Ang paglubog ng araw ang siyang hudyat ng pagbukas ng ilaw. Para silang gamo-gamong lumalapit sa nakakaakit na liwanag. Sa gitna ng dilim ay naghahanap ng apoy na maalab. Nanabik sa init na hatid ng isang yakap.
Sabi nila ang pagpuputa daw ang pinakamatagal ng propesyon sa mundo. Bata pa lang ako mulat na ako sa trabahong ito. Isang bayarang babae ang ina ko. Hindi katulad ng ibang propesyon, hindi mo kailangan pag-aralan ito bago ka makapasok. Ang kailangan mo lang hubarin ang pagkatao mo at maging isang laman bagay na nagbibigay-aliw.
Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Iba-iba ang aming mga ama. Naanakan ang nanay ko ng isang Briton at ako ang naging bunga, ang sumunod sa akin ay ang kapatid ko na si Yuka, naanakan naman siya ng regular costumer niya noong nag-Japan ulit siya at ang bunso at tanging lalaki sa pamilya na si Cosme, Pinoy ang ama niya pero panandalian lang ang relasyon ni Nanay at ang ama niya, naghiwalay din sila bago pa naipanganak ang bunso namin. Okay naman ang nanay ko sa pagpapalaki sa amin, yun nga lang huwag lang maiinlove dahil tanga tanga talaga siya pagdating sa pag-ibig.
"Hoy, Saskia! Ano ba yang sinusulat mo?" Tanong sa akin ng bakla kong ninang na si Jodie.
"Wala 'to!" Nilukot ko ang papel at itinapon sa basurahan.
"Baka naman sinusulatan mo na naman yang tatay mong Briton!" Tumaas ang kilay ni Nanay habang pinipintahan ang mukha niya sa harap ng salamin. Naghahanda para sa trabaho niya ngayong gabi. "Huwag ka nang umasang sasagot iyon. Nagsasayang ka lang ng pera sa pagpapadala ng sulat sa ibang bansa. Baka nga tegi bang bang na yung hudas na yun!"
"Paano ko naman susulatan iyon? Eh hindi naman ako marunong mag-ingles. Di naman nakakaintindi yun ng tagalog." Nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo at hinithit iyon.
"Hoy hindi ba sabi ko sa'yo pwede kang magsigarilyo pero huwag na huwag sa harap ko. Wala kang galang nanay mo pa rin ako no!" Kinuha ng Nanay ang stick ng sigarilyong nakaipit sa pagitan ng dalawang daliri ko.
"Nay!" Angil ko.
Hinampas niya ang likod ng ulo ko. "Ano'ng Nay! Hindi ba sabi ko Mammy ang itawag mo sa akin? Ma-My! Baka akala ng mga makakarinig sa'yo naghihirap na tayo!"
"Totoo naman eh." Kibit-balikat na sabi ko. "Mammy hindi ka na kasing fresh at bata katulad ng dati. Humihina na ang negosyo natin."
"Ay Sasha, ginaganyan ka ng anak mo? Ma-thunders ka na daw o!" Humagikgik si ninang Jodie.
"Ikaw maldita kang bata ka, mag-ingat ka sa pinagsasabi mo." Irap niya sa akin.
"Mammy, kailangan ko ng sikwento pesos gagawa kami ng project sa science. Kailangan kong magbigay sa group namin." Sabi ni Cosme.
"Ay ako din, Mammy. Kailangan ko ng money, gagawa kasi kami ng school project. One hundred pesos lang okay na."
Dumukot si Mammy mula sa wallet niya at naglabas ng singkwentang buo. "O, ayan na lang ang pera ko ngayon. Paghatian niyo yan!"
"Mammy naman! Kulang 'to." Reklamo ni Yuka.
"Ano'ng magagawa ko? Eh yan lang pera ko ngayon. Hintayin niyo ako mamayang gabi. Hindi ako uuwi ng bahay ng walang naiuuwing pera."
"Siya nga pala, Mammy, may dumating na sulat sa apartment natin. Kapag hindi daw tayo nakapagbayad ng kuryente at tubig ngayong linggo, puputulan na daw nila tayo. At saka yung landlady, nangungulit na naman. Dalawang buwan na daw tayong hindi nakakapagbayad, tinataguan nga namin ni Cosme tuwing kumakatok sa apartment natin." Sabi ni Yuka.
Napabuntong-hininga ako at napailing. "Hay nako! Buhay nga talaga. When it rains it's four!"
"Mali, ate! When it rains, it pours." Napapakamot si Cosme sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
General FictionMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...