Kilig Much (One Shot Stories)

5.6K 89 24
                                    

"Chris, tawagin mo nga si Greyson at sabihin mong dito nya na tapusin yung SW nya kanina."

WHAAAAAAAT?! pinapatawag ni Ma'am si Greyson?

kung nagtataka kayo kung sino si Greyson, Hindi yung kumanta ng Sunshine and City Lights at Waiting outside the lines. Ang tinutukoy ko ay si Greyson Ocampo, Crsuh ko.

2 months ko palang sya crush kasi nga new student palang ako this year at alam nyo ba na sya ang dahilan kung bakit tumataas ang Grades ko. Nung hindi ko pa sya Crsuh mga 5/10 ang lagi kong score, tapos ngayon madalas na akong maka perfect.

May problema nga lang. Marami rin nagkakagusto sakanya, ang pogi at ang bait kasi. Meron pa nga syang official ka Love Team, na balita ko ay tunay nyang Crush. Ewan ko lang dun sa Ka Love Team nya kung she feel the same.

Marami-rami na akong alam sakanya kahit new student lang ako. Kasi naman itong best friend ko na si Aria naging ka klase na si Greyson last year. Kaya Halos lahat ng alam nya tungkol kay Greyson nasabi nya na sakin.

Hay NAko, balik na nga muna tayo sa nangyayari.

Habang naka upo ako at inaayos ang gamit ko (Advisers Period/Last Period na kasi)

"Pst" tawag sakin ni Aria sa may likod. Nasa aisle sa may 2nd row sa unahan kasi ang pwesto ko habang si Aria naman sa 3rd.

Ngumuso sya na parang may tinuturo.

Lumingon ako sa may pinto. 0//////0 andyan na pala sya.

Lumakad sya papunta sa Adviser ko at napadaan sa may pwesto ko pero....

"Hoy Greyson Ocampo, nagpaalam ka bang pumasok!?" tinarayan siya ng Adviser ko kaya napa tigil at napa poker face sa may gilid ko.

Ngumiti nalang siya at sinabing "Sorry po Ma'am"

Bumalik sya sa may pintuan at kumatok "Ma'am, May I Come In?" tanong niya.

"Yes you may." sagot naman ni Ma'am.

"O eto tapusin mo. Diba sabi ko kanina walang magbibigay sakin ng Incomplete work." binigay ni Ma'am yung hindi nya daw natapos na seatwork kanina.

Humiram muna sya ng Ballpen "Sino may Extra Blue Ballpen sainyo?" tanong niya sa mga classmates ko. Papahiramin ko sana kaso wala akong Blue, pati na rin yung iba kong classmates. Kasi naman kadalasan black ang gamit, tapos yung sulat sa SW nya blue, pangit naman kung itutuloy nya ng black ang tinta na gamit.

May nagabot na isa. Pinapasa nalang paunahan, tinatamad sigurong tumayo, nasa likod kasi, eh nasa unahan katabi ng Teacher's Table si Greyson.

Umabot sakin yung ballpen. Iaabot ko na sana sakanya kaso may biglang nauna na.

Umupo sya sa sahig sa may tabi ng Teacher's Table at dun na nagsulat.

"Nabalitaan ko, napagalitan nanaman kayo ni Mrs. Cordero. Hindi na talaga kayo nagbago, kaylan ba kayo tatahimik ha!?" habang pinapagalitan kaming lahat ng adviser namin, nakaupo lang sya dun at tahimik na nagsusulat, habang ako naman tahimik na nakatitig sakanya.

"Ms. Malpaya!" Ay sya nga pala, dakdak ako ng dakdak dito hindi ko pa napapakilala sarili ko. AKo nga pala si Mionette Malpaya, but you can call me Mio.

Pero Wait, narinig ko ba pangalan ko?

"Ms. Mionette Malpaya!!!" AY JUSKO, TAWAG AKO NG GALIT KONG ADVISER. Naalis tuloy tingin ko kay Greyson

"Y-Yes Ma'am?" takot kong tanong.

"Pwede bang alisin mo ang tingin mo kay Greyson." sabi niya

"AAAYYYIIIEEE!" sigaw ng mga classmates ko.

looking for sunlight ; one shot compilation (fil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon