fourlendownbeybeh's Note: Ayuyuyuyu!! Heeeyooo!! New story uleet!! :"> Naiinspired lang talaga akong isulat to, so please pagtyagaan nyo na lang kahit may pagkaboring. Ajujujuju, Pleaseee, peeengee COMMENTS at VOTES :"> Labs ko na kayo kapag ginawa nyo :)
P.S. No PROLOGUE :">
###^^^##
- Chapter One -
Fraidei's POV
Hayy. Friday.
Friday na naman.
Dahil Friday ngayon sa pagbabantay ng aming computer shop ang bagsak ko. Tuwing Friday kasi ang toka ko sa pagbabantay, atsaka wala rin akong pasok ngayon.
Every Tuesday, Thursday at Saturday lang ang mga araw na may pasok ako.
Friday.
Ang PINAKABORING na ARAW para sa akin.
Siguro isa na rin sa dahilan yung pagiging tagabantay sa computer shop namin. Ewan ko ba kung bakit ako nabuburyong gayong anytime pwedeng pwede akong gumamit ng computer.
Madame na nga ang nagsasabi sa akin na ang swerte ko daw kasi may ganoon daw kami, malayang malaya daw akong magcomputer kasi amin daw yun.
Pero para sa akin, hindi ko rin talaga alam. Or should I say I don't want to. Hindi ako mahilig magcomputer eeh. Pwera na lang kung may ireresearch ako, doon. Doon ako napipilitang gumamit ng computer.
You know what. Hindi kasi uso sa akin ang pagcocomputer. Sadyang ayaw ko lang talaga. Hindi naman ako computer hater. Hindi lang talaga ako adik.
Hayy Friday.
Friday na naman. Ano na naman ang gagawin ko ngayong araw na ito para hindi ako maburyong?
Friday. Friday. Friday.
Will you gone by now?
I'm going crazy if you still
continuing bothering me.
Friday is the boring day ever.
"Fraidei! Bumaba ka na! Magbubukas na yung computer shop natin!" Sigaw ni mama sa may ibaba.
Sigh.
Walang kawala. Magbabantay talaga ako :(
Nga pala, ako si Fraidei. Pronounce as Friday, the day I hated most. Ang galing ding mang-asar noh? Kung ano pa yung pinakaboring na araw pa sa akin ay yun pa yung naging pangalan ko. How nice naman. My name never fails me to annoy -_____-
Fifteen years old at Fourth year high school na sa Sta. Ana National High School. Oo sa public lang ako nag-aaral dahil yun lang ang kinaya ng bugdet ng mga magulang ko eeh. As you see graduating na rin ako pero matagal-tagal pa yun. July palang ngayon eeh.
Atsaka wala namang maganda sa mga nakaraang araw. Boring din ang school days ko. Hindi naman kasi ako palaimik, palakibo at hindi mahilig makipagkaibigan. Naiinis nga ako sa mga taong maiingay eeh. Mas gusto ko pa yung palagi na lang akong nag-iisa. Gusto ko sa isang lugar na kung saan payapa ang buhay ko.
Hayy. Boring. Sama lang noh? Boring na nga yung Friday, boring pa yung school days ko.
Bumaba na ako bitbit ang mga libro at notebook ko na gagamitin ko sa paggawa ng assignments ko. Magreresearch ako kaya no choice kundi ang gumamit ako ng computer.
"Anak kumain ka muna habang binubuksan pa nila papa mo at ni Lucas ang shop." Bungad ni mama sa akin sa may kusina.
I just nod. Tapos dumulog na ako sa hapag-kainan para kumain.
Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong kumain. Nasa may labasan kasi yung computer shop namin kaya kailangan ko pang maglakad. Walking distance lang naman, siguro mga anim hanggang pitong minuto nandoon na ako.
Eto ang Friday routine ko. Ang magising sa umaga, kumain, magbantay ng computer, umuwi, kumain, saka matutulog na.
"Fraidei! Andyan ka na pala." Bungad sa akin ni Niko ng makitang palapit na ako sa kanya.
Si Niko ay kapatid ko. Kambal ko sya. At syempre ako ang panganay, pero hindi halata kasi hindi nya ako tinatawag na ate. Hindi kasi uso yun sa aming dalawa pwera na lang kung nasa harapan kami ng mga magulang namin. Doon kami napipilitang irespeto ang mga sarili namin.
I just nod at him.
"Ikaw talaga…" Saka ginulo nya yung buhok ko nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya. "Pumasok ka na doon, mukhang may ihahabilin pa sa iyo si papa. Una na ako sis." Ngumiti sya sa akin bago tuluyang umalis.
Pumasok na ako at nakita kong lima na ang naglalaro. Fifteen kasi ang computer namin dito, kaya… ayun na yun.
Nakita ko si papa na nakasandal sa counter table kung saan doon uupo ang magbabantay sa loob. Hindi nya ako nakitang pumasok sa may pintuan dahil nakaharap sya sa mga manlalaro.
"Pa…" I murmured when I'm getting towards to him.
Agad naman syang napalingon sa akin.
"Nga pala anak, pansamantala ko munang inilipat yung computer dito sa may counter table. Kasi napapansin ko nitong mga nakaraang araw, lalong dumadami ang mga costumer natin, kaya para hindi na sila mag-hintay ng matagal at lumipat ng ibang komputeran, inilipat ko muna yung isa pang computer. Alam mo na, sayang din yung kikitain natin doon." Mahabang salaysay ni papa.
Yun lang pala. Kaya siguro umaga pa lang nandito na sila nang kapatid ko.
Tumango na lang ako.
Napatingin si papa sa mga dala kong libro at mga notebook. "At kung magreresearch ka, makigamit ka na lang ng isa sa mga computer dyan kapag bakante. Sige aalis na ako. Kung ano man ang problema huwag kang magdalawang isip na tumawag sa bahay aah. Uwi na ako. Ingat ka dito." Pagpapaalam ni papa saka nagsimula na syang maglakad palabas.
So eto ulit. Bantayan mode na naman.
Pumunta na ako sa may counter table at umupo sa harapan nun saka sinimulan ko nang gawin yung iba ko pang assignment. Bale tatlong subject lang naman ang kelangan kong iresearch sa computer.
So ayun na nga yung ginawa ko. Inuna ko muna yung Math :">
Fact: Math is my favorite subject kahit na magkandadugo-dugo na yung utak ko sa kakaintindi sa ibang lesson. Pero okay lang den :) Nagegets ko naman kapag inulit ulit sa akin :)
Tumayo muna ako at pinuntahan yung computer na may number na 8 at 11 at sinabi na time na nila. TIME NA NILANG LUMAYAS. Pero hindi ko yun sinabi.
Pagkatapos nun, nagbayad na sila sa akin atsaka lumabas.
That's all. Yun ang gawain ng mga taga-bantay na katulad ko. Basta IT'S B-O-R-I-N-G.
Bumalik na ako sa pwesto ko at ipinagpatuloy ko na yung ginagawa kong assignment.
For now, Math ang sinasagutan ko ngayon, kasi nga fa--
"Ate pa-computer po."
BINABASA MO ANG
Friday.
Teen FictionFriday never dies like loving you never expire. Friday © October 2013 All Rights Reserved