ANG AKING DATING SAYA

729 3 1
                                    

Magisang naglalakad sa madilim at makipot na eskenita.
Magisang umiiyak habang kamay lang ang tanging pamunas sa luha.
Magisang dinaadamdam ang sakit kasi umalis siya.

Wala na sakin ang lahat.
Pinapalibutan ako ng masasakit na alaala nanlalamig ang aking balat.
Parang sinasaksak ako ng mga masasakit na salitang aking nadinig.
Diko magawang di damdamin, Ang sugat ay nananaig.
Diko alam kung ano ano ang mabisang gamot.
Ang umiyak ba o ang lumimot.
Siguro parehas nalang. Nasanay na din naman akong umiyak.
Umiyak ng di namamalayan ang mga bumabagsak na alaala.
Hanggang ngayon, Nilalabanan ko pa din sila.

Kailan ba ako magtitiis?
Na Sa bawat oras na nakatingin ako sa langit ang pag iyak ko'y hindi maalis.
Ang pira piraso ng puso ko hindi ko mawalis.
Nawala ang tamis.
Napalitan ng pait.
Parang naramdaman kong may pinagkait sa akin ng langit.
Pinagkait ang mga totoong kaibigan.
Pinagkait ang mga totoong may pakielam.
At pinagkaitan ng pagmamahal.
San bako huhugot ng lakas?
Saan ba ako lilikas?
Nanunuyot na ang aking labi.
Nilalamig na ang aking mga gabi.
Bumubuhos na ang luha sa aking mga mata.
Patuloy din ang pamamaga ng sugat dahil sa masasakit na salita.
Makakabangon ba, o susuko na?
Sana bukas pag gising ko iwanan nako ng mga masasakit alaala.
Ang pirapiraso kong puso sana mabuo na.
Ang lahat ng luha na nasayang maibalik pa.
Nasaan na ba Ang aking dating saya?
Gusto kong maibalik ang aking dating saya, pero paano ba?
Paano kung natabunan na ng hapdi ang saya.
Asan na nga ba?
Ang dating matatamis na ngiti sa labi ko nawala na lamang.
Panay ang pagtulo ng maalat na tubig sa aking unan.
Ibibilad ko nanaman ba ito bukas?
Ayokong umiyak pero di ko mapigilan.
Gusto kong kalimutan pero ako'y pinangungunahan.
Nasaan na nga ba.
Ang aking dating saya na puno ng masasayang alala.

- Rconpash ❤❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon