Introduction:
Once upon a time the wife of a rich man was very ill. She called to her bedside her only daughter.
"Dear child," she said, "I have not long to live. Be always good and true, and heaven will help you in all your troubles."
Soon after this she died. Every day the daughter went to her grave to weep. Sa huli, nag-asawa ng gwapo, mabait, mayaman, in short- perfect prince si Cinderella and they live happily ever after.
Fairytales? Masyado na akong matanda para paniwalaan ang mga kabwisitan na 'yan. Come on, harapin ang reyalidad ng buhay! Kahit gaano ka pa kaganda at ka-sexy, kung hindi ka naman mayaman, hindi ka makakapag-asawa ng mayaman! Kahit ibalandra mo pa sa kalsada ang hubad mong katawan, kung mahirap ka, mahirap din ang makakatuluyan mo! Naniniwala ako sa linyang "Ang mahirap, para lang sa mahirap at ang mayaman, para lang sa mayaman!"
Pero siyempre, gusto kong baguhin ang linyang 'yan. Sino ba namang mahirap ang gustong mahirap na lang habang buhay? Tao ako, hindi daga! May beauty, brain and sexy body naman ako at 'yun ang gagamitin kong alas para makapag-asawa ng gwapo at mayaman! Ayoko namang pumatol sa DOM dahil hindi naman ako uri ng babaeng mababa ang lipad. Kung mangangarap na lang din ako ay 'yung mala-prinsipe na!
"Tara na?"aya sa akin ng pinsan kong si Chloe na mukhang anghel. Mali, anghel talaga siya na pinadala ni God sa akin para takasan ang buhay na kinamuhian ko. "Naghihintay na sina mommy at daddy sa'yo."
Tumango lang ako at ngumiti -ngiting tagumpay. Sinulyapan ko muna ang bahay namin na nabuo lang dahil sa tarpaulin na napupulot namin tuwing eleksyon. Bahay? Hindi naman ata bahay ang tawag dito kundi basura. Matagal din ang panahong tiniis namin ni mama sa barong-barong na ito. 'Yun nga lang, kung kailan iiwanan na sana namin ang lugar na 'to, saka naman ako iniwan ni mama. Sayang. Mararanasan na rin sana niya ang buhay na mararanasan ko ngayon.
Halos halikan ko na ang backseat ng kotse nina Chloe nang makasakay ako. Geez! Hindi ko akalaing makakasakay ako sa kotse! Ganito pala ang pakiramdam?! Naka-aircon, mabango at malambot ang upuan. Malayung-malayo sa tricycle na kapag baku-bako ang daan ay taas-baba ang puwetan ko at bago makarating sa kanto ay mukhang pugad na ng ibon ang buhok ko. Malayung-malayo sa jeep na kailangang tiisin ang init at siksikan pa. Na kahit anong ganda ng make-up mo ay mabubura dahil sa pawis at ang nakakaiyak na pagkakataon kung saan may putok pa ang katabi mo.
"Ayos ka lang ba, Venice?"tanong ni Chloe na nakangiti.
"Oo naman!" Pumikit ako at sumandal. "Nakakarelax sa kotse."
Umalis na rin kami. Hindi na ako lumingon pa sa lugar kung saan naranasan ko lahat ng kahirapan ng buhay. Gutom, init, hirap at gulo. Iisipin ko pa lang na titira na ako kina Chloe, para na rin akong tumama sa lotto.
Nakaidlip ako sa sobrang sarap ng pakiramdam kung paano makasakay ng kotse. Naramdaman ko na lang na may kumakalbit sa akin.
"Ven, gising na."
Kumurap-kurap pa ako ng ilang beses bago bumaba ng kotse at sumunod kay Chloe.
Halos lumuwa ang mga mata ko at mahulog ang panga ko sa sobrang pagkagulat. Ayokong maniwala sa fairytale pero habang tinitignan ko ang napakalaking bahay -palasyo, OA na ako, nina Chloe ay para akong pumasok sa libro ni Cinderella. Napakalaki, napakaganda. Ang saya ng pagtira ko dito sigurado. Kahit hindi ako mag-asawa ng mayaman, ayos na dahil mararanasan ko na rin naman kung ano ang pakiramdam ng maging prinsesa.
Hinawakan ni Chloe ang kamay ko at ngumiti siya. Ayoko pa sanang itapak ang mga paa ko papasok sa bahay nila dahil baka madumihan ito. Oh my! Ngayon lang makakahalik ang mga talampakan ko ng tiles!
Pagpasok ko, parang pumasok na rin ako sa langit. Sobrang ganda.. at linis.
"Simula ngayon, kasama na rin kitang titira dito, Cous." Kinuha naman ng mga maid na naka-uniporme na akala mo ay nagco-cosplay ng maid sama, ang dala-dala kong bag. "Pakilagay po 'yan sa kwarto niya. Sa tabi po ng kwarto ko."
"Opo."magalang na sabi ng maid at umakyat sa hagdanan habang bitbit ang Hermes bag ko na binili ko lang sa tsiangge.
"Ang ganda ng bahay niyo, Cous."manghang kumento ko.
"Bahay natin."sabay ngiti.
Bahay natin. Gusto ko atang mautot sa saya nang marinig 'yun. Buhay mayaman talaga ang mararanasan ko dito. Simula ngayon, makakatulog na ako sa malambot na kama. Hindi na magpapaypay tuwing gabi dahil naka-aircon na ang kwarto ko. Hindi na mangungulay itim ang talampakan ko dahil hindi na lupa ang tapakan ko.
Simula ngayon, si Venice Yusi ay feeling rich na ang peg! And I live happily ever after. Teka, nagsisimula pa lang ang mala-fairytale kong buhay!
BINABASA MO ANG
Feeling Rich ang Bitch
Teen FictionMakasakit man o hindi, kailangan kong gawin ang deal. I'll make Andrew truly, madly and deeply in love with me. Bitch na kung bitch. But I'm just doing this for money.