Xander pov!
As usual maaga akong pumasok. Pag.upo ko ng sa swivel chair ko may napansin ako, parang may kulang sa table ko. Ano kaya?
Binuksan ko ang laptop ko na iniwan ko kahapon at chineck ang ginawa ni Lory.
"Natapos niya lahat? Impossible."
Chineck ko din ang last page kung natapos niya nga lahat pero natapos niya nga.
"Masipag naman pala."
"Good Morning sir." napaangat ako ng tingin para tingnan kung sino ang bagong dating.
Namamaga na naman ang mata niya. Maga ba talaga ang mata niya o gabi.gabi siyang umiiyak?
"Ba-.." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Itatanong ko sana kung bakit maga na naman ang mata niya pero huwag na lang baka isipin niya pa nag.aalala ako may saltik pa naman ang isang to.
Nakatingin lang siya sakin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Bakit ang pangit ng mata mo?"
Bat yun ang lumabas sa bibig ko? Sabagay totoo naman. Bakit kaya palagi na lang na namamaga ang mata niya? Para siyang gabi.gabi sa lamay o baka sumasideline siya kapag gabi na taga.iyak sa lamay, alam niyo yun?
"May ipapagawa ka po ba sir?"
may bago ata sa kanya. Himala ata hindi niya pinatulan ang sinabi ko at para siyang robot magsalita, walang emosyon."Yes, I want you to do my presentation for tomorrow."
Naglakad siya palapit sakin. Tiningnan ko ang sapatos niya. Buti naman nagpalit na siya ng sapatos kahit pabango para naman makalimutan ko ang una naming pagkikita kahit alam ko naman na hinding.hindi ko yun makakalimutan kahit kailan!
"Ikaw na ang bahala sa designs at sana naman may taste ka sa pagpili ng-.."
"Yun lang po ba sir ang ipapagawa mo para makapagsimula na ako."
"Ang ayoko sa lahat Miss Briones ay ang hindi ako pinapatapos sa sinasabi ko."
"Mawalang galang na pero sa tingin ko sir hindi mo na kailangan tapusin ang sasabihin mo dahil kung panglalait man lang ang sasabihin mo hindi na kailangan dahil araw.araw ko na yun na nararanasan. Sisimulan ko na po ito."
Natameme ako sa mga sinabi niya. Wala pa kahit isang empleyado ko ang sumagot sakin pero sa tingin ko may punto naman ang sinabi niya. Kailan pa ako naging ganito? Wala akong pakialam kung tama ako o mali ang mahalaga ako ang nasusunod dito. Hindi maaari to. Tiningnan ko siya pero mukhang hindi siya papatalo sakin ngayon at parang may dinadala siyang mabigat pero gaya ng sabi ko kanina wala akong pakialam.
"Okay."
Bakit pagdating sa kanya hindi ako nakakapalag.
Kinuha niya na ang laptop ko at pumwesto sa couch. Papalampasin ko muna to, saka na ako gaganti.
**************
Mike pov!
"Last shot. Tingin sa kaliwa."
utos ng camera man sakin kaya ginawa ko. "Ganyan nga. Good, one, two three".Umilaw na ang camera kaya ibig sabihin nakunan niya na ako. "Break muna."Kinuha na ng personal assistant ko ang jacket na hinubad ko. Dumiretso ako sa dressing room ko at iniwang nakabukas ang pinto dahil papasok din ang mga make up artist ko.
Umupo na ako sa harap ng salamin at pumikit. Sumandal ako sa upuan dahil nangangalay na ako sa haba ng photo shoot kanina. Narinig kong sumara na ang pinto ibig sabihin oras na para magretouch pero bakit ang ingay sa labas? Baka may mga tagahanga na naman ako sa labas na nagpupumilit na makapasok dito. Hayy naku..
"Pwede bang mamaya na muna."
Bigla na lang may humigit sa kwelyo ko dahilan para mapatayo ako at pagmulat ko ng mata ko...
"Anong ginagawa mo dito Blast? Kung nandito ka para manggulo makakaalis ka na." siya ba ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa labas? Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya kagabi? Nahirapan ang nag.aayos sakin para maitago ang pasa sa mukha ko.
"Yun ang gusto mo di ba? Tarantado ka bawiin mo ang sinabi mo kahapon sa interview mo!"
"Bakit ko naman yun gagawin at ano ba ang pakialam mo?"
Sa bilis ng pangyayari hindi ko na nailagan ang napakalakas ng suntok kaya napaupo na lang ako sa sahig at napapahid ng labi ko dahil nalalasahan ko na ang dugo ko. Pumutok ang labi ko! Lintik! Sumusobra na siya!
"Dahil kung hindi mo gagawin yun hindi lang yan ang aabutin mo sa susunod at hindi ako titigil sa pakikialam sa inyo hangga't hindi mo inaayos ang gulong pinasok mo at hindi mo tinitigil ang pagiging makitid ng utak mo!"
Dahan.dahan akong tumayo at nginitian ko siya ng nang.aasar.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka pa nakikialam samin ni Lory? Sabihin mo nga sakin, may gusto ba ka sa kanya?"
"Sana nga meron. Huwag kang mag.alala hindi naman siya mahirap mahalin!" parang may tumusok sa puso ko na hindi ko malaman kung bakit.
Biglang bumukas ang pinto at natigilan ang lahat pagkakita kay Blast.
"Uulitin ko Mike ayusin mo ito kung hindi pagsisihan mo kung ano ang ginawa mo!"
Naglakad na siya palabas at lahat tumabi sa dadaanan niya. Isa.isang lumapit sakin ang mga alalay ko na mang.aayos sakin.
"Mike? Anong nangyari?" isa pa itong problema. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso. Si Tricia.
"Huwag mo akong hawakan!"
Agad niya namang tinaggal ang pagkakahawak sakin.
"Sir Mike may mga press po sa labas gusto daw po kayong mainterview."
Tiningnan ko ng masama ang nagsalita na body guard ko na wala namang ginawa sa tuwing nasa paligid si Blast.
"Sino ba ang nagpatawg na naman sainyo ng press?" isa.isa ko silang tiningnan pero lahat sila yumuko.
"Mike I-I.."
"Tang.ina! Ikaw na naman?!" kinuha ko ang upuan at binalibag ito. "Iwan niyo ako!"
"Mike pinatawag ko lang naman sila para-.."
"SINABI NG IWANAN NIYO AKO!"
Yunuko si Tricia at sumunod na sa nagmamadaling lumabas na mga artist ko. Isinara ko ang pinto at humarap sa salamin.
Bakit ba pati si Blast kay Lory pa rin kumampi? Lahat ng tagahanga ko kakampi ko pero lahat naman ng malalapit sakin unti.unti ng nawawala.
"AHHHH!"
Sinuntok ko ang salamin sa harap ko pero parang wala akong naramdamang sakit kahit maraming dugo ang dumadaloy sa sugat sa kamao ko.
Hindi nila naiintindihan kung bakit ko to ginagawa. Hindi na ako pwedeng umatras. Nasimulan ko na kaya paninindigan ko ito.
Tiningnan ko ang sarili ko sa basag na salamin... Teka bakit nanlalabo ang mga mata ko? Hindi pwede to. Huwag ngayon, huwag ngayon...
"AHHHHH!"
------------------------
Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Mike? Any clue? Post niyo na...

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...