Chapter 17 - Micha's Story

10.7K 220 0
                                    

MICHA'S POV

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Naiyak ako dahil na alala ko yung buhay namin nung buhay pa si papa. It has been a luxurious life pero walang nangyari eh. Wala kang freedom. Tumalikod ako sa kanya para itago ang luha ko.

"Look, I'm sorry if I said something wrong." paumanhin niya.

"Hindi ikaw, may naalala lang kasi ako." sabi ko.

"Care to share me your story. Sabi mo nga kanina, hindi natin kayang sarilinin and you already knew everything about me so why not share me yours." pacute niyang wika.

"Kung alam mo lang ang mga naranasan ko nung nabubuhay pa si papa, ewan ko lang kung ano ka ngayon. Kung tutuusin, mas madali pa ata yung sayo dahil may blessing na dumating, si baby."

"Wow, Madali ha. Why don't you share me your past para icompare natin kung anong mas mahirap." kulit nito at tinitigan ako sa mata. Umiwas ako sa tingin niya at sinimulang mag kwento.

"Una sa lahat, my dad is General Alvarez." alam kong nabigla siya. Hindi kasi kami kasing sikat ng ama namin.

"Wow, a military's daughter huh, hindi halata." react niya agad-agad.

"I know, dahil mahigpit siya, he's a great hero but not a great dad, I'm sorry papa." huminga ako bago ipinagpatuloy.

"Alam kong nagtataka ka kung saan napunta yung mga kayamanan namin na galing sa nakaw yung iba. Alam mo naman ang gobyerno natin.  Yun ding pera niya, napunta sa pagpapagamot niya ng ma atake siya ng cancer."

"SO that explain why you're living in this tiny bungalow." nakakurap na wika niya.

"Kay mama ito, galing sa mahirap na pamilya si mama pero yun, nagkainlove van sila ni papa at nagpakasal. Kung mapapansin mo, ito lang ang hindi nabago sa subdivision na ito dahil ayaw ni mama, gusto niyang ipamana sa akin kaya hindi niya ibinenta yung portion na ito. Alam kasi niya na mawawala lahat ng pinaghirapan ni papa nung magkasakit ito. Kay papa rin itong subdivision kaya lang napunta sa business partner niya na siyang nagmamay-ari ngayon. Gumawa sila ng kasulatan na huwag pakiki alaman ang bahay at lupang ito kahit na pwedeng i renovate. Gusto ko kasing galing mismo sa pinaghirapan ko ang gagamitin kong pan renovate dito kaya lang hindi pa natutupad." natawa ako dahil tatalong taon na pero wala pa akong saving.

"Wow, natamaan ako dun ha." nagulat ako sa sinabi niya. Kala ko hindi siya nakikinig.

"Eh totoo naman. Masarap kayang tumira sa bahay na pinaghirapan mo. Iba yung, feeling try mo. Atleast magiging proud ka dahil hindi galing sa parents mo yung perang ginamit mo kundi galing sa pawis mo mismo."

"oo na. Pero wala man ba kayong natirang mansion o lupain.?" nagdudang tanong niya.

"Sa maniwala ka at sa hindi. Wala talaga, dahil pagkatapos ni papa namagkasakit, nawala siya pero sumunod naman si mama after three months. Kaya ayun, grabeng pagsubok ang pinagdaanan namin ng ate ko pero parang nabunutan kami ng tinik ng mawala si papa."

"Natuwa ka ng mawala ang papa mo." bulalas niya.

"Hoy hindi no. Iniyakan ko din siya kahit ganun yun mahal na mahal ko pa rin siya no. Kaya lang nasobrahan siya sa pagdidisiplina to the point na magrerebelde na si ate. Kaya hindi ako nakisali dahil kawawa si mama. Siya ang shock absorber ng lahat. Kapag nagalit si papa kay mama niya binubunton lahat ng galit niya sa trabaho at sa amin. Alam mo yung, sakal na sakal ka na dahil lahat ng galaw mo, naka monitor. Sa school, may bodyguard ka na uma aligid-aligid sayo, pagpasok mo may nambu bully na sayo dahil general ang papa mo, wala kang matino at totoong kaibigan, pag uwi mo, isang nakakabinging katahimikan ang sasalubong sayo. Ayaw kasi ni papa na mag-ingay kami, napa paranoid siya,  feeling niya may bobomba sa bahay namin or may papatay sa kanya kaya dapat daw laging tahimik para pag may un usual na sound, alam daw niya kung may ibang tao. Kaya lahat ng galaw namin, dapat maayos. Kapag may konting pagkakamali, grounded agad-agad. Ni explanation mo ayaw niyang pakinggan dahil lahat ng iniisip niya, yun daw ang tama. Imagine, ayaw niyang magpa bible study kami sa bahay dahil baka daw yung pastor, hired killer at gusto kaming i massacre... Kaya lagi kong ipinagdarasal noon na sana magresign na siya sa trabaho pero ayaw pa rin niya dahil nga sa libu-libo niyang sweldo. Saan daw kami pupulutin kung mawawala siya sa serbisyo, yun ang lagi niyang dahilan kahit pa paulit-ulit naming sinasabi na okay na sa amin na tumira sa hindi magarbong bahay basta may katahimikan. Naawa na rin kami sa kanya dahil kung minsan para siyang mababaliw sa pag-aalala kung may isang hindi nakauwi sa tamang oras. Oo nga at lahat ng mga pangangailangan namin, nai poprovide pero walang saya at pagmamahal na galing sa kanya. Ngumingiti siya pero once a month. Sa 20 years ko sigurong nabuhay na kasama siya, isa lang ang masasabi kong masaya na nangyari sa amin. Yun ay nung malapit na siyang mawala, na lagi kaming magkakasama sa bahay dahil wala na siya sa gobyerno, dun ko nakita ang funny side niya kaya kahit sa konting panahon lamang ang mga yun, laking pasasalamat ko na atleast natupad yung panalangin ko, namin na magbago siya bago siya kunin ni Lord. Siguro narealize din niya after all na walang forever na happiness sa mundong ginagalawan namin kundi sa Panginoon lamang." para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman kong may nagpahid sa luha ko at humahaplos sa pisngi ko. Natuod lang ako na nakatitig sa mata niya. Ramdam ko rin yung lungkot niya at pakikipagsimpatya sa akin.

"Hush! Magpasalamat na lang tayo na may konting panahon na nakilala mo pa ang papa mo bilang isang tatay. Those are sweet memories to treasure. I'm sorry for judging you." hinagkan niya ako sa pisngi bago yinakap ng mahigpit. Para akong nasa alapaap ng makulong ako sa bisig niya. Oh my gosh, Am I getting deeper in love.? Para akong nahintakutan sa susunod na mangyayari kaya dahan-dahan ko siyang tinulak.

=========================================================

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon