Chapter 21
Nandito naman ako ngayon sa loob ng taxi. Pupunta kase ako sa bahay nila Janine, katulad ng sinabi ko sa kanya kagabi, mag-uusap nalang kami ngayon. Sunday naman e, isa pa wala naman magawa sa bahay. Sa totoo lang antok na antok pa ako, e kaso kanina pag-gising ko palang bumugad na saakin ang 30 message at 10 missed call, at puros si Janine lang lahat. Akala niya daw pinatay na ako ni Ivan. At hindi pa siya nakuntento, nagpost pa siya kaninang 10:30 AM ng picture ko sa facebook na may caption na "Nasaan ka Ayah" Alam niyo ba yung plabas na "Nasaan ka Elisa" Ayun ginaya pa yun.
Ilang minuto pa ay nakarating narin ako sa bahay nila Janine. Bumaba na ako sa Taxi at nagdoorbell. Maya maya ay binuksan naman ito ni Nicholo, bunsong kapatid ni Janine, dalawa lang kase silang magkapatid. Hindi na kase pwedeng mabuntis pa ang nanay niya. Gusto ko rin magkaroon ng kapatid, pero dahil nga sa sumakabilang bahay na si Papa, ay hindi na ako nasundan. Ayaw narin naman ni mama na humanap pa ng papalit kay papa, kahit na hindi na niya ito mahal, natuto na raw siya, ayaw niya na daw maloko. Kaya bilib ako kay mama e, dahil kahit kami nalang ang magksama, nagagawa niyang normal ang pamumuhay namin. Naipapakita niya saakin na masaya ang pamilya namin.
"Ate Ayah! Grabe namiss ko po kayo. Ang tagal tagal niyo na pong hindi pumupunta dito eh."
Bungad naman saakin ni Nicholo ng mabuksan niya ang gate nila. Agad niya naman ako niyakap. Napangiti naman ako sa kanya at niyakap narin siya, napakalambing talaga ng kapatid ni Janine e.Maya maya pa, humiwalay na siya sa pagkakayakap saakin.
"Ano kase e, busy sa school. Ito oh, chocolate para sayo."
Tapos inabot ko naman sa kanya yung chocolate na binili ko at ngumiti naman ako sa kanya.
"Waaaaaa! Salamat po Ate Ayah. Hinahanap niyo po ba si Ate?"
"Oo e. Anjan ba siya?"
"Opo. Dumiretso nalang po kayo sa kwarto niya."
Ginulo ko naman ang buhok ni Nicholo.
"Osige. Papasok na ako ha. Ienjoy mo lang yang chocolate mo."
Tapos nagkiss naman ako sa cheeks niya. Pumasok narin naman ako at umakyat na agad sa kwarto ni Janine. Kumatok naman ako ng nasa harapan na ako ng kwarto niya.
"Pasok."
Nadinig ko namang sabi ni Janine. Agad ko namang hinawakan yung door knob at binuksan ito. Nakita ko namang nagla-loptop si Janine habang nakaupo sa kama niya. Maya maya pa ay tinignan niya narin naman ako.
"Wow! Grabe! Hinintay ko tawag mo kagabi. Halos nakatulog na nga ako e. Saan ba kayo galing kagabi ni Ivan ha? Bigla bigla mo lang kami iniwan nila Aki doon."
"Pwede sandali lang? Oo magkwekwento ako."
Naupo naman ako sa kama niya.
"Akala ko naman ay kinidnap kana. Nag-alala talaga kami kahapon sayo."
"Sorry ha. Unexpected kase e. Ang dami kaseng nangyari kagabi. Hindi ko narin kayo natawagan kase wala na akong load."
Pagpapaliwanag ko naman kay Janine.
"Okay okay. Sabi mo magkwekwento ka? Ano bang nagyari kahapon? Saan kayo pumunta? Ano? Ano na?"
Naeexcite na tanong naman saakin ni Janine.
"Pwede isa isa lang ang tanong mo? Atat ka e. Pwede sandali lang. Magkwewkento naman ako e."
Tapos tumawa naman ako, ang kulit kulit kase ni Janine e. Para naman kaseng hindi ako magkwekwento. Kagabi pa siya nangungulit. E kaso pagod na ako kagabi kaya hindi na ako nakapagpaload pa upang tawagan siya.
BINABASA MO ANG
You And I Collide ( O N H O L D)
Teen FictionOut of the doubt that fills my mind I somehow find You and I collide. (This story is currently on hold. )