ALMOST 8 MONTHS LATER..
Kerra's POINT OF VIEW
Tinutungo ko ang daan patungong restaurant. Katatawag lang sakin ni Edward, gusto niya daw na magkita kami. Huminga ako ng malalim. Hindi pa niya alam na buntis ako. Bukod sa si kuya ang kinatatakutan ko..syempre, natatakot din ako sa bestfriend ko. Pero alam ko namang tatanggapin niya pa rin ako kahit nagkamali ako. The lesson I learned in my life was when you can't go back to the past and make things right at wala akong ibang magawa kundi tanggapin nalang pagkakamali na iyon. Kung reverse lang sana ang buhay. Mauuna ang future kesa sa past para wala kang pagsisihan kung mapunta ka man sa present. Nasa una baga ang pagsisisi kumbaga. Nauuna ang gusto mong mangyari bago ka pa mag imagine noong bata ka pa. Anyways, wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Ako lang naman kasi makakapagpabago ng buhay ko, ako lang ang makakapagpagaling sa puso ko na nasugatan, ako lang ang makakapagpagaling sa sarili ko, ako lang ang accountable sa mga desisyon ko. Hindi ko na sinisi si kuya sa hindi niya paggabay ng maayos sakin. Wala akong sinisisi sa naging takbo ng buhay ko. Malapit na akong manganak at napapatingala nalang ako sa langit upang kausapin si Kerk.
Alam ko namang nandiyan lang siya sa tabi ng anak namin. Mali pala, lagi siyang nasa tabi ni Ate Terra kasi hindi niya alam na buntis ako, hindi niya alam na may anak siya. Huminga ako ng malalim at hinipo-hipo ang tiyan ko. Pagkatapos kong manganak, mag-aaral ulit ako. Nakakahiya din naman kasi kay kuya kasi siya nalang ang nagtatrabaho sa kompanya namin, hindi ko man lang siya natutulungan.
Nasa kabilang kalsada ako at nakikita ko si Edward dahil sa silag na salamin ng restaurant. Huminga ako ng malalim.
"Kerk, kahit bata palang akong pinagbubuntis ka. Hindi kita ikinahihiya, okay? Huwag kang iiyak kapag umiyak ako kung tuluyan na rin akong iiwan ng bestfriend ko." Sabi ko sa aking anak. Ipinangalan ko siya next to his father, para hindi namin makalimutan si Kerk. Lalaki ang anak ko sabi ng doctor ko. Sa tuwing nagpapaultrasound nga ako, laging ang kasama ko ay si Ate Nancy, kahit mas pinili ni Kuya si Ate Terra, mahal pa rin daw ni Ate nancy ang kuya ko. Pero ngayon..almost 1 year na rin naman silang wala kaya move on na rin siguro si Ate nancy kay kuya.
Kay Ate terra naman, wala na akong balita sa kanya. Magmula kasi nung marinig niya ang pag-uusap namin ni Kuya, hindi man lang niya na kami pinupuntahan sa bahay. Ewan lang si Kuya kung pinupuntahan si Ate Terra sa bahay nila, hindi ko naman naitatanong.
Lumakad na ako papasok ng restaurant at nasa pintuan palang ako ay nakatingin na sakin si Edward. Nakangiti ako sa kanya at nanginginig ang tuhod ko, parang ayaw ko ng lumapit sa kanya. Pero sa huli..lumapit pa rin ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at umupo sa katapat niyang upuan.
Playing music:
How many nights does it take to count the stars?
That's the time it would take to fix my heart
Oh, baby, I was there for you
All I ever wanted was the truth, yeah, yeah
How many nights have you wished someone would stay?
Lie awake only hoping they're OK
I never counted all of mine
If I tried, I know it would feel like infinity
Infinity, infinity, yeah
Infinity...
Nakatitig lang sa akin si Edward. Ang laki nang pinagbago niya. Sa isang tingin niya, parang naninibago ako.
"Kamusta?" Tanong ko para mawala na ang pagkakatitig niya sa akin.
"Okay lang. Ikaw?" Balik niyang tanong sa akin.
"Okay lang din." Sagot ko. Ang awkward nang pakiramdam ko. Hindi ko talaga alam kung pano ko sisimulang sabihin sa kanya.
"Hindi mo sinabi saking buntis ka." Sabi niya at ngumiti lang ako.
"Hindi ko kayang sabihin sa'yo." Sagot ko
"May mga plano tayo, Kerra.." Alam ko sa boses niyang malungkot siya.
"Sana talaga sinama kita sa Amerika para hindi nangyari sa'yo 'yan. Diba sabi mo magtatapos ka? Bakit ganyan ang nangyari?"
"Mag-aaral nalang ulit ako."
"Nasaan ang ama niyan?" Tanong niya at natahimik ako.
"Si Kerk ba?" Tanong niya ulit at tumango ako.
"Nasaan ang gagong 'yun? Nasaan ang lalaking bumuntis sa'yo?" Tanong niya at alam kong pinipilit niyang itago ang galit niya.
"Patay na siya. Matagal na, Edward." Tahimik na tumulo ang luha ko.
"Kerra..." Naiiyak niyang tawag sa pangalan ko.
"Kung hindi pa ako umuwi para magbakasyon, hindi ko pa malalaman? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong niya habang nakatingin sakin. Nakatingin lang din ako sa kanya at ramdam ko ang awa niya. Ngumiti ako sa kanya.
"Huwag mo akong kaawaan. Hindi ko sinabi sa'yo dahil 'yun ang tama. Sa mga oras na hindi ako nagtetext sa'yo, nagchachat sa'yo, gustong-gusto ko na ngang putulin ang pagkakaibigan natin." Sabi ko
"Ako ang ama niyan."
"Edward?"
"Alam mo namang mahal kita diba? Bago ako umalis sinabi ko sa'yo lahat. Lahat ng nararamdaman ko para sa'yo."
"Hindi mo kailangang akuin ang responsibilidad na iniwan ni Kerk. Okay lang ako. Kaya kong mag-isa siyang alagaan. Hindi ako nakipagkita sa'yo ngayon para maging ama ng anak ko. Tama na Edward. Putulin na natin ang pagkakaibigan natin." Tumutulo ang luha na sabi ko at tumayo na.
"Bumalik kana sa Amerika." Dagdag ko pa at umalis na sa harap niya. Akala ko ako ang iiwan ni Edward. Siya pala ang iiwan ko.
Lumabas na ako ng restaurant at napahawak siya tiyan ko.
"Nasasaktan ka ba anak?" Tanong ko dahil sumasakit siya. Parang humihilab ang tiyan ko na ewan. Ngayon ang kabuwanan ko. Manganganak na yata ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya.
"Kuya, manganganak na yata ako."
"Ha?Nasaan ka?Kerra?" Nagpapanic na tanong ni Kuya
"Nandito ako sa tapat ng restaurant..malapit sa bahay natin."
"Bakit nandiyan ka? Alam mo namang manganganak kana? Papunta na ako diyan." Sabi niya atsaka pinatay na ang tawag.
"Kerra?" Boses ni Edward 'yun.
"Lumayo ka sakin." Sabi ko. Ang sakit. Parang lalabas na talaga siya. Lumapit sa akin si Edward at napahawak nalang ako sa kanyang braso sa sobrang sakit.
"Kerra!" Nakikita ko na si Kuya. Agad niya akong binuhat at ipinasok sa kotse niya. Dali-dali niyang pinatakbo ang kotse niya hanggang sa makarating na kami sa hospital. Agad kaming sinalubong ni Ate Nancy para iassist.
.
.
.
.
.
see you sa next chapter XD
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover