Alexandra's point of view
Bumaba kami ng jeep at naglakad papuntang sakayan ng tricycle
Sumalubong sa aming tatlo ang mga nag aagawang tricycle driver ng costumer hahahaha ang cute nila
"ate dito po" driver 1
"ate libre sexy dito" driver 2
"ate papaliparin ko to para sainyo" driver 3
Pinili namin di driver 3 kase na tuwa kami sakanya hahaha
15 minutes naka rating na kame sa bahay nila Kimmy
"ako na mag babayad" sabi ko
"uy galante haha"-Phia
"birthday naman ni Kimmy eh" sabi ko
"Thankyouuu Aleeeeeex!" sabi ni Kimmy
Pagkuha ko ng pera sa wallet ko napansin kong may nawala -_-
Yung ID ko jusko di ako makakapasok sa school pag wala yung ID kooo! Maryosep!
"oh anong problema alex?"-Jovi
"yunf ID ko nawawala" sabi ko
"hala?"-Kimmy
"oh eto po bayad kuya salamat ah" sabi ko sa driver
"makikita mo rin yung ID mo te may mag babalik rin non! Sige po" sabi ni kuyang driver
"sana nga may mag balik" sabi ko nang naiiyak
"wag mo muna isipin yan Alex" sabi ni Kimmy
"mag party muna tayo! Hahaha"-Jovi
"sige na nga hay nako" sabi ko
Naglakad kame papasok sa bahay nila Kimmy, sumalubong yung aso nilang husky samin ang cute cute non kulay white and brown jusko parang stuff toy lang sarap pag laruan hahaha
"Hello po tita" bati ko sa mama ni Kimmy
"Hello rin Alexandra" sabi ng mama ni Kimmy sabay ngiti
"Hi po titaa!" sabay na sabi ni Jovi At Phia
"wow sabay pa ah" sabi ng mama ni Kimmy
"Ma! lutuin na natin yung mga ihahanda ko" sabi ni Kimmy
"maupo muna kayo diyan, kami na ang bahala sa mga putaheng lulutuin" sabi ng mama ni Kimmy
"sige po tita" sabi ni Jovi
Makalipas ang isang oras biglang may tumawag sakin
094452186**
CallingSinagot ko ito
"Hello?" sabi nung tumatawag saking boses lalake
"Hello? Sino to?" sabi ko
"ako ang may mabuting loob" boses na pag asar
"loko to ah! anong kailangan mo?" naiiritang sabi ko
"wala naman, nasakin lang yung ID mo sige bye" sabi niya
"teka teka wag muna, anong sabi mo? Nasayo yung ID ko?" tanong ko
"Oo miss Alexandra Estrella, right?" sabi niya
"oo ako nga ito, paki balik naman na sakin yang ID ko oh please baka di ako maka pasok sa school pag walang ID" nagmamakaawang sabi ko
"sa isang kundisyon" sabi niya
"ano yun? lahat gagawin ko parang awa mo na kuya" sabi ko
"makipag kita ka saken bukas" sabi niya
"saan? bukas may pasok na ko eh" sabi ko
"nakasulat dito sa likod ng ID mo yung sched mo, 2pm pa ang klase mo, itetext kita kung anong oras at saan" sabi niya
"ok sige salamat po" sabi ko
"walang anuman" sabi niya
....
"oh Alex? sino yun? anong balita?" tanong ni Jovi"may naka pulot na ng ID ko" sabi ko
"sino nga?" tanong ni Jovi
"ewan ko" sabi ko
"lalaki ba?" tanong ni Phia
"Oo" sabi ko
"nako baka siya yung prince charming mo Alex" kinikilig na sabi ni Phia
"loka ka!" sabi ko ng natawa
hahaha sino naman kaya yun? malay ko ba basta goodluck sa akin at sa ID ko
"pupuntahan ko muna sila tita sa kusina ah" sabi ko kela Jovi at Phia
"ok" sabi ni Phia
tumango lang si Jovi
naglakad ako patungo sa kusina kung san nag luluto sila Kimmy at ang mama niya
nakita ko tapos na agad hahaha ang galing isang oras lang nilang niluto yung mga limang pagkain! grabe!
spaghetti
carbonara
pancit bihon
menudo
fried chickenat may mga juice at soft drinks pa wow ready na agad! simple lang ang handa niya pero mukhang masaya
debut ni Kimmy ngayon gusto niya simple lang kase wala naman siyang masyadong kaibigan at kakilala kaya di na kelangan ng enggrandeng handaan
kung ako sana ang mag de-debut gusto ko yung maala fairytale argh tas yung prince charming ko yung last dance, syempre si papa yung first pangalawa si Joseph yung kapatid ko
kaso mahirap lang kami eh
si mama mananahi ng damit, si papa company driver
pero proud ako sakanila kase may mga trabaho sila at malinis ang gawain
pero may ipon naman ako sa bangko kahit papano
bumalik ako sa kinauupuan ko kanina mag dasal ako na sana maibalik yung ID ko
hanggang sa tinawag na kami ng mama ni Kimmy at kumain na
YOU ARE READING
The Heartbreaker
Roman d'amourOnce upon a time there was a slave who fell in love in a prince. Hi my name is Alexandra Estrella, you can call me Alex or Alexa in short Minsan di mo masasabing happy ang ending, karamihan ng ending natin masaklap,mahirap at di na maaayos. Minsan n...