IKALABING-ANIM NA KAPITULO

360 22 9
                                    

IKALABING-ANIM NA KAPITULO

"Nasaan na siya?"

"Wala naman siya sa banyo!"

"Baka 'di niyo lang nakita!"

Napatingin naman sila kay George na nagsabi no'n.

"GEORGE!" sigaw nila at tinignan ng masama si George.

"Nagjo-joke lang eh!" depensa niya at medyo napangiwi. Hindi kasi siya sanay na makitang ganito ka-seryoso ang mga kaklase.

"Guys!" tawag nila Fran.

"Bakit?" tanong ni Fren. Lumapit sila Alliyah Gaille para maki-usyoso habang yung iba ay nanatili sa kani-kanilang mga pwesto.

"Hanapin kaya natin si Smile nang magkakahiwalay? Hindi natin siya mahahanap kung magkakasama tayong lahat sa iisang lugar." suhestiyon ni Fran.

"So gusto mo maghiwa-hiwalay tayo?" gulat na tanong ni Chilles.

"Ay hindi, Chilles. Hindi. Sabi niya, 'wag nga tayong maghiwalay para mahanap natin si Smile.. Baliw! Syempre 'yon ang gusto niya! Kakasabi niya lang, 'di ba?" sarcastic na sabi ni Alliyah Gaille sa kaibigan. Hinampas naman silang dalawa ni June Alliah na sobra kung magpigil na tumawa.

While Cynnara on the other hand, ay humagalpak na sa kakatawa. Kaya binatukan siya ni Stan Lee, pero syempre, mahina lang.

"Ang seryoso na ng sitwasyon, nagagawa niyo pang maglokohan." pailing-iling na sabi niya.

"Pearl 'yan eh!" singit ni Lira.

"So 'yon nga," putol ni Fran. "Ano, okay ba?"

Nagkatinginan naman ang lahat. At tumango bilang pagsang-ayon. Maliban kina Cricel, Christian Oliver, Marielle, Pauline, Alliyah Gaille, Camille at Majel.

"Pero hindi ba mas delikado 'yon?" tanong ni Cricel.

"Paanong delikado?" tanong ni Fran.

"Kasi 'di ba, mas malaki ang chance na makapatay ang killer? Mas malaki ang chance na may mamatay?" Sagot ni Cricel.

"Tama. Pero baka mahuli na ang lahat para kay ate Smile kung hindi tayo maghihiwa-hiwalay. Tsaka mas mapapabilis ang paghahanap natin sa kanya kung maghihiwa-hiwalay tayo." saad ni Christian John.

"Oh sige, ganito nalang. Magbotohan tayo kung maghihiwa-hiwalay ba o sama-sama nating hahanapin si Smile." suhestiyon ni Xian.

"Daming alam!" biro ni Kevin na binara naman ni Mark Jayson na nagsabi ng, "At least may alam, 'di tulad mo."

"Owww! Hahaha!" tawa ng mga boys.

"Edi wow!"

"Shhh!" saway nila Marielle at Joanna sa mga boys na kahit kailan ay sobrang gulo.

"Lahat kayo mag-cooperate ha!" sabi ni Pauline.

"Taas daw kamay ng gusto hiwa-hiwalay!" sigaw ni Chyarrel na may pinaka-malakas na boses sa klase.

Nagsitaasan naman ng kamay ang halos lahat kaya..

"Okay! Majority wins!"

"So guys, maghihiwa-hiwalay tayo ah. Pwedeng pumili kayo ng kahit sinong kasama na gusto niyo. Basta siguraduhin niyo na maiikot niyo ang buong mansion para hanapin si Smile." bilin ni Chanel.

"Teka, paano natin mako-contact ang isa't isa?" tanong ni Leunize.

"Oo nga! Wala pa ring signal dito eh!" segunda ni Angelika na halatang badtrip dahil dito.

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon