Saph
Last year ko na dito sa goshforsaken school na ito. Hay salamat makakagraduate na din ako.
Hindi na ako uupo sa pinaka gilid katabi ang malaking window. Hindi na ako pagtritripan ng mga bully at b*tches dito. Hindi ko na rin makikita pa pagmumukha ng zaELIEN na yun!
Bwisit. Tatlong years na ko may gusto sakanya pero wapakels. Hmmph! Nakakapagtampo. Hoy loko! Rare na kaya mga babaeng tulad ko!
Ang iba puro landi lang ang alam, hindi pa loyal. Every week, day, or even second! May bagong boy toy. Pasalamat ka nga gusto kita eh!
Pasalamat ka three years akong loyal sayo! Pero sabi ko nga... manhid ka! Pero sino nga ba naman kasi ako? Isang panget na nerd na madaming pimples at nbsb pa. Galing noh? Umaasa parin akong magustuhan mo ako... kesyo malabong mangyari yun. Kasing labo ng mata ko!
Napapikit nalang ako at nagtago sa ilalim ng kurtina. Nasa may window nanaman ako... humarap ako doon kasi bored na ako. Hindi ibig sabihin nerd ako hindi na ako naboboringan sa mga subjects! Pero ay... hehe... ang sungit ng approach ko sainyo.
Ako nga pala si Saph. Isa lang naman sa mga nobody sa school na ito. Taray... nobody talaga eh? No choice.
Lagi akong iniignore... at binubully at the same time. Pfft. My life sucks right? Binubully nila ako dahil sa kapal ng salamin ko, sa dami ng pimples ko, at dahil daw pangit ako. Inggit lang kayo! Taglagas na ang season ng kilay niyo eh yung akin taghinog. Hahaha! Ahy walehy! Tawa naman kayo dyan mapapahiya nanaman ako. T_T
Nakakapaginit ng ulo... umagang umaga kung makasigaw itong prof namin kala mo kung sino. Kung hindi ko lang pinapahalagaan grades ko malamang nagsapakan na kami niyan. Ahy ang bad ko... pati teacher ginaganyan ko. Eh pano naman kasi eh? Nakaka irita. Tapos history pa tinuturo!
Nagmamadali pa itong magturo... may date ka? May date ka? Ha? Atat masyado! Oh edi ikaw nang may date!!!
Sino may sabing isang nerd na katulad ko ay hindi pwedeng maging maldita?!
uwaaaaa! Char lang! Siyempre sa utak ko lang yan. Hindi naman ako ganun no. Mabait ako kahit papano... sa gabi lang nagloloko.
Hephephep! Iba ang iniisip niyo! Hindi one night stand sinasabi ko! Sus mga utak niyo. May panglinis ako dito gusto niyo hiramin? Ang dudumi ng mga utak niyo. Hahaha joke lang.
Sa gabi ako nagloloko kasi nga Dj ako sa Nameless! Haha yun yung club na pinapasukan ko. Masyado po talagang tinamad ang may ari nito magpangalan. Part time job lang ito para may allowance ako kahit papano. Mayaman kami pero ayoko ng humingi ng pera sa magulang ko. Spoiled rin ako in a way pero napipigilan naman!
Anyway back to reality. Mag aaral pa ako.
🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧
Snack time!! Woo kakaexcite... alone nanaman ako sa canteen at tatambay sa likod ng school oh di kaya sa library. Ang saya! Insert sarcasm. Kaya mas gusto ko buhay ko sa gabi eh! Masaya at maingay. Mmm! Ang utak! Alam niyo na ibig kong sabihin!
Papunta na ako sa library, bumaba ako sa may ramps, kaso nung pababa na ako, nadulas ako ng tuloy na parang nagslide hanggang sa tumama yung pwet ko sa sahig... aray. Puchangna sino nanaman ba may gawa nun?
Tumawa ng malakas ang mga babae na nakatago sa may gilid. Lumabas ito at tinignan ko lang sila na walang expresyon sa mukha. Si Sabel. Ang pinaka bitch sa lahat ng bitch. Tss. Kasama nanaman niya ang pipitsuging mga alila niyang mukhang pinulot sa Manila Bay.
"Look who's here! Girls, si Panget lang pala. HAHAHAHA!"
"Ikaw pala yan Sabel. Kala ko si Valak." Yan sana sasabihin ko kaso nakapagtimpi ako.
YOU ARE READING
Nerd By Day, DJ By Night
Novela JuvenilAko si Saph Collene Suarez. Ang dakilang Nerd sa Sylvestrian High. Loner. Pangit. Pero matalino! Alangan namang pangit na nga boba pa diba? Magtira naman kayo ng magandang description para sakin! Anyway, galit ako sa isang lalaking nagngangalang Zae...