Katana

21 1 0
                                    

Si Aina dela Pena ay isang sword collector. Simula bata pa lamang ay mahilig na siyang maglaro ng mga plastik na espada. Hanggang sa paglaki ay kinagigiliwan niya ito kaya naman hindi malabong naging collector siya.

Isang araw, habang nagsusurf sa internet si Aina, napunta siya sa isang website kung saan may isang espadang nakaagaw ng kaniyang pansin.

Kakaiba ito at walang katulad. May iba't ibang simbolo rin na nakaukit sa talim nito. Dahil sa kyuryosidad, hindi napigilan ni Aina na mangalap pa ng impormasyon tungkol sa nadiskubreng espada. Sa loob ng isang linggo, halos napuntahan at nabisitan niya na lahat ng site na pwede niyang kuhanan ng impormasyon.

Kuntentong napangiti si Aina nang matapos ang kanyang pagsasaliksik tungkol sa nasabing espada. Dahil mayaman siya at may mga koneksiyon, agad nyang tinawag ang kaibigan na isang sikat na collector din ng mga espada; si Kent.

"Kent? May isesend ako sayong files sa email. Naagaw ng espadang 'to yung atensyon ko. Magandang klaseng espada 'to. Pahanap naman oh. Handa akong magbayad kahit magkano" sabi nito sa kausap.

"Sige. Teka, titignan ko" sagot ni Kent.

Saglit na tumahimik sa kabilang linya hanggang sa bigla na lamang umingay. Parang natataranta na ewan.

"Uy Kent? Ayos ka lang?" tanong ni Aina sa kausap.

"Aina! Jusko! Hindi mo ba alam na walang ganitong espada sa panahon ngayon?!" sabi niya na para bang obvious na obvious yung bagay pero hindi ito alam ng kaibigan.

"Weh? Imposible! Nako nga, Kent! Tinatamad ka lang maghanap e. Hanapan mo na kasi ako, please?" sagot ni Aina.

"Hindi mo alam yung kwento?" nagtatakang tanong ni Kent.

"Anong kwento?" sagot ko naman ni Aina na may halong kyuryosidad.

"Itong espada na 'to, matagal nang wala. Huling beses daw na nakita to ay 500 BC pa. BC, Aina! Before Christ! Tapos ipapahanap mo sa akin? Yung totoo? Naglolokohan ba tayo dito?" naiinis na sabi ni Kent.

"Malay ko ba? Sus. Palusot mo, Kent. Alam kong madami kang pwedeng makatulong sa paghahanap dyan. Ihanap mo ako ah? Hahanapan kitang ka-forever mo kapag naibigay mo sakin yan. Bye na! May gagawin pa ako. Mahal kita, bespren" sabi sa kaniya ni Aina na may halong pagmamadali. Kailangan pa kasing nitong pumunta sa isang antique shop.

"Oo na. Wag kang umasang makakahanap ako nito. Tse! Di ko kailangan ng love life. May pinopormahan ako ngayon. Hindi nga lang niya alam dahil manhid siya. Ba-bye na. Ingat ka, bespren" sagot ni Kent.

Ibinababa ni Aina ang telepono at mabilis na naligo. Nang magbibihis, pumunta siya sa kanyang kabinet at naghanap ng susuotin. Nakatapos na siyang magbihis ng biglang umilaw yung kabinet sa hindi niya malamang dahilan.

Hindi kaagad siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan hanggang sa makaramdam na lamang siya ng isang pwersa na pilit siyang hinihila papasok sa loob nito. Ginawa ni Aina ang lahat para hindi siya matangay ngunit sadyang malakas ito para kanyang malabanan. Ang huli niya na lang natanadaan ay nanlabo ang kanyang paningin bago dumilim ang paligid.

Nagising siya dahil sa ingay na narinig.

"Nasaan ako?" tanong ni Aina nang mapansing hindi iyon ang bahay nila.

"Nandito ka sa aking tahanan" sagot ng kung sino sa likuran.

Agad niya itong hinarap at nakita ang isang babae kasama ang sa tingin niya ay mga kaibigan nito.

"Sino ka? Nasaan ako? Bakit ganyan ang kasuotan ninyo?" naguguluhang tanong ni Aina sa kanila.

Para kasing nga sasabak sa giyera ang kanyang mga kausap. May mga armor suit ito na alam niyang kilo-kilo ang bigat.

KatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon