Lory pov!
Maaga pa akong nakauwi kaya sigurado ako na wala pa sina mom sa loob ng bahay dahil mag.aalala na naman yun sakin at magtatanong hindi naman sa ayoko silang makausap ayoko lang talaga na makipag.usap ngayon.
Pumasok na ako sa bahay at nakabukas ang t.v sa living room. Si Manang lang ang nasbutan ko sa loob.
"Lory? Ang aga mo ata ngayon? May Problema ba?" ito na naman. Ayoko ng umiyak sa harap niya. Simula ng maghiwalay kami ni Mike masyado na akong naging sensitibo lalo na sa mga taong malalapit sakin.
"Wala po mom maaga ko lang po na natapos ang pinapagawa sakin kaya maaga akong nakauwi."
"Ganon ba? Siyanga pala tumawag ang kuya mo kanina tinatawagan ka daw niya pero hindi ka daw sumasagot."
"Magandang hapon. Para sa ating Quick report. Natagpuan ang actor na si Mike Herdera na walang malay kaninang tanghali na sugatan ang kamao at putok ang labi habang nakahandusay-.."
Napatingin ako sa t.v ng mabanggit ang pangalan ni Mike at mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa balita.
"Manang pakipatay ng t.v." utos ni mom kay manang na nagwawalis malapit sa may t.v. Papatayin niya na sana ito pero pinigilan ko. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya dahil nag.aalala ako sa kanya.
"Huwag niyo pong patayin."
"Ito ay matapos sugurin ng kanyang matalik na kaibigan na si Blast Atrenio sa dressing room nito pagkatapos ng photo shoot ng actor. Ayon kay Tricia na napapabalita na bago nitong kasintahan na nandoon din at nakasaksi ng insidente sinuntok ni Blast si Mike ito ay dahil sa nonshowbiz nitong
ex-girlfriend na si Lory Briones at ayon pa sa kanya inutusan ni Lory si Blast dahil sa pang.iiwan sa kanya ni Mike na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "I can't believe that she can do this kay Mike. Nakakainis lang dahil lang sa pang.iiwan ni Mike sa kanya nagawa niyang iutos kay Blast na saktan ang kaibigan niya." salaysay ni Tricia sa T.v. Ano ba ang alam niya sakin? "Hinihintay ng lahat na magising ang actor para kumpirmahin sa kanya kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanya at yan ang balita sa oras na it-.."Pinatay na ni Mom ang t.v at nag.aalala akong tiningnan.
"Mom akyat na po ako sa taas. Tatawagan ko po si Kuya miss na miss ko na po kasi siya at excited na po akong ibalita sa kanya ang trabaho ko." ngumiti ako para pigilan ang luha ko na nagbabadya ng tumulo.
"Ayos ka lang?"
"Oo naman po." kasinungalingan.
"Huwag kang mag.alala uuwi kami ng daddy mo ng maaga mamaya. Babalik pa kasi ako sa office may kinukuha lang kasi ako dito. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?"
"Opo. Akyat na po ako sa taas. Excited lang po talaga akong makausap si Kuya Ken."
Niyakap ko siya at tumakbo na ako paitaas ng hagdan dahil excited na ako, excited na akong umiyak. Tinapon ko ang bag ko at nanatili akong nakatayo dahil kapag malapit ako sa unan ko sigurado ako na tutulo na naman ang mga luha ko.
"Hindi pwede. Kaya kong pigilan ang mga luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak. Inhale, exhale. Kaya mo yan Lory. Di ba ang saya mo? Okay lang si Mike at okay ka rin. Nahimatay siya dahil sobrang miss ka na niya Lory. Sana nga."
Biglang tumunog ang phone ko kaya ako naman itong si asa ng asa kinuha ko kaagad ang bag ko at hinanap ang tumutunog.
"Mike ayos ka lang?" tanong ko kaagad sa tumawag pagkasagot ko.
"Lory si kuya Ken mo ito. Tumawag sakin si mom sabi niya nasa bahay ka na daw kaya tinawagan kita. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakatawag kakarating pa lang namin dahil yung isla na napuntahan namin walang signal. Ayos ka lang ba?"

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...