TulaxMusika: "PAG AYAW MO NA"

797 2 1
                                    

Napakaganda ng ating panimula.
Masaya tayong dalawa at tila may kumikislap na hugis puso sa ating mga mata.
Nang magtungo tayo sa gitna ang mainit na hangin na dumadampi sa ating balat nanlamig na lamang bigla. Pagod ka na yata. Ipaglalaban ko ba? O hahayaan na lang kita?

🎶🎵 may ibang lungkot akong nakikita sa iyong mata di mo man sinasabi

Oo malamig na ang gabi, Wala ng yakap, wala ng tamis na mensahe. nakakalungkot pero yun ang napapansin ko. Ano bang nangyayari? Bat ganito na. Puro na lamang ba away? Kitang kita sa mata mo na di ka na masaya, ano? Ititigil na ba?

🎶🎵 May ibang galaw na di maipaliwanag ng isip ko kahit ano pang isipin. Sawa ka na yata may iba nabang nakita

Nagbago ka na. Asan na? Tinangay na ata lahat ng galaw mo at lumalayo ka na sakin. Tila nagbago ang ihip ng hangin. Isa lang ang naiisip at nakikita ko, May iba naba? Mukhang sawa kana. Ano? Itigil naba?

🎵🎶 Isa lang naman ang aking hiling, Pag ayaw mo na, Sabihin mo lang di ko matitiis na ikaw pang mahirapan, kase pag ayaw mo na. Ako nang lilisan, di rin magtatagal pag ayaw mo na nga.

Bigla kong naalala yung mga sinabi mo, yung mga pangako mo sakin. Bakit bigla kang nag bago. Sana naman mag sabi kana. Hindi yung nahihirapan ka na, Sinisikreto mo pa. Wag mo na akong isipin. Mas gugustuhin kong bumitaw ka, Kesa kumapit ka pa eh sawa ka naman na yata talaga. Wag mo kong isipin. Ayos lang na umiyak ako, umiyak ng wala ka. Titiisin ko para sayo. alam ko naman na kaya kitang kalimutan. Madali lang naman sabihin eh 'Tama na' 'Tigil na' 'Pagod na ko' 'Kalimutan mo na' . Kalimutan mo lahat ng masasayang alaala basta magpakatotoo ka lang sa akin ayos na. Wag mo na ipilit sabihin mona. Para di ka na mahirapan pa.
Ano? Itigil na ba?

🎵🎶 Mga titig mo wala na ang tamis tulad noon di ka na gaya ng dati.

Akala mo siguro di ko nakikita sa mga mata mo. Pero talo na ang init ng panahon sa sobrang panlalamig mo. Di ko alam kung ano nagawa ko. Pero sige kung pagod kana hayaan na kita. Ano? Tigil naba?

🎵🎶 Wala na ang lambing ng pagtawag mo sa pangalan ko di kita masisi.

Lahat ng nakaugalian nating tawagan, Nauwi ulit sa kanya kanya nating pangalan. Ayoko ng banggitin, Gusto ko nadin tumahimik sa ngayon. Asan kana ba. Ano? Tigil naba?

🎵🎶 Sawa ka na yata may iba na bang nakikita. Isa lang naman ang aking hiling. Pag ayaw mo na. Sabihin mo lang. Di ko matitiis na ikaw pang mahirapan. Kase pag ayaw mo na. Ako nang lilisan. Di rin magtatagal pag ayaw mo na nga

Yung dating ako lang ang lagi mong kasama, ngayon puro paalam ka na at di mo sinasabi sakin kung san ka pupunta. Nagagalit ka pag matanong ako, Nagagalit ka pag napaka sweet ko sayo, nagagalit ka kasi sinasabi mo sobrang arte ko. Pero ginagawa ko yun para ipakita sayo kung gaano kita kamahal hindi sa kaartehan ko lang. Kaya naiisip ko meron ka ng iba. Pag ayaw na kasi, sabihin na hindi yung nahihirapan pa tayong dalawa. Ano? Tigil na ba?

🎵🎶 Tinatanong sa sarili nagkulang pa ba ako. Bastat ang alam ko ay ginawa kong lahat basta't para sayo

Ayun na nga. San ba ako nagkulang? Pinasaya naman kita diba? Kahit minsan sinasabi ko nakakapagod ka, Ginagawa ko padin ang lahat para sumaya ka. Kaya sa ngayon, Kung ayaw mo na, Sabihin mo na. Kahit lumuha ako wala akong pakielam. Basta alam ko sa sarili ko, Na ginawa ko lahat para patunayan sayo, Na ikaw lang ang minahal ko. Ano? Tigil naba?

🎵🎶 pag ayaw mo na, sabihin mo lang. Di ko matitiis na ikaw pang mahirapan. Kase pag ayaw mo na ako ng lilisan. Di rin magtatagal pag ayaw ko na nga

At ayun na nga. Salamat naman. Ngayon Narinig ko na mismo sa bibig mo ang inaantay ko. Ayaw mo na nga. Meron na ngang iba. Humingi ka man ng tawad pero iiyak padin ako. Kase hanggang ngayon iniisip ko pa din, ANO BANG NAGAWA KO SAYO? ANO BANG PAGKUKULANG KO? siguro nga, di ka na masaya. Aayaw ka ba kung mahal mo pa ko. Hindi diba? Salamat nalang. Atleast sa ngayon, di na ko mahihirapan. Di na ko mabibigitan. Kasi ikaw na mismo ang bumitaw at lumisan. Paalam. Yan na lamang ang huli kong masasabi. Salamat sa lahat ng hapdi.

****

"Kung nagmamahal kayo at nakakaramdam kayo ng lamig, itanong niyo agad sa kaniya, Mas mahihirapan ka pa kaseng magmahal kung ikaw nalang ang magisa at kung sawa na siya, at bukod pa dun eh yung hindi na pala siya masaya. Kung mag mamahal kayo, wag niyong hayaang kainin kayo ng pangako. Minsan nadadala lang kayo dahil sweet sila sa inyo. pero hindi. Lahat may pinagsasawaan. Humanap kayo ng taong hindi lang puro salita. Kundi yung taong kaya sa inyong iparamdam at patunayan na nag iisa lang kayo sa buhay nila. at hindi yung taong Puro pangako. Dahil sa oras na patuloy kang makain nito, iiyak ka bandang dulo."

- Rconpash ❤❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon