WHEN I FORGOT
MY SAVIOR
Ni: missgeewan
Isa siyang Sunday school teacher. Ilang taon na rin siyang nagtuturo at sobrang minahal niya ang pagtuturo sa mga bata.
Nakilala siya bilang mapagpakumbabang tao at napakamasayahin. Masipag sa mga gawain at talagang babad sa Diyos. Ngunit..
"Para po!" bumaba siya ng bus at pupunta na sa...Napakamot siya sa ulo niya. Saan nga ba siya pupunta?
"Kan!" napalingon siya sa tumawag sa kanya.
"O? Ate Arleen!" masayang bati niya sa tumawag sa kanya.
"Tara! Sabay na tayong maglakad papuntang simbahan."
Tumango lang siya na may pag-aalinlangan. Sa simbahan nga pala siya pupunta. Hindi pa sila tuluyang nakakapasok sa simbahan ay agad na siyang sinalubong ng mga bata.
"TEACHER KANNY!!!!" at saka siya niyakap ng mga ito at isa-isang nagmamano.
"God bless you!" sabi niya sa bawat nagmamano sa kanya.
"Teacher, may memory verse ako!" pagmamayabang ng isa.
"Wow! Sige, parinig mo sa'min mamaya kapag mag-istart na tayo ah!" sabi niya.
Pagkatapos noon ay nagsipaglaruan muna sila.
"Nice! Teacher na teacher! Ilang taon ka na ngang teacher?" tanong ni Arleen sa kanya.
"Ahm.. Ilang taon na nga yun? Nakalimutan ko eh! Haha."
"Ano ka ba! Makakalimutin mo! Ang alam ko, 18 ka nagstart magturo. Ilang taon ka na ngayon?"
"26 na ako."
"Eh di 8 years na!"
"Oo nga no? Hahaha" tawang tawa siya.
Ang hindi niya alam, iyon na ang simula ng pagbabago sa kanya.
---
"Teacher! Kabisado ko na po ang John 3:16!" sabi ng isang bata.
"O sige, parinig nga! Halika rito sa harapan para marinig ng lahat," sabi niya na may ngiti.
Pumunta ang bata sa harap at mukhang excited i-recite ang John 3:16.
"John 3:16, for God sho love da world that.. that he g-gave us... His... ownly.." napakamot sa ulo ang bata. "Ano po sunod teacher?" bulong pa nito.