Campus Clash (KathNiel and JulQuen)

517 5 8
                                    

This is my first KN and JQ story. The attitude of KN and JQ portrait in this story is fictional and hindi nabased sa talagang attitudes nila. Its on me na author lang talaga.

So if you like this story --->> COMMENT VOTE and FOLLOW

________________________________________________________________________

CHAPTER 1 (First Clash)

Kath's POV

"Kath, bilisan mo na. Baka mahuli tayo sa pila !!" yan si Julia, my one ultimate bespren. 

Magkakilala na kami niyan noong bata pa kami. Magkaibigan kasi ang mama niya at mama ko kaya ngayon, magkaibigan na din kami.

"Oo eto na, nagmamadali na ako." sabi ko kay Julia.

First day of enrollment kasi ngayon, and not mentioning, 6:30 AM palang. Di naman siguro siya masyadong excited.

"Wala pa bang itatagal yang pagbibihis mo?" rinig ko na sabi ni Julia sa labas ng kwarto ko.

Pagkabangon ko kasi nakapalit na siya kaya pinaligo niya ako agad. Kaya ngayon, nagbibihis naman para hindi siya magalit.

Simpleng damit lang ang sinuot ko pero presentable naman tignan. Kinuha ko na yung money para sa enrollment ko at lumabas na ng kwarto.

"Thank God. Tapos ka ng magbihis. Tara na !!" sigaw ni Julia sabay hila sa kamay ko.

Naghihintay na kami ng sasakyan papunta sa school na papasukan namin, ang St.Jude University. 

"Balita ko, sikat daw ang St.Jude University na yan." sabi ni Julia habang naglalagay ng eyeliner.

"Talaga? Kaya pala gusto mong dun tayo mag-aral." sabi ko.

Tapos tumingin siya sa akin.

"Oo, ano ka ba? Maraming pogi daw dun at mayayaman daw mga studante." sabi ni Julia.

Mayaman? Hindi naman kami masyadong mayaman ni Jullia, nasa middle class lang siguro kami. Talagang gusto lang ni Julia mag-aral dun kasi nandon yung crush niya, si Enrique. At wala na kasi akong choice dahil ang St.Jude University lang ang pinakamalapit na school sa tinitirhan namin.

"Yun ba talaga ang rason o dahil nandun si Enrique?" nakasmile kong sabi sa kanya.

"Hahaha. Hindi no, talagang mataas daw ang standard nila at they rank 1st outside Metro Manila." wow, andami talaga nitong palusot. May nalalaman pa itong ranking-ranking.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus Clash (KathNiel and JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon