Lory pov!
"Paano mo napakiusapan si sir Xander na huwag ng sisantihin si Gia? Hindi lang talaga ako makapaniwala na napapayag mo siya. Hindi mo ba alam na sa three years kong nagtatrabaho sa company ngayon lang ito nangyari na binawi niya ang sinabi niya."
"Wala, kinausap ko lang siya. Huwag mo ng itanong kung bakit ang mahalaga may trabaho pa siya."
hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa pustahan baka ikwento niya sa iba at pagtawanan nila si Xander ako na naman ang malalagot. Sumubo na lang ako ng pagkain."Bakit ka nga ba gumamit ng elevator kanina? Akala ko ba takot ka?"
Bagay nga sa kanya ang pagiging interviewer ang hilig niyang magtanong.
"Sinusubukan ko lang kung matatakot pa ba ako kapag sumakay ako dun."
"That's a good thing but I think you should try that with someone para kung sakaling may mangyaring masama sayo may tutulong di ba."
"Tatandaan ko yan. Syanga pala sino ba ang Andrew at Jake na yun? Kilala mo sila?"
Sumubo siya bago sumagot.
"Mga anak sila ng business tycoon. Si sir Andrew nakabase sa Europe ang business nila same with sir Jake.""Paano sila nagkakilala nila Xander?"
"Xander ha?" nginitian niya ako.
"Hayaan mo na. Wala naman siya dito at wala naman tayo sa office and hindi niya naman ito pag.aari."
"So, that's how you address me Miss Briones when I am not around?"
Napalunok ako bigla ng may magsalita sa likuran ko. Bakit siya nandito? Tumayo ako para magbigay pugay sa loko. Lintik kasama niya yung tatlo. Si Andrew at jake nakangisi habang yung babae naman hindi ko malaman kung galit ba siya o ano. Nakatingin lang kasi siya sakin.
"No-no sir. Nagbibiro lang ako."
"That's not a good joke. I want you in my office at exactly one o'clock."
"Yes sir."
Tiningnan niya muna si James bago tumalikod.
"Good job Lory. Keep up the good work." nakangising sabi ni Jake. "I think he already found his match." sumunod na rin siya kina Xander, tinanguan naman kami ni Andrew baku tumalikod.
"I'm sorry about that Lory. Hindi ko rin sila napansin." sinsero niyang paumanhin.
"Ayos lang yun sir. It's not your vault." nagdugtong ang mga kilay niya habang lumitaw ang mga guhit sa noo niya.
"It's not my vault?"
"Oo. Hindi mo naman yun kasalanan. Hayaan mo siya." sa totoo lang kinabahan ako kanina pero ayokong ipakita kay sir James dahil magiguilty siya lalo. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Meron pa akong twenty minutes.
"Ah fault. You mean fault. You know what you're funny."
Fault pala yun? Napahiya na naman ako. Oo inaamin ko bobo talaga ako sa english pero sa english lang. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng mainit na tubig dahil biglang uminit ang katawan ko.
"Ginawa mo pa akong clown."
"I'm sorry. That's not what I mean. I think we should go. Baka mapagalitan ka naman ni si Xander."
"Xander lang." napatawa na lang kami. Tinawag niya ang waiter para sa bill namin at agad namang may lumapit samin.
"Bill namin."
"Sir okay na po. Bilin po ni sir Xander huwag na po kayong magbayad."
Sir Xander na naman? Makapagbilin siya parang siya ang may.ari ng restaurant na ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...