ARIELLE P.O.V
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama saaking mga mata.
Unti-unti akong bumangon pero feeling ko nanghihina parin ako.
Tinignan ko ang buong paligid at nakikita ko yung kwarto namin sa dorm kaya napahinga ako ng maluwag.
Buti naman pala nakauwi ako kahit na sobrang taas na nang lagnat ko kahapon. Napagod siguro ako kaya bigla na lang ako dinapuan ng sakit.
Tinignan ko ulit kung natutulog pa yung mga kasama ko rito. Nakita kong wala na sila at ako na lang ang nandito. Baka pumasok na sila sa klase namin ngayon.
Tinanggal ko muna yung basang towel na nakalagay sa noo ko. Saka tumayo sa kama para maghilamos pagkatapos ng mga ritual na ginawa ko ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para kumain nagugutom na kasi ako.
"Wow."-yun na lang ang nasabi ko dahil may pagkain na nakahanda sa lamesa. Mukhang masarap din. Nakangiting binuksan ko lahat ng nakatakip na pagkain.
"Oh,May letter pa?"-lalo ata akong natuwa dahil may letter pang nakaipit dun sa ilalim ng pinggan.
"Gising ka na ba Arielle? Kung ganun kumain ka na at magpakabusog! Inumin mo rin ang gamot mo. Magpagaling ka ha? -Your Handsome Dormmates."-di ko alam kung matutuwa rin ako sa huling nakasulat. Handsome Dormmates? Siguro haha.
Masayang kinain ko lahat ng almusal na nakahanda sa lamesa. Kailangan ko talaga bawiin yung lakas ko kahit na isang araw pa lang ako nagkasakit. Ayoko kasing magalala silang lahat saakin.
Pagka ubos ko ng mga pagkain sinunod ko ang pagligo ko papasok kasi ako saka second subject pa lang naman sayang yung mga natitirang subject. Wala naman narin akong lagnat at ininom ko rin yung gamot na sinasabi nila kaya okay na ko! Ready to go na!
Lumabas na ko ng dorm at pupunta sa room namin. Nadatnan kong nagkakagulo silang lahat mukhang wala nanamang teacher.
"Oh,Arielle!!!"-nakita ko ni Suho kaya kumakaway-kaway sya saakin ngumiti lang ako pabalik.
"Arielle!"-tumingin naman ako sa tumayong Sehun namukhang nakakita ata ng multo akala siguro nito hindi pa ko papasok.
"Yo."-yun lang ang sinabi ko saka pumunta sa upuan ko.
"Arielle ayos ka na ba? Wala ka na bang lagnat?"-si Chanyeol naman yung nagtnong saakin na kinapa pa yung noo ko kung mainit pa. Umiling lang ako bilang sagot.
"Sorry pala kung pinagalala ko kayo."-pagso-sorry ko. Masyado ata akong pabigat sakanila kahapon. Hayyy kung alam ko lang talagang magkakasakit ako di sana nakainom na agad ako ng gamot.
"Wala na yun atleast magaling ka na."-sagot naman saakin ni Chanyeol na pinakita pa nya yung nakakasilaw nyang teeth saakin.
Ngumiti na lang din ako. Nagaayos ako ng gamit ko ng may matigas na bagay na pumukpok sa ulo ko!
"Aray naman!"-sisigawan ko na sana yung kumutos saakin pero laking gulat ko na isang nakatas na kilay na Byun Baekhyun ang bumungad saakin.
"At talagang gumaling ka pa? akala ko na mamatay ka na sa sakit mo."-mataray na sabi saakin ni Baekhyun. Napasimangot tuloy ako napaka taray talaga ng baklang to! Sarap sabunutan!
Hindi ko na lang pinansin si Baekhyun kung papansinin ko pa sya baka magkaroon lang ng gyera rito.
"Arielle."-napatingin naman kami sa tumawag ng pangalan ko.
"Ano Luhan hyung?"-tanong ni Baekhyun. Kaasar talaga to! Dapat ako yung magtatanong eh.
"Pwede bang magusap tayo?"-napalaki naman ang mga mata ko dahil sa nirequest ni Luhan. Ako kakausapin nya? Kami lang dalawa? At bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Welcome to X.O.X.O High School of Boys [Exo Fanfiction.]
FanfictionExo Fanfiction. - NetminLee_lovekpop.