SUGAT

676 7 0
                                    

Ang akala ko, na ang sakit na natamo ko sayo panandalian lang mawawala.
Akala ko bukas makalawa maglalaho na lamang na parang bula.
Pero bakit, sa tuwing naaalala ko ang sakit na iniwan mo durog na durog ako.
Hindi ko alam kung kailan ba maghihilom ang sugat na ito.

Akala ko talaga masaya nako. Akala ko OKAY na ko. Pero hindi, mali ako. Dahil nung mula mong hipuin ang sugat ko muling nagdugo ito. Na kasabay ng pag agos ng luha sa mata ko ang pag agos ng dugo mula sa sugat na iniwan mo.
Pero ang pinagtataka ko, bakit kahit sobrang kirot nito nagagawa ko pa ding ngumiti sayo. Kahit basang basa na ang unan ko dahil sa pag iyak ko nagagawa ko pa ding tumahan kapag nandyan kana. Kapag nandyan ka ng panandalian at biglang mawawala. Na pagtapos akong lambing lambingin, kausapin--- Kapag nagsawa ka bigla mo nalang akong lilisanin.

Ano nga ba ko para sayo? Kasi hirap na hirap narin ako. Matagal na tong sugat na ito pero hanggang ngayon napakasakit pa dahil sa patuloy mong pagmamarka.

Hindi ko alam kung bakit hindi magawang maghilom ng sugat ko. Madalas mo kasing hipuin ito, na maaaring matuyo na sana kaso bukas meron nanamang bago.

Bakit nga ba ko patuloy na lumalapit sayo? Kasi mahalaga ka? Oo mahalaga ka! Na kahit ilang sugat pa ang danasin ko sayo nandito padin ako diba? Nakakatawa no. Isa akong dakilang tanga na pilit na isinisiksik ang sarili sayo, na alam kong wala naman talaga akong lugar sa puso mo.
Maghilom man ang sugat na ito, May bakas pa din. Na sa oras na aking kapain aking maaalala ang sugat na iniwan mo sa akin.

Rconpash ❤❤

~ Vote. Comment. Share. Thank you 😉

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon