Chapter 1

299 8 0
                                    

Chapter 1

“He loves me, he loves me not, he loves me, he loves me not, and he loves me not. Tssss!”, sabi ko habang isa-isang kinukuha ang petals ng pulang rosas.

“He loves me not pa rin? Oh, heto na ang pang-anim mong rosas!”, sabi ni Gail habang iniabot sa akin ang rosas.

“He loves me, he loves me not, he loves me, he loves me not, and he loves me! Yehey!”, sabi ko habang kinuha ang huling petal ng rosas.

“Mabuti naman at nag’achieve ka na diyan sa panipaniwala mo! Haha!”, sabi ni Gail at tumawa.

Ako nga pala si Star Sophia de la Cruz. Ako ang kapatid ni Juan de la Cruz. Joke lang! Ako ang nag-iisang anak sa aming pamilya. Binansagan nga nila akong ‘ang tanging anak’, pantapat raw sa ‘ang tanging ina’. Ang tawag ng family ko sa akin, Sophie. Ang tawag naman ng mga tao sa school sa akin ay Star. Isa akong third year student.

Siya si Gail Mendoza, ang aking dakilang bestfriend na todo support sa mga ginagawa ko. Tulad na lamang ngayon, tinitignan ko kung agree ba ang mga rosas sa pag-ibig ko para kay Luke Santos, ang campus heartthrob ng Legaspi Academy.

“Hay salamat naman at makakauwi na tayo. So saan mo gusto gumala bukas?”, pag-aalok ko dahil Friday ngayon and tomorrow is official ‘Gala Day’ for me and Gail.

“Manood tayo ng bagong sine na ipapalabas bukas! Magkita na lang tayo sa SM Mall of Asia!”, sabi ni Gail sa akin.

“Sige! Mukhang gusto ko ‘yan!”, sabi ko naman.

Naglalakad na kami ni Gail ngayon palabas sa campus nang bigla kong makita ang isang gwapong nilalang, si kuya Luke! Nako, galing siyang practice ng basketball para sa Intramurals next week. Ang hot niya talaga.

“Hoy! Bakit ka ba naging estatwa diyan?”, tanong ni Gail at lumingon-lingon sa paligid, “Ahh, so andito pala si kuya Luke. Gets ko na! Akala mo ha? Hahaha!”, sabi niya at tinukso ako ng tinukso.

Nako, papalapit siya kung saan kami nakatayo ni Gail ngayon. Ito naman si Gail, hiyaw ng hiyaw na mukhang kinikilig.

“Tumahimik ka nga diyan! Baka mabuko niya na may crush ako sa kanya.”, sabi ko habang pinalo ang likuran ni Gail.

Nang malapit na siya sa amin, bigla na lang siyang nagsalita.

“Uhm, Gail. Nauna ng umuwi ang kuya mo kanina. Magda’date pa raw kasi sila ni Tricia.”, sabi niya kay Gail.

OMG! Ang hot ng boses niya, hindi mapigilan ng puso ko na tumibok ng napakalakas. Sana marinig niya ang tibok nitong puso ko.

“Ahh, ganun ba kuya? Sige salamat!”, sagot naman ni Gail.

“Walang anuman! Sige mauna na ako, bye Gail at sa kasama mong si—“, hindi niya tinapos dahil hindi niya pa ako kilala. Pwes, magpapakilala na ako.

“Star! Star Sophia de la Cruz!”, sabi ko naman sabay ngiti.

“Ahh, sige bye Gail! Nice to meet you!”, sabi niya at naglakad na rin papalayo sa amin.

First time kong mahawakan ang mga palad niya. Ang lambot pala, parang cotton candy. Ay, hindi pala, parang cotton lang. Hindi cotton candy dahil hindi ko naman tinikman.

“So, paano ba ‘yan? Unti-unti mo nang naabot ang iyong mga pangarap! Haha!”, sabi ni Gail at tumawa.

“Oo eh! Salamat sa kuya mo dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi kayo mag-uusap at hindi niya ako makikilala.”, sabi ko naman.

Tumawa nalang kaming dalawa at di namalayan na nasa kalsada na pala kami. Tumawid siya dahil nasa south ang bahay nila at ‘nung nakatawid na siya, sumakay na rin ako ng jeep patungo sa amin.

Hindi ko talaga inakalang makikilala niya ako ngayong araw. Kahit masakit man itong mga kuko ko sa pagbubunot ng mga petals. Sana magiging magkaibigan kami.

+ + +

Nandito na ako sa bahay at tinawagan ko agad si Gail upang tanungin kung nakarating na siya sa kanila.

“Hello Star? Napatawag ka?”, sabi ni Gail.

“Cheh! Hindi ka na nasanay na tatawagan talaga kita tuwing uwian.”, sabi ko naman.

“Oh, I’m home safe and sound! Hahaha!”, sabi niya at tumawa.

“Okay bye! Hahaha! ‘Wag mong kalimutan bukas ha?”, pagreremind ko sa kanya.

“Of course! Buti na lang walang assignment ano?”, sabi niya.

Ano kayang tingin nito? Wala naman talagang assignment ahh. At ‘yun ay dahil sa bagong law ng bagong principal namin.

“Wala talaga dahil sa law na ‘No Assignments’ during weekend. Makakalimutin ka talaga ano?! Haha!”, sabi ko at tumawa.

“Oo nga pala ano?! Pasensya na ha? Haha! Sige, bye na, kakain na kami, kain ka na rin!”, sabi niya at nagcall-end.

Bumaba na rin ako sa kwarto ko at nakita na ready na ang dinner. Nauna na akong umupo at hinitay sina mommy at daddy.

Maya-maya, dumating na rin sila at nagsimula na rin kaming kumain. Nagpaalam na rin ako sa kanila tungkol sa lakad namin ni Gail.

“Mommy, daddy, may lakad nga pala kami ni Gail bukas. Pwede ba?”, tanong ko.

“Ok, pwede pero dapat before 4 PM nasa bahay ka na, okay?”, sagot naman ni daddy.

“Yes! Promise po, I’ll be home before 4 PM.”, sabi ko.

Matapos kaming kumain, nanood muna kami ng TV. ‘Yan talaga ang ginagawa namin as family bonding na rin. Sometimes, movie ang pinapanood namin.

Nang matapos na ang TV show, umakyat na kami sa kwarto namin. Hindi pa ako natulog. Nag-online muna ako, baka kasi maging late na ako sa balita. In short, outdated.

Nang maka’log-in ako, may nakita akong isang friend request. Agad kong binuksan ito. Excited ako dahil baka si kuya Luke ito. Pero, nadisappoint ako dahil hindi. Isang schoolmate lang pala namin. I accepted the request at nag’scroll down na rin.

Maglolog-out na sana ako nang biglang may bagong friend request na naman. Nang binuksan ko, hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nakakaloka talaga! I mean, it’s unexpected. 

Operation: Make the Ice Prince Fall™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon