Pinili mo yan, bahala ka na

62 2 2
                                    

hay.. nakakapanghina ng araw sa inyong lahat.. ito ako galing sa night duty.. pero nakatulog na din kahit papaano..  kung kaya ko lang ibalik ang panahon kahit mga ilang taon lang.. 27 years ago?? para mareformat ang buhay ko.. at baka hindi ako ang lumabas sa sinapupunan ng aking ina.. hmmmm.. pwede para di ko pinag-dadaan ang mga nangyayari ngayon sa buhay.. maliit pa lang ako lagi na ako nagsisisi sa mga nagawa ko noon.. sana ganito.. sana ganyan.. kung... na ano ko lang ung.. ganito.... ganyan.... SAYANG.. 

nakikita ko na ang future ko kapag nagtuloy-tuloy ito.. kung ano may un... SECRET!! pero wala, magiging tambay lang ako siguro.. kikita ng pabrya-barya.. dahil maswerte na kapag nakapasok ng trabaho.. eh sa panahon ngayon palakas system ang nangyayari.. eh sa dami ba namang nurse sa Pilipinas eh kahit mawala ako healthy ang Pilipinas sa dami ng nurse.. kasi naman bakit pa ako nag-Nurse..?? eh kasi napilitan ako kasi baka hindi ako suportahan sa pag-aaral eh.. in demand daw sa abroad.. yung crush ko nag-Nurse kaya ganun na din ako.. mas marami mas masaya sa enrollment.. walang entrance exam sa school.. mura daw tuition.. ... eh bakit ba talaga ako ng nurse kung sa pinagawang list ng course na gusto naming kunin sa pagtungtong ng kolehiyo eh ang nurse ang nasa pinakadulo.. last option kumbaga.. kung tinuloy ko ang plano ko Engr. Rinelky na sana ang tawag sakin.. ang naging benefit ko sa pagiging nurse ko ay maging desente tingan.. pero dugyot pa din.. 

eh kung ayaw ko mag-Nurse, bakit ako kumukuha ng Master's degree?? para magkaroon ng idudugtong sa pangalan na MAN.. eh walang magawa eh..para may regular na lakad every weekends.. trip ko lang.. mukhang masaya eh.. every saturday lang naman ang pasok kaya pwede na din.. para may-EDGE (daw) kapag kukuha ng trabaho (hmmmmm.. malabo yun.. edge mo kung kilala mo si mayor, congressman, konsehal.. at kung sino sino pang padrino).. para maipagmalaki ako ng mapapangasawa at magiging anak ko kahit papaano sa kabila ng di pagkakaroon ng trabaho ng mahabang panahon...

pero eto na nagsisisi na nga eh.. napasubo na ako.. hanggang ngayon estudyandte ako dahil di ko pa tapos ang pag-aaral ko.. nagkaipitan na sa mga subjects na talagang mahirap... walang trabaho na matino, ni hindi nga kayang bumuhay ng isang tao, eh isang pamilya pa kaya, kung pumayag nalang sana ako sa alok dati sa akin na kukunin ako sa ibang bansa.. at sumama na ako..  edi hindi na ako nagkakaganito.. pero nangyari na ang mga nangyari.. napagdesisyyunan na ang lahat.. hindi ko na maibabalik pa ang mga panahon kung kelan ako nagkamali sa mga major decisions in life..  pipilitin ko na lang na panindigan ang mga sinabi at ang mga nangyayari sakin ngayon.. ako pumili nito.. walang pumilit sa akin.. kaya kasalanan ko ito.. pagtitiisan ko nalang.. at sa takdang panahon sisikat din ang araw.. hindi na baleng matagalan.. ganun din yun.. kung di naman ako aabot eh.. 

basta ngayon.. bahala na.. alam kong dadating din tayo sa kanya-kanya nating destinasyon.. i-enjoy nalang natin ang bawat oras na dumadaan.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinili mo yan, bahala ka naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon