PANYO (oneshot)

1.4K 34 9
                                    

A/N: Nakita ko lang sa mga notes ko sa Fb. Ito yung boredom ko dati tas pinagawa ako ng pinsan ko ng story para daw sa project nila. Haha. Puro tagalog na nakakanosebleed XD))). Pabasa na lang din :))) VLC.

Hindi ako akalain na may makakapansin sakin. Hindi ko akalaing makakahanap ako ng taong patatahanin ako pag umiyak ako. Pero nakahanap ako ng taong ganon.

Ako si Alexandria Gomez. 2nd year high school student ako. Ako yung tipo ng tao na madalas uimyak pero patago.Palagi kasing ako ang gusto nilang awayin sa eskwelahan. Pinagtutulung-tulungan nila ako. Kasi naman, mahirap lang kami at nasa paaralan ako para sa mga mayayaman.

Isang araw, sobra na talaga yung ginawa nila. Kinuha kasi nila yung upuan ko at sinira. Tapos, yung bag ko, pinuno nila ng basura. Pinagtawanan pa nila ako nung kinuha ko yung mga gamit ko at tumakbo papalayo. Ang narinig ko lang ay yung mga pasaring nila sa akin. Hindi ba nila ako maintindihan?! Hindi kasi lahat ng tao kasing swerte nila. At ako, ginagawa ko lang naman ang lahat para sa pamilya ko. Hindi ko naman sila pinakikialaman.

Umakyat ako sa rooftop. Doon ako umiyak. Ayokong may nakakakita ng mga luha ko. Para sa akin, ang pag-iyak ay nagpapakita ng kahinaan. Hindi ako mahina.

Bigla akong may narinig na mga yabag. Papalapit yun nang papalapit. Sa sobrang lungkot ko, hindi ko na lang pinansin.

Biglang may tumabi sa akin. Hindi ko naman tinignan kaya hindi ko alam kung sino. Pero sigurado akong may tao doon. At hindi naman sya nagsasalita. Hindi nya ako pinatahan. Hindi nya ako pinakialaman.

Maya-maya, tumigil na ako sa pag-iyak. Iyong tao naman sa tabi ko, tumayo na.

Lalaki pala siya. May inaabot sya sa aking panyo. Pero hindi ko tinanggap. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Okay lang ako." sabi ko.

Umiyak na uli ako. At yung lalaki naman, umalis na.

Simula noon, tuwing umiiyak ako, nandoon siya. Palagi nyang binibigay sa akin yung panyo nya. At lagi ko namang tinatanggihan. Isang taopn din ang nakalipas ngunit patuloy pa rin sya sa ganoon.

Noong araw na iyon, sobrang lungkot ko. Death anniversary kasi ng lolo ko. Nandoon uli ako sa rooftop at umiiyak.Dumating muli sya. Tulad ng dati, inabot nya ng panyo nya na tinanggihan ko muli.

Unti-unti, naintindihan ko ang lahat. Ang lalaking iyon na hindi ko man lang alam ang pangalan ang pinakamakakakilala sa akin. Lagi nya akong dinadamayan sa sarili nyang paraan. At ang tanging ginawa ko lang ay tanggihan sya at itulak papalayo.

Ninais ko na makita sya uli. Lagi ko syang hinahanap pero tila mapaglaro talaga ang pagkakataon at ni minsan ay hindi ko sya nakita.

Isang linggo ang nakalipas. Nalaman kong bumagsak ako sa isang asignatura at dahil doon, nangangambang mawala ang scholarship ko. Tulad ng dati, napaiyak ako sa sobrang lungkot.

Doon ako sa rooftop at hinintay sya. Plano kong kausapin na sya. Gusto kong sabihin sa kanya na salamat sa pagsama sa akin pag malungkot ako.Pero hindi sya dumating. Mas bumigat ang aking kalooban. Natuklasan ko sa sarili kong yung lalaking yun pala ang nakakatulong sa akin na maging positibo. At hindi ko man lang napansin iyon sa sarili ko.

Tumagal din nang isang buwan bago ko siya makitang muli. Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag pero biglang nagkaron ng ngiti sa aking mga labi.

Lumapit ako para kausapin siya. Pero, may kasama na pala siya. Naglakas-loob akong kausapin pa rin sya. Sinabi ko ang aking nararamdaman. Tinignan ko sya.

Nakatayo lamang syua doon at hindi nagsasalita. Naintindihan ko na.

Kaibigan lamang ako. Hindi pareho ang nararamdaman nya para sa akin. Naawa lamang sya doon sa babae na pinagtutulungan ng karamihan. Huli na pala ang lahat.

Tumakbo na lamang ako papalayo. Umiyak at walang inintindi na kahit ano.

Nung umiiyak ako, tumabi muli sya sa akin. Naalala ko yung mga sitwasyon dati kung saan ganyan din ang ginawa nya. Hinintay ko syang magsalita pero wala akong narinig na sinabi nya.

Tumayo ako.

"G-galit ka ba sa akin?" tanong ko.

"Hindi." Sabi niya. Malayo ang tingin nya. Tila umiiwas sa akin.

"Eh di... hindi mo ako gusto..." nasambit ko. At tuluyan nang bumalik ang pag-agos ng mga luha ko.

"Hindi mo ba naiintindihan?" tinanong nya ako. Bigla syang tumayo tinitigan ako.

"Ano?"

"Hindi ko na binibigay sayo ang panyo ko."

Naintindihan ko.Wala na syang pakialam sa akin. Kaya tumalikod na lang ako para umalis. Pero hinila nya ako pabalik.

"Ang binibigay ko sayo ay ang puso ko. Alam kong kung panyo lang ang ibigay ko, tatanggihan mo. Kaya puso ko na ang binibigay ko at sana ngayon, tanggapin mo." sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Ibig sabihin... gusto nya ako? At hindi nya ako iiwan? Sobrang bil;is ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat.

"Oo." sagot ko.

Hinagkan nya ako nang sobrang higpit.

Mula noon, naintindihan ko na. Hindi kailangang kilala mo ang isang tao para mahalin sya. Sa dami ng tao sa mundo, hindi madaling magmahal ngunit mahirap humanap ng taong karapat-dapat mahalin. Minsan nandyan na pala sya sa tabi mo, hindi mo pa pinapansin. Kaya sana, sa makahanap kayo ng lakas ng loob. Kasi kung hindi, hindi mo rin makikita ang taong para sayo. Masasayang lahat ng pagkakataon mo. Kasi ang taong iyon lang ang makakapagpaliwanag ng buong buhay mo kahit malungkot ka.

PANYO (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon