11. Buhos ng Ulan

8K 207 7
  • Dedicated kay Sa lahat ng nag vote at comment sa mga previous chapters :))
                                    

Sam's POV


Nagmamadali kaming pumasok nila Jenny at Ericka dahil may long quiz kami ngayon. Si Jenny naman kasi bakit ngayon pa siya natanghali ng gising kung kelan sinabihan niya kami na pumasok ng sabay.Hayyy, buhay. 

Para kaming hinahabol ng aso sa ginagawa naming pagtakbo. Pagkarating namin ng room ay nagtaka kami dahil hindi si sir Levi ang nasa harap, kundi isang babae. 

"Okay, let's start" dali-dali kaming naupo at nagkatinginan kaming tatlo sa kung ano ang nangyayari.

"Good morning, I'm Larisa your new section adviser" biglang nagbulungan ang mga kaklase namin sa sinabi nung babae.

"Excuse me po," tumayo ang class president at tinanong ang kung nasaan si sir Levi.

"Sa pagkakaalam ko ay nagresign na siya at ako ang ipinalit na maging section adviser niyo"

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga classmates namin. Hindi ako makapaniwala na bigla na lang nagresign si sir Levi ng hindi man lang sinasabi samin. Nakakalungkot, wala na kong inspirasyon para pumasok ng maaga. 


Nung natapos ang klase ay nagpaalam sila Jenny at Ericka na pupunta sa kani-kanilang mga org at naiwan ulit akong mag isa, kaya naman naisipan kong maglakad lakad na lang muna sa  campus.

"Bakit ba hindi ako sumali sa kahit na anong org na available noong pasukan, edi sana hindi loner ang peg ko ngayon. Tsk!" lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa office ng school publication at hindi ko inaasahang makikita ko si Rexana na nakasilip sa bintana ng office. Nilapitan ko siya at ginulat. Gusto kong matawa sa naging reaksyon ni Rexan, hanep sa pagtalon parang nakakita ng multo.

"Anong ginagawa mo dito Sam?" tinaasan ko siya ng kilay

"Dapat nga ako ang magtanong nyan sayo eh, anong ginagawa mo dito sa publication office? At sino ba ang sinisilip mo dyan?" sisilipin ko sana kaya lang hinarang niya ang sarili niya para hindi ko makita.

"Tabi nga dyan Rexan," hindi pa rin talaga siya umaalis kaya tinulak ko na siya at sumilip sa bintana. Nakita ko na magkausap sila Jenny at ang editor-in-chief ng school publication namin. Mukhang may something.

Pagtingin ko sa kaniya ay pakamot- kamot lang siya ng ulo, "Teka nga!" Umiling-iling siya at mukhang alam na niya ang sasabihin ko.

"Hindi ah!" sagot niya

"Anong hindi ka dyan, wala pa nga akong tinatanong"

"Naman Sam, wag ka ngang magulo. Alis na, baka makaistorbo ka pa dito." bahagya niya akong tinulak at sumilip ulit siya sa binatana. Maya-maya pa'y narinig ko siyang bumulong.

"Baka kung ano pang gawin ng lalaking yun kay Jenny" gusto kong matawa. 

"Sabi na nga ba eh!" hindi ko na mapigilan ang mapasigaw

"Ano ba Sam!"

"May gusto ka kay Jenny diba? Aminin mo na kasi!" halos napapatalon na ako sa excitement

"Oo na, kaya wag kang magulo jan okay?"

Sabi na nga ba! Nakakahalata na din ako sa isang 'to lalo na nung nag play kami. Kunwari pa siyang ako ang sinusuportahan niya mas grabe ang suporta niya kay Jenny. 

"Bakit hindi mo pa siya ligawan? Single si Jenny ngayon"

"Ang gulo mo talaga Sam!" 

"Bakit muna? pangungulit ko

Napahinto siya sandali, "baka kasi hindi niya ko gusto" nakita ko kung paano lumungkot ang mukha niya, hindi ako sanay na nakikita siyang ganyan. 

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon