CHAPTER TWO
GRAND OPENING ng Dirt Riders Club building sa Alabang. Isa iyong malaking gusali na may apat na palapag. Pinaghandaan ni Yuri ang araw na ito dahil nangako si Satoaki na isasama siya at ipapakilala siya sa mga kaibigan. She was wearing a simple white empire gown that is encrusted with beaded Swarovski crystals at the empire line. Bumagay iyon sa slim niyang katawan at elegante siyang tingnan.
"I'll be the host for the event. Just stay with me, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." wika ni Satoaki matapos buksan ang pinto ng sasakyan at inalalayan siyang makababa. Sabay nilang tinungo ang malawak na entrance ng malaking gusali kung saan gaganapin ang ribbon cutting. May mangilan-ngilang mga bisita na ang naroon. May halos kalahating oras pa bago pormal na magsisimula ang grand opening.
"Aki! Mukhang excited ka sa pagiging host ng event na 'to. Ang aga mo ngayon." Nakangiting salubong sa kanila ng isang tsinitong lalaki. Kilala ito ng dalaga---si Riki Cheng.
"And who is this pretty lady with you?" pang-iintriga naman ng isang babae. Si Skyler.
"This is my friend, Yuri." Pagpapakilala ng kababata sa kanya. Nakilala niya ang mga naroon na sina Flan kasama ang kasintahan na si Mona pati na rin sina Aven, Cole, at Sid. Naroon din ang asawa ni Riki na si Lei na nagdadanlantao sa panganay ng mga ito. Nalaman din niya ang si Skyler ay asawa ni Aven. Sa totoo lang wala siyang maipintas sa pisikal na anyo ng mga ito. Para siyang napapalibutan ng mga demi-god na galing sa Mount Olympus. Pero syempre, hindi din naman magpapatalo ang lihim niyang iniirog. Matangkad, maganda ang hubog ng katawan, matangos ang ilong, singkit din ang mata kagaya niya. Kahit medyo bad boy ang dating pero nakakasiguro siyang mabuting tao at maalaga pa. Malaki ang hawig nito sa Japanese action star na si Shun Oguri. Bagay na bagay sila dahil maganda din naman siya. Maraming nagsasabi na medyo hawig siya kay Meisa Kuroki na sikat na artista sa Japan.
"Sorry guys, late na ba ako? Traffic kasi." sabi ng lalaking kadarating lang. Napakamot ito sa ulo at inayos ang nagusot na sleeves ng damit---si Ryder Alcover. Sino ba naman ang hindi nakakakilala rito? He is a world motocross champion. At natutuwa ang dalaga na makilala ito ng personal ngayon.
"Sakto lang. Magsisimula na tayo maya-maya lang." si Flan ang sumagot. Ipinakilala siya ng kaibigan kay Ryder at nagkamayan silang dalawa. Naging abala si Satoaki sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nito kaya sinamantala na niya iyon para lapitan si Riki.
"Excuse me, Sir Riki..." Mahina siyang tumikhim. Nginitian naman niya ang asawa nito at gumanti din ng ngiti sa kanya, "Can I talk to you for a while?"
"Sure, ano ba 'yon?" magiliw na sagot ni Riki. Iginiya siya nito ilang metro ang layo sa karamihan. Masyado kasing maingay.
"I was just wondering If I'm qualified to apply as a new member of your team? I love motocross, actually ako ang nag-champion sa National Women's Supercross last year sa Japan." Lakas loob na sabi ni Yuri.
Napatango-tango naman si Riki, "I see, gusto ko ring maging parte ka ng team namin Yuri. Pero wala ba sa'yong sinabi si Aki tungkol sa rules ng DRC?"
She lightly shook her head, "Sabi niya hinding-hindi daw ako magiging miyembro ng DRC kahit anong pilit ko. But he won't tell me the reason why."
"There is an existing rule that Dirt Riders Club is exclusive for male members only." Nagbuntong hininga si Riki at lumarawan ang simpatya sa mukha.
"But I know your wife, Leiserl Aragon-Cheng. Isn't she a member of DRC?" Alam niya iyon dahil naikuwento sa kanya ni Satoaki. Kaya paano naging esklusibo lang sa lalaki ang Dirt Riders Club?
BINABASA MO ANG
Dirt Riders Club Series 5- SATOAKI MAEDA (The Lapper's Choice)- PREVIEW ONLY
RomanceSatoaki Maeda, the happy-go-lucky in the team. Hindi siya naniniwala sa 'love' dahil tingin niya ay isa lang iyong malaking kalokohan. On the other hand, Yuri Takashi--- vowed that no matter what happen she is going to be Satoaki's wife by hook or...