Chapter 4

150 5 0
                                    

Chapter 4

“Gail, Bituin, hindi na nga pala ako makakasama ngayon. Magda’date raw kasi kami ni Aia eh.”, sabi ni kuya Ice sa amin habang naka’line na kami.

“Eh, sayang naman ang ticket mo kuya.”, sabi ni Gail.

“Okay lang! Mas sayang pa kung mawawala si Aia sa akin.”, sabi ni kuya Ice.

Mawawala? Si Aia? It’s possible! Napaka’posibleng mangyari niyan lalung-lalo na’t play girl ‘yung babaeng ‘yun!

“Ahh, ganun ba? Sige, mag’date na kayo do’n! God bless!”, sabi ko fraudly.

“Buti pa ‘tong si Bituin! Todo support sa love life ko! Haha!”, sabi ni kuya Ice.

“Sige na nga! Kahapon pa kayo date ng date eh! Bye! See you sa bahay na lang!”, sabi ni Gail sa kuya Ice niya.

“Sige! Bye Gail at sa’yo rin Bituin! Nice to meet you nga pala!”, sabi ni kuya Ice.

“Nice to meet you rin kuya!”, sabi ko naman.

Kaya nagsimula ng maglakad si kuya Ice para pumunta doon sa meeting place nila ‘nung babaeng demonya! Tsss! Nakakainis talaga sa tuwing makikita o maalala ko ‘yung Aia na ‘yun!

Alam niyo ba kung bakit masyado ang galit ko sa babaeng ‘yan? Simple lang, kasi pinaglaruan niya ang feelings ng childhood friend kong si Jake de Silva na noon ay nag-aaral sa Legaspi Academy. Dahil sa kanya, nag’transfer ito. Buti na lang at nandito ngayon si Gail, kundi ako na ang dakilang loner sa campus.

Masimulan ko na nga ‘yung topic namin ni Gail. Awkward silence kasi eh! Hahaha!

“Ang cute ng kuya mo kanina! Hahah!”, sabi ko.

“So ano? In love ka na naman?”, sabi niya at tumawa.

“Hindi ah! Si kuya Luke lang ang nag-iisa dito sa puso ko!”, paliwanag ko sa kanya na kinikilig.

“Sige na nga! Hahah! Oh ayan na, malapit na tayo.”, sabi ni Gail.

Papalapit na kasi kami ngayon ni Gail sa entrance ng sine kaya hinanda na namin ang mga ticket namin.

At heto, nakapasok na nga kami sa sinehan! OMG! Excited na kami. Pinapanood nga pala namin ang movie na “She’s the One” starring Bea Alonzo, Enrique Gil at Dingdong Dantes. Unahin muna ang pelikulang pinoy ika nga di ba?

Papasok na kami sa Cinema 6 at excited na excited na ako. Nang dahil sa dougie ni Enrique, nagka’crush ako sa kanya. Este, fan lang pala, dahil ang nag-iisa kong crush ay si kuya Luke lang at wala ng iba pa.

Maganda talaga ang story. Halo-halong kilig, drama, comedy at iba pa. Whew, halos lahat ng tao todo tili kapag nasa screen ‘yung ultimate fan ko.

Ang gwapo talaga ni Enrique, tapos ang ganda naman ni Bea! Waaah!

‘Nung matapos na ang movie, agad kaming lumabas ni Gail. Since 12 PM na. Ginutom kami kaya pumunta na kami sa Mooon Café para kumain. Nang di inakala, nakita namin si kuya Ice at ang buwiset na girlfriend niyang si Aia Mendez. Naaalala ko lang talaga si Jake.

“Gail! Bituin! Dito na kayo!”, sabi ni kuya Ice habang nag’raise ng right hand niya.

“Ano, doon na tayo Star!”, sabi ni Gail ng mahina.

“Huwag na! Makakdisturbo pa tayo! Tsaka, alam mo naman mainit ang dugo ko diyan sa Aia na ‘yan di ba?”, sabi ko rin sa kanya ng mahina.

Operation: Make the Ice Prince Fall™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon