Chapter 15

2K 48 4
                                    

Blast pov!

Kanina pa ako naiinis sa bestfriend ko, kay Mike. Magkatabi kami sa van na service niya at mga stylist at kung sino pa na nagtatrabaho para sa kanya pero pareho lang kaming nakatingin ng deritso. Sa pangalawang linya ng sasakyan kami nakaupo.

Tinawagan ko kanina ang driver ko na huwag akong sunduin dahil balak ko talagang sumabay dito sa service niya para makausap siya sabay kasi ang photoshoot namin para sa mga damit na iiendorso namin. Kakarating ko lang din kahapon para lang sa shoot na ito galing France.

"Bakit mo ginawa yun sa kanya?" tiningnan niya lang akong saglit at binalik ang tingin sa unahan. "Bakit mo yun ginawa sa kanya Mike? Nahihibang ka na ba?"

Natigilan ang ibang sakay ng sumigaw ako na kanina pa nagkekwentuhan.

"Pwede bang tumahimik ka na Blast! Wala kang pakialam kung iwan ko siya o hindi!"

"Sa tingin mo ba sisikat ka pa lalo kapag ginawa mo to sa kanya?"

"Tama na yan Blast." awat sakin ng Manager ni Mike. Nandito din pala ang ungas na panot na ito. Hindi ko napansin dahil kay Mike lang nakatuoon ang atensyon ko. Sigurado akong pakana niya ang lahat ng ito dahil noon niya pa gustong hiwalayan ni Mike si Lory.

"May kinalaman ka ba dito?"

"Huwag mo akong pagbintangan! Kung manggugulo ka lang naman mabuti pang-.."

"Hayaan mo na lang si Blast manager." hayaan? Inuubos niya ang pasensiya ko. "Blast ayokong pag.usapan ang tungkol dyan at kung hiniwalayan ko man siya wala ka na dun."

Hinawakan ko siya sa kwelyo kaya magkaharap na kami ngayon at hawak.hawak nila ako para pigilan ako.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang sinaktan mo!"

"Sir Mike di ba si mam Lory yun."

Sabay kaming napatingin ni Mike sa unahan para kumpirmahin ang sinabi ng driver. Si Lory nga. Ano ang ginagawa niya sa kalsada sa ganitong oras?

Tinabig ni Mike ang kamay ko sa pagkakahawak sa kwelyo niya at umayos ng upo na parang wala siyang nakita kaya mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Wala kang gagawin?" hindi siya kumibo. Inuubos mo talaga ang pasensiya ko! "Itigil mo ang sasakyan!"

"Deritso lang manong." pagsasalungat niya sa sinabi ko.

"ITIGIL MO SABI ANG LINTIK NA SASAKYAN NA ITO!"

Biglang itinigil ni Manong ang sasakyan at bago ako lumabas sinuntok ko siya ng buong lakas para maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng masaktan. Napasigaw ang ilan sa loob.

"Huwag niyo akong hawakan!" subukan lang nila akong hawakan tatamaan din sila sakin! "Tarantado ka Mike hindi ko alam kung anong nangyayari sayo at kung bakit mo ginawa yun sa kanya pero ito ang tatandaan mo, iniwan mo na siya kaya kahit kailan wala ka ng karapatan sa kanya at kung wala kang pakialam kay Lory ako meron kaya kung ano man ang ginawa mo panindigan ko yan at sana hindi mo pagsisihan. Magpakasaya ka sa desisyon mo. Wala kang kwentang lalaki!" tiningnan ko ang manager niya.

"Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito dahil kapag napatunayan ko na ikaw ang may pakana nito humanda ka!"

Padabog kong binuksan ang pinto. Hindi na akong nag.abalang isara ito kaya narinig ko pa ang mga sinasabi nila lalo na ang manager niya.

"Tatawagan ko ang abogado ko."
kaya kong tapatan kung yun ang gusto niyo. Magkita na lang tayo sa korte.

"Huwag na! Hayaan na lang natin siya." yun ang huli kong narinig kay Mike at kasunod noon ang pagsara ng pinto at pag.andar ulit ng sasakyan.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon