This is it guys. . .im gonna start my first ever story. .
I do hope you will like it. . OkidOki??
hehe. .syanga pala. .bawal ang mga KJ dito hap??paalala lang mga kaibigan. .ako ay tao lang at nagkakamali rin. .Kung mayroong mga typographical error. .eh, ,pagpasensyahan niyo. .
Always me,
sHana- - -the author
Kabanata 1 - Pagtatagpo
September 8 ng 2013, gumising ako ng alas 3:00 ng umaga kasi may importanteng interview ako. Syanga pala, di pa ako ngpapakilala, ako si Sena Garcia. Fresh graduate po ako ng BS of Accountancy sa isang sikat na eskwelahan ng Cagayan de Oro City. Huwag mo na alamin kung anong school yun kasi baka sabihin mo na mas sikat pa school mo hehe. Isa po akong certified BISDAK, bisayang dako in long words. Sasabak po ako ngayon sa isang labanan. Labanan ng pakapalan ng mukha sa job interview. Actually, I'm nervous. First time pa po ako eh. First time na sumubok sa real job interview. Bahala na si Lord kung papayagan niya akong makapasa sa screening ng interview basta sasagutin ko ang mga tanong sa abot ng aking makakaya. Prepare muna ako baka ma-late pa ako sa interview.
(After 30 minutes) I'm done! Byahe na me to Iligan City. Yes po, Iligan City tayo pupunta kasi dun po interview ko.Pagdating ko sa entrance ng lobby ng Trendline, sinalubong ako ng isang matandang guard na napakalaki ng smile sa mukha.
'Good morning po, applicante po?' tanong agad ni manong guard.
'Yes sir! Saan po ako tutungo nito?' tanong ko din sa kanya.
'Nakikita mo ba yang intersection na yan?' tanong nya naman.
'Opo sir.' sagot ko sa kanya.
'Kumunan ka dyan tapos makikita mo na ang HR Office ni Ms Melanie Tan.'
'Ah, sige po sir. Maraming salamat po.'
Dumiretso na ko sa intersection at kumunan. Pagdating ko sa harap ng office ni Ms Tan, kumatok ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto. Pagbukas ko, may tatlong tao na nakaupo sa visitor's chair ng opisina; dalawang babae at isang lalaki. Napapatitig ako sa lalaki ng maigi kasi hindi po siya halatang applikante. Sino ba naman mag-aakalang applikante siya eh napakaliit nya parang grade 6 lang ang taas niya tapos napakapayat pa. Anyare sa Pilipinas pre, hindi pa ba tapos ang kanin crisis? Pero, gwapo po siya mga kapatid hehe. Mahaba pilik-mata, slight chinito ang mata, moreno, cute lips, at agaw pansin ang malaking nunal sa noo niya. Kaya ayaw magpaawat ng mata ko sa kakatitig eh hahaha. Nahumali sa angkin niyang kagwapohan. Binati ko sila agad pagkakita nila na papasok ako ng opisina.
'Good morning po sa inyong lahat.'
'Good morning din po' . Sagot nila ng sabay.
Tumabi ako kay boy pogi at nagpkyut :D. He smells like a baby. Ang bango nya at hindi ko mapigilan ang amoyin siya ng patago. Nakakaadik ka boy.
"I'm Sena." sabay abot ng kamay para mahandshake ko siya. "James." tipid na sagot niya. "Alam mo first job ko ito if makakapasok talaga ako. How about you po?" I'm getting curious with him. So, nagtatanong ako. Feeling close lang ba. Basta may crush ako, I cannot let is slip na hindi ko siya makilala. Sayang ang chance if hindi ko man lang siya magiging close. "Hindi, second time ko na to." Dumating na si Ms. Tan at sinabi ang arrangement ng interview. Panghuli ako sa papasok.
Fast-forward na. Natapos kami sa interview ng 4:00pm. "Akala ko hihimatayin ako doon sa loob" sabi ko pagkalabas ng building. "Normal lang yan. Ganyan talaga basta first timer. Masasanay ka rin kapag hindi ka matatanggap ngayon at mag-aapply ka ulit sa ibang company." sabi yan ni Michelle na aplikante rin.
Tahimik lang si kuya pogi. Suddenly, lumabas na ang HR personnel. "Thank you attending the interview everyone. We will call you if you are hired as soon as the result will come out. You may go now."
"Thank you, maam." koro naming sagot sa kanya. Lumabas na kami ng sabay sa office at nagkanya-kanya na kaming nagsiuwian sa mga bahay namin.
This was really a long day. Sana makapasok ako para may trabaho na ako agad. Mahirap kasing walang trabaho sa panahon lalo na ako ang panganay sa aming magkakapatid. Kailangan ko talagang makapagtrabaho na agad para sa mga kapatid ko.
~~beep~~
Uy! Nagtext si babe Marco.
Him: hi babe, msta interview? nakakain k na ba? Saan k na?
Me: ok lang, natapos kami ng matagal. grabe ang lamig ng kamay ko kanina nung hindi pa ng. start ang interview. hehe.. pro, nakaraos din nman ako kahit papaano. dto na ako sa bahay kanina pa
Him: Ah, ok lng yan. I will pray pra makuha mo ang work na yun. :)
Me: Thanks babe! :*
End of convo. Ganyan lng kami parati. Ewan ko ba kung bakit ang putla ng relasyon namin. We are not a sweet couple. Kinikilig pa ako sa kanya noon kapag nagkikita kami sa school at parati ko pa siyang tinititigan kahit saan. Oo girls, stalker type ako pero hindi ako obsess. Baka matakot siya sa akin kung obsess na ako sa kanya hahaha. Anyways, people do change over time because of different circumstances. Kaya siguro wala na kaming spark. Hay, buhay talaga hindi consistent.
Akala mo okay na ang lahat. Na parang pamforever pero hindi pa pala. Patikim lang pala yun kasi may mas deserving pa na dadating sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Im Not The Only One
RomanceIto po ay storya ng isang babae na sinubukan ang magmahal ng lalaking may mahal ng iba. Sounds common right. Medyo hango po ito sa totoong storya ng buhay po ng kaibigan ko.