Zael
Worse day ever. Never in my life have I kissed an ugly girl! This just sucks. Napahawak ako sa labi ko. Damn it! Oo na. Never in my life talaga akong nakahalik ng pangit kasi FIRST KISS KO YUN! Suuuucks to be me.
Okay lang sana saakin kung kay Cara De Levigne o kaya Yassi Pressman kaso si Nerd?! Nasayangan naman yata ako.
Nakahilata parin ako sa lupa... iniisip yung mga nangyari. Hinalikan ko siya pabalik... shete naman hindi ko kasi alam pinag gagagawa ko at kung ano tumatakbo sa utak ko. Bigla nalang nagyari...
Ang alam ko lang galit ako sakanya! Bakit?
Unang una sa lahat, siya dahilan kung bakit ako nadulas kanina. Di man lang sinabi na may wax sa ramps! Pano naman tumawa lang ako nung makita ko siyang napaupo. Hindi ko naman alam na nilagyan ng magaling kong kapatid ng wax yung ramps eh!
Pangalawa, siya rin dahilan kung bakit ako nasuspend kasama si Sab. Binawian ko lang siya kaninang lunch dahil sa galit ko. Mission Accomplished nga ako sa pagpapahiya sakanya kanina eh! Hahaha!
Pangatlo, ako dapat ang pinakamatalino sa school. Pero dahil ulit sakanya, may naging kakumpitensya ako. Pati atensyon ng mom ko, which is the principal na nadulas kanikanina lang, ay napunta lahat sakanya. Bukod sa tamad mag aral si Sab, spoiled kay daddy pa ito. Kaya lumaking brat. Kaya si Nerd ang dream daughter ni mama. Psh.
Pang apat pero hindi ang pinakahuli, pangit siya! Yun lang yun! Nakakairita pagmumukha niya. Her presence itself is annoying. HER TOTAL EXISTENCE is annoying. Ayoko sa mga tulad niya. Bukod sa makapal ang salamin, madaming pimples at walang sex appeal? Napaka pangit niya! Saksakan ng pangit! Nakakadiri!
Pero lahat ng iniisip kong iyan ay nawala nung hinalikan niya ako. Nung una gulat na gulat ako... inisip kong itulak siya palayo.
Kaso hindi ako nakapagtimpi. Hinila ko siya papalapit at idiniin ang labi ko sa labi niya. Grabe. Yung pag halik niya sakin yung kumbaga may experience. Her lips... long eyelashes... I was so lost. Wala akong inisip sa panahon na iyon. I just let my instincts take over. Medyo naging heated nga lang yung halik. Ang passionate niya pang makipaghalikan.
Dinilaan ko yung lower lip niya... her taste is just intoxicating hindi ko na mapigilan sarili ko... I wanted her so bad.
Hanggang sa tumayo na ito at dinelete yung pic sa phone ko.
Sh*t sayang! Ipopost ko pa sana yun eh! Ugh! Gusto ko siyang mapahiya! Gusto ko siyang maghirap.
Kaso wala akong nagawa... kakahingal. Sa lambot ng labi niya andun lang ako, hindi makatayo. Alam kong nakakabading pinagsasabi ko kaso itong pangit na to eh!
May iba! Kaya nung sinabi kong sino ba talaga siya, namilosopo pa. Sinabi niya buong pangalan niya kaso hindi ako makagetover sa fact na hinalikan niya ako at hinalikan ko siya pabalik kaya hindi ko naintindihan pagkakasabi niya sa pangalan niya.
Binato nalang niya phone ko at umalis na. Ano ba naman yan Zael!
Tumayo na ako at nagpagpag ng likod. Cutting nalang ako. Nagsisipag lang naman ako kung malapit na exams. Iinom ko nalang ito. Baka sakaling makalimutan ko nangyari.
👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓🎧👓
Nakarating ako sa isang random club. Madaming mga chicks dito pero di ko type. Pumunta agad ako sa counter at inorder pinaka malakas nilang alcoholic drink. Habang naghihintay may mga babaeng kumausap sakin. Mga malalandi hindi naman kagandahan. Ang iiksi ng shorts akala mo naman wala nang matitirang tela.
Hindi naman ako binigo ng ininom kong alak. Ang lakas ng epekto nakatulog pa ako ng matagal. Madalas nakakatagal ako sa pag inom kaso tinamaan talaga ako nung ininom ko.
YOU ARE READING
Nerd By Day, DJ By Night
Teen FictionAko si Saph Collene Suarez. Ang dakilang Nerd sa Sylvestrian High. Loner. Pangit. Pero matalino! Alangan namang pangit na nga boba pa diba? Magtira naman kayo ng magandang description para sakin! Anyway, galit ako sa isang lalaking nagngangalang Zae...