Chapter 4: One week hell with this girl -_-

176 10 17
                                    

A/N:

Hehe akalain mo yun? Nakapagupdate na ku… hihihi … namiss ko kasi bigla yung character ni Justin kaya heto muna iuupdate ku … salamat sa mga nagbabasa ng story ku ..  hehe .. Sobrang haba lang ng update ko diba? Mukhang wala namang sense.. hihi..

Natatagalan ba kayo sa flow ng story? Tell me kung panget lang yung flow …

BTW. I dedicated this chapter to Zechozenith

Enjoy reading guys. Vote.comment naman po kayo.

Kamsahamnida !!! ^^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4: One week hell with this girl -_-

Justin Pov:

O_O

@_@

>.<

Ganyan ang mukha ko ngayon habang nakatingin sa isang buong papel na hawak ko ngayon. Pota! Wala akong naintindihan sa mga nakasulat dito. Ano ba kasi itong hawak ko? para san ba ito? wala naman kasi akong naintindihan sa bawat letra, bawat salita at bawat pangungusap na nakasulat dito. -_-

Tsk. Badtrip naman! Lesson ba kaagad? Kanina lang sya pumayag na magtutor sa akin, tapos binigyan nya ako kaagad ng isang aralin na hindi ko alam kung saang baul nya nakuha sa lalim lang ng mga salitang nakasulat.

Hindi ba dapat magpakilala muna kami sa isa’t isa? Sa school nga ganoon ang unang ginagawa, bago umpisahan ang mga lectures na hindi ko naiintindihan o mas magandang sabihing hindi ko iniintindi talaga. Am boring naman kasi ! At isa pa nakakatamad pagbuhusan ng panahon yung mga bagay na hindi naman ako interesado at kahit kelan hindi ako magkakainteres pa!

Hay. Pota! At dahil di ko na matagalan yung pagbabasa sa lintek na papel na ito. Tinapat ko sa mukha nya yung papel.

“Para san ba yan ha?” Ako

“Hindi mo ba nabasa yung mga nakasulat?” Sya. Sumandal pa sya sa kinauupuan nya.

“Eh sa wala akong naintindihan sa mga nakasulat!” Ako. Tinaas ko pa yung paa ko sa upuan ng dining table nya. Pagkatapos nya kasing pumayag, pinapasok nya ko sa apartment nya. Para dito kami mag usap.

“Seryoso? Wala kang naintindihan? Halos pinasimple ko na nga lahat ng nakasulat dyan” Sya

Nang lagay na ito? Pinasimple pa nya? Halos dumugo na yung utak ko sa kakaisip kung ano ba ito. Puro shall at shall not lang ang naintindihan ko.  >.< pota

“Basahin mo itong nasa itaas,” Sya. Tapos tinuro pa nya gamit ng ruler nya yung nakasulat dun sa pinakataas ng papel.

“Tutorial Agreement?” Ako. Tumungo lang sya. Hay.  Tutorial agreement lang pala. Teka? Bakit may ganito? At may ganito ba talaga pag nagpapatutor?

“Para san to? May ganito ba? Ang dami mo namang pauso. Tss.,” Ako.

“Wala, dahil wala akong tiwala sayo gumawa ako para sigurado” Sya. At sya pa walang tiwala!

“Hoy anong walang tiwala, ikaw nga dapat hindi pagkatiwalaan eh! In the first place miss, tinulungan kitang hindi mapalayas sa bahay na ito, tapos hindi pa kita ganoon kakilala,diba ang bait ko lang?” Ako

“Bakit sino ba nagsabi sayo na bayaran mo yung apartment ko?” Sya

“Wala.” Ako

“Wala naman pala eh. At isa pa may kapalit naman yung pagbayad mo sa  renta, remember? Ano papayag ka ba o hindi? Kasi malelate na ko sa class ko” Sya

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon