Chapter 11 : Ang Pagpapakilala

207 5 0
                                    

Dahil malapit na po sembreak namin, mapapadalas na po ata pag UD ko Ahihihi. So, thank you po pala sa loyal readers :">

So here's the 11th chapter, enjoy mga mahal kong readers!

At take note guys! Dont forget na si MINA at AYUMI ay iisa ^^

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[FAIRYLANDIA]

Mina / Ayumi's POV

Di ako akalaing matatalo ko si prinsesa Sabrina. Kung tutuusin, dapat ay natalo ako pagkat ito ang unang beses kong makipagalaban, sa isang prinsesa pa. Natalo ko si Prinsesa Sabrina, ibig sabihin ba nito'y ako ang magmamana ng kaharian?? Ngunit ano naman ang alam ko sa pamumuno? Hayy, debale na.

Nagsasalo salo kami ngayon para sa aming hapunan.

"Mga dama, nasaan na ba si Sabrina? Tawagin nyo na sya nang makapaghapunan na kami" Utos ng aking amang hari sa mga dama.

Ilang saglit ay nagbalik ang mga dama

"Mahal na hari, mahal na reyna at mga prinsesa. Wala po si Prinsesa Sabrina sa kanyang silid maging sa buong palasyo."

Anooo?!! Wala daw si Prinsesa Sabrina? Naku, bakit kaya? Hindi kaya dahil sa pagkatalo nya Huwag naman sana.

"Ano?! Nawawala ang aking kapatid?!" Reaksyon ni Zillana

"Ngunit? Nasaan sya?" tanong naman ng aking inang hari na parang hindi masyadong nagaalala bilang isang ina. May itinatago kaya siya?

"Paano nangyari iyon?! Mga kawal! Libutin ang buong Fairylandia, hanapin niyo si Sabrina ngayon din! KIlos!" Utos ng ama at akmang tatayo ngunit hinawakan siya ng inang reyna.

"Kakain na tayo. Irespeto mo naman ang hapag kainan' Pagbabawal sakanya ni ina.

Nakakapagtaka talaga T_______________T

Pamaya maya ay dumating si ginoong Charles

"Magandang gabi mga Here" [A/N: HERE means maharlika or pinuno sa language lang nila 'kuno' XD] "Charles, mabuti't dumating ka. Saluhan mo kami" Aya sakanya ng aking ina. "Ano't naparito ka ginoong charles?" Tanong ng amang hari

"Ako po'y inimbitahan ng mahal na reyna. Sabi ho nya'y may mahala tayong paguusapan" Pagpapaliwanag niya

"Oo. May mahalaga tayong paguusapan. At yun ay ang pagpapakilala natin sa lahat ng mga diwata sa ating prinsesa Ayumi, ang ating tagapagmana"

A-ano daw? Tama ba ang binanggit ng aking ina? "Ngunit ina, hindi ba dapat ay hanapin muna natin si ila Sabrina?" [A/N- ILA means ate or kuya sa language nila 'kuno' XD] "Oo nga naman Jessa. Isipin muna natin ang nawawala nating anak" tugon ng amang hari

"Tama ho ba ang aking nadinig? Nawawala ang Prinsesa Sabrina?" Usisa ni ginoong charles

"Ngunit, ayoko ng ipagsantabi ang pagpapakilala. Kaya't sige na, ituloy natin ang pagpapakilala" Pagpipilit ni inang reyna.

"Osige. Pumapayag na ako"

-

Pinagusapan na ang magaganp na pagpapakilala. Maging ang mangyayaring piging.

Napagdesisyonan din na sa susunod na araw magaganap ang pagpapakilala.

-

[Araw ng pagpapakilala]

"Prinsesa ayumi. Prinsesa ayumi. Gising na po kayo. Kaylangan na po nating maghanda para sa magaganap na pagpapakilala sa inyo mamaya" Ito ang nagpagising saakin. "Dama, maaari bang lumabas muna ako sandali ng palasyo?" Tanong ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Princess  [On Going]Where stories live. Discover now