5 - Make Her Happy

214 4 0
                                    

Miss M:

annyeonghaseyo! Hahahaa. Eto na ang next update ko. So eto na talaga. Sana kiligin kayo sa ginawa ko. Kasi ung last update ko. Walang nakakakilig dun. Bwahahaha, sorry kung nakalimutan ko dun. hahahaha. Etong next update pinaghirapan ko talaga. so sana maenjoy nyo to kasi ako hindi ko naenjoy dahil hirap magisip kung panu ko magagawang nakakakilig to. Ahahaha..

----->

Kyra's POV:

 I'm back! So kamusta kayo mga readers?! Ahahaha. Just so you know, inaya ako ni "Mr. Kurt Jared Smith" na sabay kami maglunch. So eto, lunch na, tapos na ang klase namin papunta na ako ngayon sa sinabi nyang place. Pagdating ko sa cafeteria, madami nang tao, pero nakita ko agad sya dun sa laging pinupwestuhan ng D4.  Nandun sya kasama sila kuya Grey. Nahiya naman tuloy akong pumunta dun. Saka baka magalit si Kuya e.

So I decided na wag nang magpakita sa kanya, I started to go away nang marinig kong sumigaw si Jared. "Aalis ka nalang ng ganyan? Di ka man lang lumalapit pa dito!" Alam ko man na ako yung sinisigawan nya, napahinto ako bigla, pero di ako lumilingon sa kanya. Di nalang ako nagpahalata at nagpatuloy na ulit ako maglakad. Nang nakakailang hakbang na ako, nagulat nalang ako na may humawak sa kamay ko.

 "Wind." Mahina nyang sabi. Alam nyo ba?! Sa lahat ng ayokong itawag sa akin ay yung Wind pa. Ayoko dahil isa lang ang pwedeng tumawag sa akin nyan. Isang tao lang. Kahit nga si Kuya di ako matawag sa pangalang nyan e. Pero nung si Jared ang tumawag sa akin, bakit bigla nang nagskip ang heartbeat ko?! Kinabahan ako nang di mapaliwanag. Bakit ganun?! Diba dapat magalit ako dahil tinawag nya ako ng ganun? Pero di ko magawa.

Tinanggal ko yung kamay nya sa akin at humarap sa kanya. "Nahihiya kasi ako na lumapit sa inyo kanina e, saka nandun si Kuya baka magalit sya sa akin. Di porket alam na ng lahat na kapatid nya ko, hindi ibig sabihin nun ay pwede na ako magdididikit sa inyo, Jared." Ngumiti ako sa kanya pero mapait na ngiti lang.

"Ayos lang yun noh. Saka friends na tayo diba? So okay lang yun. At saka..." Sabi nya at lumapit sya sa may gawing kanang tenga ko at binulong. "Alam na ng kuya mo na kaibigan mo ako. At sinabi ko na din sa kanya ang malinis na intensyon ko sayo." Sabay ngiti nya pagharap nya sa akin. Namula ako sa sinabi nya ata? O dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ngayon?! Argh! Bakit ganito?! Ayoko sa kanya. Ang yabang nya. Kainis.

"Tara na, ipapakilala kita sa iba pang miyembro ng D4." Hinawakan lang nya ang kamay ko at nagsimula na syang maglakad papunta sa place nila. Lahat ng tao nakatingin sa amin kaya naman napayuko nalang ako sa sobrang kahihiyan. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa kamay ko pero di ko magawa. Ang higit ng hawak nya pero di naman ako nasasaktan.

"Argh! Bakit ka ba nanghihina ngayon? Ikaw ang kilalang si Kyra Windlyne Sy. (insert sarcasm here). Bakit ka natitiklop ng isang leader LANG (naman) ng D4?! Argh! kasi di aman talaga ko kilala dito e tapos bigla akong eepal sa kanila. I don't deserve this kind of treatment. Naman e! Haizt!" Bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig nya yung sinabi ko at sumagot sya ng ganito. "Ako kasi ang pinakagwapo sa D4 at saka alam kong alam mo na I deserve everthing and I think you deserve nothing. But don't cha worry, I am nothing. and you are my everything. do we deserve each other now?" wishpered it to my ears then winked at me. Then naglakad na ulit tapos narinig ko pang nag-giggled sya.

Nahiya tuloy ako lalu at pakiramdam ko lalung namula ang mga cheeks ko. Nang makarating kami sa table nila. Nginitian ako ni Kuya. "Lil sis, naliligaw ka pa ata kanina at wow ha, sinundo ka pa ng isang famous na Red. Ahahaa." Tumawa sya pati na din yung isang katabi ni Blue.

ITHRFMASGLU (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon