Chapter 17

1.9K 39 0
                                    


Xander pov!

Inilapag ko na ang binabasa ko na kailangan ko sa presentation bukas dahil hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi ko maialis ang mata ko kay Lory na abala sa pinapagawa ko sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at kinunan siya ng mga pictures.

Bakit ko naman siya kinukunan ng mga litrato?

Bigla siyang nag.ayos ng upo kaya inilapag ko ito sa mesa ko dahil baka makita niya na kinukunan ko siya ng pictures pero hindi naman siya lumingon sakin. Nababaliw na ata ako. Lalabas kaya muna ako baka hindi ko makumbinsi ang mga investors ko sa bagong product na ilalabas namin kung siya lang ang titingnan ko siya maghapon. Kinuha ko ang binabasa ko at lumabas ng office.

"Hey Bro."

Bakit nandito na naman ang isang to?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Itanong mo yan sa kanya." tumabi siya sa daan para makita ko kung sino ang nasa likuran niya.

"Alam mo Thea marami akong ginagawa ngayon at ayoko ng istorbo dahil wala ako sa mood para makipagsagutan sayo kaya please lang."

"That it is not the reason why i'm here. The truth is I want to apologize, I want to say sorry. I'm sorry Alex about what I have said last night."

"Nasabi mo na ang gusto mong sabihin at nakahingi ka na ng sorry kaya makakaalis na kayo."
nilagpasan ko na siya. Sumunod naman sila sakin sa hallway.

Sige sumunod ka lang baka hindi mo alam kung saan ako pupunta.

"Pero hindi mo pa naman ako pinapatawad." tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

"I forgive you."

Pumasok ako sa elevator at pumasok din siya. Nasaan na naman kaya si Jake? Baka may natipuan na naman sa isa sa mga empleyee ko. Pinindot ko ang button para sa ikatlong palapag.

"Alex can we talk?"

"Nag.uusap na tayo."

"Somewhere."

"Busy ako." ang kulit niya talaga kahit kailan. Ayoko ng makipag.usap sa kanya dahil pagpipilitan niya na naman na pakasalan ko siya.

Bumukas na ang elevator akala ko magpapaiwan na siya sa loob pero hindi pa rin. Sunod pa rin siya ng sunod.

Naabutan ko na may kausap sa telepono ang secretary ni Andrew.

"Wait for a minute sir." sabi niya sa kausap niya para kausapin ako. "Yes sir?"

"Dumating na ba siya?"

"Opo. Nasa loob na po."

Tumango lang ako at humarap ulit ako kay Thea.

"Hindi ka ba titigil sa kakasunod sakin?"

"I will not stop following you unless your willing to talk to me."

"Ikaw bahala."

"I need someone to talk with."

Bentang.benta na sakin ang linya na yan kaya hindi ko na bibilhin ulit yan. Ilang beses niya ng sinabi yan isa lang naman ang gusto niyang pag.usapan tungkol sa kasal. Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Andrew. Nakayuko siya sa mesa na parang natutulog. Masakit ang ulo niyan dahil lasing na lasing kagabi.

"Who is he?"

Biglang umangat ang ulo si Andrew pagkarinig ng boses ng Thea at tumayo.

"Thea? What are you doing here?"

"What is this all about Alex?"

"Ikaw ang sunod ng sunod sakin kaya huwag mo akong tanungin niyan at isa pa naghahanap ka ng kausap bakit hindi mo kausapin si Andrew I'm sure he will listen to you. Always."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon