Chapter 9
Nakatitig padin sa akin si Adrian. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Isama pa na naghahantay din si Cloe at Leslie ng sagot ko.
" Hi- hindi. Wala akong gusto kay Zen. " pagsabing pagsabi ko nun ay nakahinga din ako ng maayos.
Si Leslie, nakatingin lang samin ni Adrian. Si Cloe naman biglang nagsmile sa akin at saka lumayo. Napaka chismosa kasi ng girlfriend ni Zen. Tsss. Sarap niyang ihulog sa bridge promise! At syempre si Adrian. Nilapit na naman niya yung mukha niya. Sarap niyang sapakin.
" Haha! Buti naman at wala. Alam mo kung bakit? " tanong niya.
" Ba- bakit?! " medyo naiinis kong sabi.
" Kasi gusto ko. Akin ka lang. " sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.
" Ayoko sa demonyo! " sabay kunot ng noo ko.
" Mapapaibig din kita Ms. Eunice Adams. " then he grin at saka lumabas ng classroom namin.
Hahaha! Nakakaloka talaga yung mukha ni Adrian. No. No. No. Wala akong gusto sa demonyong yun. Gwapo lang talaga siya kaya ganto yung nafefeel ko.
Kasi gusto ko. Akin ka lang.
Kasi gusto ko. Akin ka lang.
Kasi gusto ko. Akin ka lang.
Ahhhhh! Nakakainis! Nakakainis talaga yung lalaking yun! Basta kay Zen lang ako! Kahit na may girlfriend yun. Basta ayoko kay Adrian! Ayoko!
*pooooooook*
" Aray! Wag ka nga mangbatok. " sabi ko kay Leslie. Binatukan kasi ako. Ang sakit kaya.
" Sino na namang iniisip mo? Si Adrian? o Si Zen? "
Actually pareho. Pareho ko silang iniisip.
" Wa-wala. " sagot ko.
" Wala daw. Sus. Pero Bhes? Sinong gusto mo sa dalawa? " she asked.
" Si Zen. " seryoso kong sagot. Syempre. She's my bestfriend. She should know.
Hindi ko namalayan na andyan pala yung girlfriend ni Zen, si Cloe.
" Wag na wag mo siyang aagawin sakin. " sabi ni Cloe kaya pari si Leslie napatingin na sa kaniya.
" Bakit? Inaagaw ko ba? Ikaw nga yung nang agaw sa kaniya eh? " naiinis kong sabi.
" Sinong nandyan nung iniiyakan ka niya? Sinong nandyan nung mga panahong hindi mo napapansin lahat ng effort niya? Sino?! Ikaw ba? "
Dahil sa mga sinabi niyang yun, napatahimik ako. Nanlamig ang buong katawan ko. I felt this horrifying sensation in my heart. Parang tinutusok yung puso ko. Isang malaking sampal sakin lahat ng sinabi niya.
Hindi na ako sumagot kaya lumayo na siya. Oo! Lumayo ka sakin Cloe. Dahil sayo mas lalo ko lang narerealize na ako ang may kasalanan lahat. All this time kasi hindi ko napapansin lahat ng ginawa ni Zen. All this time, ikaw yung nagcocomfort sa kaniya habang ako ang dahilan ng kalungkutan niya.
**
Lunch Time.
Mag isa ako sa may school garden. Si Leslie kasi ay may club project kaya nagmemeeting siya with her club group. Mag isa tuloy ako ditong kumakain. Waaaaah! Ayoko ng ganitong feeling.
" Hoy pandak na panget! " Guess what? Si Adrian na naman. Seriously? Pandak na panget? I hate him.
Di ako kumikibo. Tuloy lang ako sa pagkain ko.
" Pansinin mo naman yung first kiss mo oh. " at dahil pinaalala niya na naman yun.. Nag init na naman yung ulo ko.
" First kiss mo mukha mo! " tatayo sana ako kaso pinigilan niya ako.
" Yayayain sana kita mag mall bukas. Pwede? " tanong niya.
" Pag iisipan ko. " tapos iniayos ko na yung lunch box ko at umalis dun. Nakatingin lang siya sakin. Nakangiti.
Naglalakad na ako sa may hallway kaso biglang may lalaking humarang sakin.
" Eunice " sabi nung isa.
I remembe him. Siya yung kasama ni Adrian sa basketball team. Isang fourth year student.
" I know you don't know me. Pero ako kilala kita. Ako si Joshua Hermoso. " tapos ngumiti siya.
Joshua? Oo, si Joshua nga. Siya yung kasama ni Adrian nung natamaan ako ng bola.
" A-ano pong kailangan niyo? " tanong ko sa kaniya.
" I like you Eunice. Can you please go out with me on a date tomorrow? "
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Eh kasi naman. Ang gwapo niya tapos he likes me daw.
" Please? "
Tumango tango na lang ako. Tapos bigla niya akong niyakap. Kaya nanlaki bigla yung mga mata ko.
" BITAWAN MO NGA YANG SI EUNICE KO! " si.. si.. si.. adrian. O______O HAAAALLLAAA?!
--
Vote and Comment <3
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED