Bisikleta

158 4 4
                                    

Naalala ko pa noong una kitang nakita...

Nakaupo ka at umiiyak noon sa likuran ng padulasan sa may parke...

Pinuntahan kita at sinabing "Bata, bakit ka umiiyak?"

Tumingin ka sa akin, ngumiti ng mapait at sinabi mong "Nasira kasi yung bisikleta ko, masyadong malayo yung bahay namin, hindi ko alam kung papaanong makauwi ng mabilis, paalam ko pa naman kay mommy na maaga akong uuwi"

Ngumiti ako sayo at sinabing "May bisikleta akong dala, gusto mong ihatid kita?"

Lumiwanag ang mukha mo at tumayo ka ng mabilis at sabay hila sa'kin

Napansin ko habang tumatakbo tayo ang higpit ng hawak mo sa kamay ko na dahilan para mapangiti ako ng sobra.

Huminto ka at sinabi mong "Oh? Bakit ang lapad ng ngiti mo diyan? Para kang ewan, asan na ba yung bisikleta mo?"

Dali-dali kong sinabi sayo na "Ang higpit kasi ng hawak mo sa kamay ko, huwag kang magalala hindi ako mawawala sayo. Andoon yung bisikleta ko oh"

Napansin mong tama nga ako at bigla mong tinanggal ang kamay mo at namula ka

Ilang segundo ang lumipas at sinabi mong "Tara, hatid mo na ako"

Sumakay kana sa may bisikleta ko...

Habang nagpepedal ako naamoy ko yung buhok mo...

Nung naalala ko na di ko alam ang bahay mo huminto ako sa pagpepedal

"Oh? Bakit ka tumigil?" Sinabi mo sa akin

"Eh? Hindi ko kase alam kung san yung bahay mo" Sinabi ko sayo

Sumagot ka at sinabi mong "Oo nga pala. Doon sa may Bernardilla Village, Nachos street"

Nagulat ako sa sinabi mo dahil doon din ako nakatira at sinabi ko sayo na "Talaga? Sakto, doon din ako nakatira. Teka, bakit hindi kita nakikita doon?"

Sumagot ka at sinabing "Kalilipat lang kasi namin kahapon"

Sinabi ko naman sayo na "Galing mo naman, nakabisado mo na kaagad yung daan"

Sumagot ka ulit at sinabing "Siyempre, ako pa. Dali na tama na satsat. Hatid mo na ako"

Noong nasa tapat na tayo ng bahay mo nakita ko ang mommy ko at isang babaeng 'di ko kilala

Pinuntahan ko si mommy, nagulat siya noong nakita niya ako at sinabi niya "Oh? Anak? Magkakilala na kayo ni Cara?

Nagtaka ako at sinabing "Cara? Sinong Cara?"

"Ayan oh. Si Cara" sabay turo sayo ni mommy

"Hello po tita" sabi mo kay mommy

"Ah Cara pala pangalan mo. Ako si Andrew." Sabay ngiti ko sayo

"Michelle, ang gwapo pala ng anak mo." Sabi sa akin ng babaeng nasa tabi mo. Mommy mo ata.

"Haha, sige alis na kami Aria. Maligayang pagdating sa village na ito. Paalam na din sayo Cara" sambit naman ni mommy.

Tumalikod na ako at sumakay sa bisikleta. Bago pa ako umalis tinawag mo pangalan ko.

"Andrew! Salamat sa paghatid."

Tumingin ako sayo at sinabing "Walang anuman"

Pagkatapos nung araw na iyon, nalaman kong parehas pala tayo ng paaralang papasukan.

Bisikleta (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon