†THIRD PERSON'S POV:†
Sa nalalapit na katapusan ng digmaan, di mabilang ang mga nadamay, nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo para lamang sa kalayaan na hinahangad ng isat-isa na makamtan. Kaunting minuto na lamang ang natitira ngunit sa kaunting minuto sino ang magwawagi ay makakamtan sa ninais sa paparating na hinaharap.
Patuloy ang labanan sa labas man o sa loob ng arena. Maubos ang mauubos. Walang awa-awa para lamang makamit ang mga hinahangad. Mamatay kung mamatay. At mananatili ang dapat mabuhay. Matira lamang ang matibay habang ang mga mahihina tuluyan ng mamatay.
Balik sa kasalukuyan kung saan tatlong nilalang ang siyang magdidikta at hawak ang mangyayari sa hinaharap. Nagpapatuloy pa din ang labanan ng dalawa sa mga pinakamalakas. Walang gusto magpatalo kahit kapwa may mga pinsala na nang natamo.
Samantalang naghahanda na sa pagsugod si Kathryn habang mahigpit ang pagkakahawak ng punyal sa kanyang kanang kamay. Anumang oras ay handa na siyang sugodin ito habang di nakatuon sa kanya ang atensyon nito at upang matapos na din ang lahat. Ngunit bago pa ito makalapit ay napapigil siya.
"Sige gawin mo ang binabalak mo Kathryn...Pero wag kang magsisi sa bunga nang mga hakbang mo. Sige ka baka mawala ang lahat sayo."
Babala ni Enrique sa dalaga na tila tinapunan ng tingin ang direksyon kung saan nakatayo si Dylan at handang tulungan ang kapatid sa pakikipaglaban ngunit agad ding na alarma ng makita ang mga itim na usok na nakapalibot sa kanya ngayon.
Itim na usok na naghulma bilang mga nilalang sa mundo. Gamit ang black magic na natutunan nito sa pakikihalubilo sa mga masasamang sorceress na noon ay namumuhay pa kasama ang kasalungat nilang lahi.
Ang mga nilalang na ito ay hindi madaling masugpo gamit ang anumang armas o matalim na punyal dahil sa mahika ito nanggaling. Tanging pagpatay lamang sa nilalang na gumawa sa kanila ang magiging daan upang mamatay sila nang tuluyan.
Kaya sa isang senyas lamang ni Enrique ay maaaring niyang iutos o gawin ang ninais niya kay Dylan. Sa babalaking pagtutuligsa ni Kathryn ay maaring dumanak na ang dugo nito na ikakadamay at ikakasawi din ng pinakamamahal niya.
"Di ka talaga patas lumaban.!"= pasaring ni Dylan dito.
Ngunit di siya inimik ni Enrique na abala sa pag-iisip kung paano niya matatalo ang kaharap niyang si Daniel. Nanatili pa ding nakapulopot ang hawak nitong espada sa kadenang hawak ni Daniel. Isang malakas na sipa sa tiyan ang binitawan nito sapat na para mapaluhod siya sa lupa.
Napangiwi naman ito sa natanggap na pag-atake. Pero lihim siyang napangiti ng sa wakas ay natanggal na ang pagpupulupot nito sa hawak na espada. Muling sumugod si Enrique at papaundayan ng saksak ang kanyang kaharap ngunit agad itong nakaiwas sabay pulupot muli sa espada.
Namilipit naman sa sakit ang braso ni Enrique ng magawang ipaikot ni Daniel ang espadang hawak nito dahilan para maski ang braso niya ay mapasama sa pag-ikot. Napabitaw siya sa espada na tumalansik sa sahig.

BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...