Chapter 1

15 2 1
                                    


"Oh my G! Maghihiwalay sila ni Clark? Hindi pwede," naghihimutok na saad ni Sasha habang nanonood ng paborito nyang teleserye sa kwarto ng bestfriend nyang si Ianne.

"Ang ending nyan sila pa din magkakatuluyan. Ano ka ba? Parang di mo naman alam yan. Sa mga teleserye, expected mo na agad kung ano mangyayari sa ending. Pero sa reality ng buhay, mahirap mag expect kasi hindi ikaw ang director at taga-gawa ng script. Kaya pag nag expect ka, disappointment ang kasunod."

"Ang bitter mo naman."

"Spell bitter."

"B... E... ay naku, next time na lang yung iba alam mo naman mahina ako sa spelling eh. Tanggalin mo nga pagiging mapait mo sa mga nangyayari sa paligid mo. Hindi porke't nangyari minsan eh, paulit-ulit nang mangyayari sa'yo. Dinamay mo pa ang teleserye. Eh ginagawa lang naman yan para may mapaglibangan ang tao at para kahit paano eh turuan ang mga bitter na tulad mo na may happy ending, no?

"Ayoko ng happy ending. Gusto ko happy lang, walang ending."

"Grabe sya, oh."

"Hay naku, tumigil ka na nga sa panonood ng TV. Pati ako nahahawa sa mga napupulot mo dyan eh." Saad ni Ianne sa bestfriend at bumalik na sa pagrereview ng lessons nya para sa long quiz kinabukasan. Habang nakasimangot namang pinatay ni Sasha ang TV at naki-join na sa pagrereview ng kaibigan.

Bitter... Muling naulit sa isip ni Ianne ang description sa kanya ni Sasha. Yun ba ang tawag sa nararamdaman nya? Yun ba ang resulta ng mga pinagdaanan nya sa buhay? Yun ba ang iniwan sa kanya ng mga karanasan nya sa nagdaang panahon na yun? Siguro nga, ginawa syang bitter ng buhay. Pero bitter man sya, dun na lang sya huhugot ng lakas para di na nya ulit danasin yung sakit at pait ng nakaraan na yun. Isinumpa nya na di nya kakailanganin ang tulong ng mga lalaki. Magsisikap sya, magtatagumpay para mabuhay nya ang sarili nya ng mag-isa. Napatingin sya sa labas ng bintana na nasa kaliwang bahagi ng kama nya.

Pasensya na, Clark, tahimik na sambit nya sa sarili. Kayo naman ang iiyak. Kayo naman ang iiwanan. Kayo naman ang mag-iisa. Kayo naman ang masasaktan. Kailangan nyo naman maramdaman ang mga pinaramdam nyo sa mga katulad namin ni Lea para matutunan nyo kung pano dapat kami tinatrato ng tama. Napangisi sya sa mga litanya ng utak nya at nailing-iling na binalik ang atensyon sa pag-aaral.

Sa kabilang banda, sa gilid ng mga mata ni Sasha, pinagmamasdan nya ang kaibigan. Nag-aalala sya. Pano ba maghihilom ang sugat ni Ianne. Wala pa naman syang plano na maging matandang dalaga, tulad ng gustong mangyari nito. Pero sa kabilang banda, masisisi nya ba si Ianne? Saksi sya sa mga pinagdaanan nito sa buhay. Siya ang naging takbuhan ng kaibigan sa tuwing maiiyak ito sa mga problemang dumaraan. Isang dahilan kung bakit naging matatag ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. Narealize nya na napakaswerte nya sa buhay dahil kabaliktaran iyon sa buhay ni Ianne. At di naman nya ipinagdamot iyon. Kaya lang, nakakalungkot isipin na sa kabila ng saya na nararanasan ni Ianne sa parte ng buhay nya, hindi pa din nito napaghihilom ang sugat ng nakalipas. Hindi naman kasi biro ang mga pinagdaanan ni Ianne. Kung hindi sya naging matatag, baka nasiraan na sya ng bait. Ngunit maayos man ang kanyang pag-iisip sa ngaun, pinatigas naman ng panahon ang puso nya...

Napabalikwas ng bangon si Ianne ng marinig ang malakas na ingay ng alarm clock. Alas tres na pala ng madaling araw. Nag inat sya at nahagip ng paa nya ang mga librong nakakalat sa sahig. Nakatulog pala sya sa pag-rereview. Lumingon sya sa gawing kaliwa ng kanyang kama, at nakita ang kaibigan na himbing na himbing sa pagtulog. Napangiti sya, kala nya nakauwi na ang kaibigan, nakatulog din pala. Bumangon sya sa kama at nagsimulang maglakad patungo sa labas ng kwarto nya. Bababa sya sa kusina para kumuha ng maiinom. Di nya maintindihan pero init na init sya kahit bukas ang electric fan nya sa kwarto. Nakakailang hakbang pa lamang sya ng may tumawag sa kanya, "Marianne!" Napalingon sya at nagitla sa nakita.

When A Man Hater Loves...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon