Chapter 1

30 2 1
                                    

Alexandra's point of view

"Phia! Jovi! Kimmy!" tawag ko sa tatlo kong bestfriend

"Oy si Alex nandito na!"-Jovi

"Ang tagal mo naman Alex san kaba nag punta?"-Kimmy

"Ah-eh may tinignan lang akong unan" sabi ko

"Ahh hahahahahaha baket anong klaseng unan?" sabi ni Phia na tuwang tuwa

"pang salo ba ng mga luha mo iyon tuwing gabi?"-Kimmy

"mga loka! Nautusan lang ako ni mama na tumingin ng unan kase butas butas at puro ngat ngat ng daga yung unan namin!" sabi ko

"ah ok"-Phia

Nga pala nasa mall kami bumibili ng pagkain. Birthday kase ni Kimmy ngayon

....
Napa tulala ako at napaisip

May nagkakagusto kaya sakin?

Siguro wala kase manang ako manamit, masungit, priority ko ang pag-aaral pero gusto ko ma-inlove eh, curious lang ako ano kayang pakiramdam nang may nag mamahal sayo?

Ang gulo lang kase ng pag-ibig

Sabi nila masaya raw, pero malalaman mo nalang na masakit pala

Gusto ko malaman kung anong saya ang nararamdaman nila, gusto ko rin malaman kung anong sakit ang nararamdaman nila

May mga hinahangaan akong mga lalaki, pero kahit kailan hindi ako umaasang mapalapit sila saakin

Iniisip ko nalang na kelangan ko munang makapag tapos bago yang mga ganyang bagay

Sana makakilala ako ng lalaking magmamahal sakin, hindi sa pag mamayabang pero maganda raw ako at matalino. Gusto akong ayusan ng mga kaibigan ko para maging mas lalo akong gumanda pero ayaw ng mga magulang ko, napaka strikto nila

gusto nila ng anak na dalagang pilipina, hays sabagay sabi nila pag nakapag tapos na ko ng pag aaral papabayaan na nila ako sa gusto ko dahil matanda na ko.

ilang buwan nalang naman na matatapos ko na rin ang kurso ko
...

"Alex!? Alexandra?! Alexa!? Hoy!" tawag sakin ni Jovi

"huh? Ano may sinasabi ka?" sabi ko

"lutang ka nanaman! bayaran na natin yung mga pagkain! ang haba na ng pila oh!" sabi ni Jovi

"Ay jusko!" sabi ko

Hay nako nakakahiya naman tong ginawa ko, ang daming nag rereklamo kung bat ang tagal ko sa counter argh jusko!

"pasensya na ate huh? May iniisip lang ako paumanhin po" sabi ko

"Ok po ate" sabi ni cashier

900 pesos lahat ng pinamili namin

iniabot agad ni Jovi ang isang libo sa akin

kinuha ko at ibinigay ko sa cashier

inilagay sa isang malaking plastic yung mga pinamili namin

naglakad kami palabas ng mall

"Alexandra Estrella, ano yung iniisip mo kanina?" sabi ni Kimmy

"inisip ko lang kung pano lutuin lahat ng ito sa loob ng dalawang oras hehe" palusot ko

"sus wag kana mag maang-maangan diyan Alex!" sabi ni Phia

"nananaginip ka nanaman ng gising" sabi ni Jovi

"hala grabe kayo saken" sabi ko

tama sila hahahahaha

nasa sakayan na kami ng jeep ngayon papunta sa bahay nila Kimmy

makalipas ang ilang minuto may jeep ng dumating at agad kaming sumakay

"Bayad ho manong" sabi ko sabay abot ng 50 pesos

nangangalay ako kase wala man lang may magandang loob mag abot ng pera sa driver kaya umalis ako sa kinauupuan ko at ako mismo ang nag abot sa driver kahit nakay yuko

may isang lalaking may masamang tingin ang binibigay saken, gwapo, matipuno at parang first time sumakay sa jeep

"anong tinitingin-tingin mo?" sabi ko sa lalake

inirapan niya lang ako.

aba aba bakla to! bakla!

inirapan ko rin siya

roll eyes na lang para maintindihan mo hahaha

makalipas ang ilang minuto bumaba kami sa jeep pero hindi pa rin nakakababa yung lakake sa sasakyan

Stranger's point of view

maganda sana yung babae mataray lang at manang pft badtrip kase nasiraan ako argh late na ko sa opisina ko

bumaba na yung manang na babae

tumingingin ako sa inupuan niya kanina

naiwan niya yung ID niya

kinuha ko kaagad at tinignan ang pangalan, address specially phone number

"Alexandra Estrella"

ang pangalan niya

oh ang gandang pangalan

By the way I'm Robert Lane Jr.

The HeartbreakerWhere stories live. Discover now