Chapter 14

1.8K 40 2
                                    

Lory Pov!

"Akala mo Xander hindi ko magagawa ang pinagagawa mo? Pwes nagkakamali ka!"

Inalis ko na ang kakatapos ko pa lang na page at tadaaan,, last page na.

Tok! Tok!

"Ay may butiki dito?"

Tok! Tok!

"Meron nga."

"Excuse me po mam."

"Ay gwapong butiki!" napalundag ako at napatalon sa may likod ng swivel chair ng may magsalita.

"Pasensiya na po mam kung nagulat ko kayo."

Sumilip muna ako bago dahan.dahang tumayo.

"Bakit po?"

"Mam pinapacheck lang po ni sir Xander kung may tao pa daw dito sa opisina niya."

"Bakit daw?"

"Pinapasabi niya po na umuwi na daw kayo."

"Tatapusin ko lang ito malapit na din naman akong matapos kailangan talaga to ni Xander bukas." umupo ulit ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Xander? Ikaw po ba ang assistant niya?"

"Ah oo. Sir Xander sabi ko baka mali lang ang pagkakarinig mo."

Siguro mahigpit na pinapatupad ng loko na yun dito na dapat siyang tawagin na sir. Hmf, kapal ng mukha niya!

Tumunog ang hawak niyang phone kaya nagpaalam muna siya sakin. Babalikan niya na lang daw ako. Tamang.tama matatapos ko pa ito.

Makalipas ang ilang minuto bumalik na siya at tamang.tama tapos na din ako dahil maikli lang ang huling page. Inayos ko ang desk niya at inoff ang laptop niya baka sabihin niya pa na napakaburara ko.

"Tara kuya?"

"Sige po."

Binitbit ko na ang bag at sumunod na sa kanya palabas. Infairness amoy fresh si kuya at ang macho, gwapo pa. Hindi kaya bading si Xander tingnan niyo, una yung pabango, pangalawa yung sapatos, pangatlo lahat ng mga lalaking empleyado dito ang gagwapo. Lagot ka sakin lalabas ang buntot na tinatago mo Xander. Oops, teka lang mukhang mali ang dinadaanan niya.

"Teka lang. Mukhang mali ata ang dinadaanan mo kuya."

"Bakit po?"

"Hindi mo ba alam kuya ang kwento na kapag saktong.." tiningnan ko muna ang relo ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Seven thirty hindi pwedeng sumakay ng elevator dahil pagsisisihan mo yan sa buong buhay mo dahil pwede kang matrap sa loob at magkakaroon ka ng claustrophobia."

Saan naman nanggaling ang kwento na yun?

Tiningnan niya rin ang relo niya.

"Mam pwede na tayong sumakay ng elevator ngayon kung totoo man ang sinasabi mo dahil quarter to eleven na po ng gabi.." nakangiti niyang sabi. Anong oras na daw?

"Anong oras na? Baka sira yang relo mo kuya." sabay kaming napaangat ng ulo para tingnan ang oras sa standard clock.

"Mam mukhang relo niyo po ata ang sira."

Quarter to eleven na ibig sabihin sira nga ang relo ko. Kaya hindi pa ako umuuwi kanina akala ko kasi ang aga pa.

"Kailangan ko ng makauwi pero sa hagdan tayo dadaan kuya."

"Para makauwi na po kayo kaagad sa elevator na tayo."

"Sa elevator na lang po kuya. Please naman oh?"

"Pero hindi po pwedeng dumaan dyan kapag gumagana ang elevator."

"Yun na nga kuya hindi gumagana ang elevator." itinulak ko siya papunta sa may fire exit.

"Kakagamit ko pa lang nun kanina."

Hindi na ako sumagot. Kumapit ako sa braso niya at kinaladkad siya papunta sa hagdan buti naman nagpatianod na lang siya. Inalis ko lang ang pagkakapit ko sa kanya ng magsimula na kaming bumaba.

"Kuya wala naman bang nagpapakita dito na multo o kahit na anong masamang elemento maliban sa presidente niyo?" tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

"Magkaaway po ba kayo ni sir Xander?"

"Hindi, close nga kami nun, close na close." baka isumbong ako nito pero last na lang na tanong to. "Bakla ba siya?" tumawa na naman siya.

"Hindi naman siguro masyado lang talaga siyang stricto at snobero lalo na sa mga babae."

"Edi bading nga."

"Ganon din naman samin."

"Ah baka may saltik boss niyo? Joke lang yun kuya huwag mo akong isusumbong sa kanya."

"Makakaasa po kayo."

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa makarating na kami sa baba. May dalawa pa na guard sa baba at binuksan na ang gate para makalabas na ako.

"Mauna na po ako sa inyo."

"Wala ka po bang sundo? Gabi na delikado na sa daan kung pwede lang nga sana na umalis dito ihahatid na kita pero hindi talaga pwede mam."

"Kaya ko naman. Salamat nga pala sa pagsama sakin Kanina. Alis na ako."

"Ingat po mam." sabay.sabay nilang sabi. Buti pa sila ang babait. Si Xander lang ata ang hindi mabait dito.

Lumabas na ako at sumalubong sakin ang malamig na hangin na nagpatindig ng balahibo ko. Wala akong nakikitang sasakyan na dumadaan at wala na rin na tao sa kalsada. Mas lalong tumindig ang balahibo ko. Babalik pa sana ako sa loob para makitawag dahil lowbat na nga phone ko pero nakasara na ito kaya naglalakad.lakad na lang ako baka sakaling may dumaan.

Napalingon ako ng mapansin kong malayo.layo na rin ang nalakad ko pero wala pa ring dumadaan na sasakyan at sari.sari ng imagination ang pumapasok sa isip ko.

"Kapag may nangyaring masama sakin Xander at namatay ako ngayon hinding.hindi kita papatulugin kahit kailan hanggang sa mabaliw ka Xander!"

Kung hindi dahil sa kanya kanina pa sana ako nakauwi.

"Makikita mo talaga bukas Xander."

Napayakap na lang ako sa sarili ko at nagsimulang magdasal.

------------------------

Makikilala niyo na si Mike sa susunod na chapter at ang bagong tauhan.




The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon