may balak na ligawan ka kaya lang inatake ako ng katorpehan.
.
.
.
.
.
.

Gusto kong malaman mo na......

                                                     Love....X

Tinitigan niya ako ng matagal at isa-isa niya akong binigyan ng
Krim Stix pagkatapos kong mabasa yung letter.

"I'm"

"Madly"

"Inlove"

"With"

"You"
.
.
.
.
.
.
.
.
"Too"

Gusto kong maglupasay. Niyakap ko si Xiandre ng mahigpit na mahigpit. Ang saya-saya ko.

    Well, pwede palang magkalove-life dahil sa Krim Stix?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil sa Krim Stix (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon