Journal Entry # 6

35 2 0
                                    

October 19, 2013

(10:38 AM)

Journal,

     Uhh... eh... 'Di ko talaga alam kung paano ko siya masisimulan kasi hindi ko na maalala 'yung mga nangyari last time, pero gusto kong mag-update kasi mahahabol na 'yung reads ko, 'yung reads 'nung story na ginagawa ng pinsan ko, so, sa kadahilanang 'yun, UD talaga! (Wala eh. Ayaw magpatalo! xD)

     Ah! Naalala ko na. Alam ko na kung paano ko sisimulan!

     Heyy Journ! Naaalala mo pa ba 'yung sinasabi ko sa'yong ako ang mag-fifirst sa Feature Writing saka kami 'yung mag-fifirst sa Radio Broadcasting? Pwes, KALIMUTAN MO NA LAHAT NG 'YUN. Alam mo kung bakit? Wala eh, talo kami. 'Di ko alam kung saan ako / kami nagkulang at halos isagad na namin lahat para lang mapagtagumpayan lahat ng contest na 'yan. Natalo ako sa Feature Writing. Iniyakan ko 'yun. Alam kong 'di ko naibigay 'yung lahat ng best ko habang nagsusulat ng article noong panahong 'yun, dahil nga sa 'di masyadong pagsipot sa mga training saka SA SOBRANG KUMPLIKADO NG TOPIC. Ano nga ba topic namin? Zamboanga lang naman po.  Zamboanga; ano 'bang nararamdaman ng mga bata habang nasa giyera, ano kaya nangyayari sa kanila atbp. !! </3 Naibigay ko lang 'yung 25% ng best ko dahil kulang sa oras, kaba, ah basta! Ewan! Kung ako lang naman kasi, iiiyak ko lang 'to ng ilang minuto 'tas okay na ako eh. Pero sa tingin ko, iiiyak ko 'to ng ilang mga oras kasi hindi lang naman ako 'yung affected eh. Pati 'yung taong ayaw na ayaw kong nakikitang nagiging malungkot eh naging malungkot. 'Yung school paper adviser namin. Oo, na-down siya sa nangyari. Sinisisi niya sarili niya kung bakit AKO natalo. Which shouldn't be. Ayokong sisihin niya sarili niya because I know she exerted a lot of effort to just push me to unleash my hidden writing skill... Oh, here's her post that kept on replaying in my mind all this time...

"I'm extremely happy. Yes. No doubt. This euphoria will be manifested in everything that I'll do for the next few days. But there's one to whom my heart mourns and grieves. Yes, it is indeed ecstatic to go up on stage and receive an award. But when I get down, and see that there's one who suppresses a funeral deep inside her heart, all my euphoria goes down the drain. I'm sorry I failed to bring you up on stage. On my second year, I failed again as a campus paper adviser. I want you to always remind yourself of this, FOR ME YOU'RE STILL THE BEST. Damn all those criteria, I believe in your pen and your writing. Next year, we'll come back. BIGGER AND BETTER. We'll bury all those criteria and rise again ^^ I believe in you. I hope my belief matters.

Unlike ·  · Follow Post · October 1 at 8:49pm"

     Humagulgol ako 'nung nabasa ko 'to. Feeling ko kasi, sinisisi niya 'yung sarili niya sa pagkatalo ko. Na nag-fail nanaman siya bilang school paper adviser namin, WHICH IS NOT! She's the best school paper adviser I've ever met. Ayoko talagang nalulungkot siya lalo na't nakasanayan ko na siyang nakikitang masaya. Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nabasa kong post niya. Lahat kasi ng kasapi ng Genzette, nanalo. Pwera lang sa akin. So ano. May discrimination talaga? 

     Kumain kami sa McDo sa SM Valenzuela. Lahat sila masaya. Ayoko namang ma-ruin 'yung kasiyahan nila sa pagiging bitter ko, kasi all this time, kino-comfort nila ako. I just showed na ok na ako by giving them sweet smiles, at alam kong may isang na-didisappoint sa ginagawa ko. Nararamdaman kong tumitingin siya sa akin, 'yung mga mata niya eh parang nagsasabi na nag-fafake smile ako. So what?! I'm used to it, besides ayoko nga kasing masira araw nila, so inirapan ko na lang siya. Kumain kami, nag-pictorial, at nakita ko talagang pure 'yung mga ngiti nila. Priceless 'yung kasiyahang bumabalot sa sarili nila. He knows that I really did my best para maging kagaya nila...

Journal ni Dreamer &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon